Share

Chapter 04

"Lesa, bakit namumula 'yang mukha mo? May lagnat ka nanaman ba?" tanong ni Grandma at hahaplosin na sana ang noo ko ngunit umiling ako nang mabilis. 

"Hindi po, naninibago lang ako sa lamig grandma. Hindi pa po ba tayo aalis?" tanong ko nang mapansing hindi pa din kumikilos ang mga paa ni Grandma. 

"Hinihintay ko ang Dad at Mom mo. Hindi kasi mapakali 'yang Mom mo, pakunwaring nag-aalala na baka gumastos ka ng marami tapos gusto ka lang pala bantayan," sagot nito na nakapagpanguso sa 'kin. 

"Ayaw talaga ako tantanan ng radar ni Mom," bulong ko. 

Napadaing ako nang makaramdam ng kurot sa tagiliran at kita ko ang nakataas na isang kilay ni Mom. 

Nakakainis na ha! Hindi na ako natutuwa sakanya. 

Naiiyak na napayakap ako sa braso ni Dad na tumatawang hinahaplos ang ulo ko at kunwari'y pinapatahan. 

Kinuha muna ni Dad ang sasakyan kaya nakatayo kami sa harapan ng gate upang hintayin ito. 

"Ikaw ba Lesa ay nagboboyfriend na?" tanong ni Grandma na nakapagpailing sa 'kin. 

"I have no time to waste with that word grandma, kailangan kong makapasa sa board exam at nang makakuha nako ng medical license. It'll not be too long for that," I answered. 

"Bakit hindi ka nalang sumunod sa mama mo at sa 'kin? Painting is a good talent Lesa. Lahat nakakamit sa pagpipinta," saad nito.

I didn't pursue painting because I don't like it. Naiiba ako sakanila, hindi ako katulad nila na marunong magpinta ng mga di kapani-paniwalang bagay. 

I find it hard to paint because I cannot differentiate the color of black and white. Walang kulay na naiiba sa mga ipininta ko, walang buhay. 

Kaya kahit anong pilit sa 'kin ni Mom ay hindi ako sumunod sa kadahilanang wala akong talento katulad nila. 

That time when I tried painting, it was a trash. Ang isang imahe na walang kaemo-emosyon na hindi ko mahulaan kung ano nga ba ang ipininta ko. 

Mom told me to put my emotions, ipinta ko ang nararamdaman ko but it didn't go right with what I expected it to be. Walang nagbago, kaya hindi niya na sinipigan ang pagpilit sa 'kin at sinuportahan na lamang ako sa pagiging Doktor. 

Hindi 'yon alam ni grandma dahil nahihiya akong sabihin sakanya na hindi ko naging talento ang kanyang pagpipinta. 

Bumusena si Dad sa harapan namin, lumabas ito upang buksan ng pinto si grandma bago ako sumunod sa pagpasok. 

Nasa backseat kami ni grandma habang nasa harap naman si Mom at busy ito sa pagsusulat. Tahimik ang naging byahe at wala ni anumang pag-uusap ang naganap. 

Napatingin ako sa labas ng bintana, my eyes widened with surprise when I saw him running in between the dark forest. Hinahabol ba nito ang sasakyan namin? 

"Lesa? Okay kalang ba?" 

Taranta akong napaayos ng upo at napatingin kay Mom na nakatingin sa 'kin mula sa rear-view mirror. 

"I just saw something that caught my eyes," pagdadahilan ko nang di pa rin umaalis ang kanyang tingin sa direksyon ko.

Napailing-iling siya bago ibinalik ang tingin sa pagsusulat. 

Nang ibalik ang tingin sa bintana ay wala na ito, namamalikmata ba ako? 

Ilang minutong pagbyahe bago kami dumating sa mataong lugar. Na-excite naman akong lumabas nang idungaw ko ang ulo sa labas. 

Ipinarking muna ni Dad ang sasakyan bago kami sabay-sabay na lumabas. 

Papalubog na ang araw kaya kita na ang nag-iilawang Christmas light at mga parol na nakasabit sa mga punong natatabunan ng snow. 

Napangiti ako bago sumunod sakanila nang magsimula silang maglakad papasok sa isang shop. 

"Amiga! Napadaan ka nanaman dito sa pamilihan ko. Bibili ka ba ng mga pamasko mo?" tanong ng babaeng may katandaan na. 

"Mamimili kami ng mga dekorasyon para sa bahay. Dito kasi magpapasko itong anak ko kasama ang asawa at anak niya," sagot ni Grandma. 

Bumaling ang tingin nito samin bago gulat ang mga matang tinignan si Mom. "Oh my, is that your daughter? That small kid who used to fight with my daughter? Lissiah it's been years," she said with surprise before embracing my Mom. 

Nang maghiwalay ang dalawa ay kita ko ang pagngiti ni Mom. 

"You didn't really left with Marian? I saw her last month with her new husband," Mom said making my eyes widened. 

Is that really appropriate to tell in front of her own mother? 

"I'm really disappointed with that daughter of mine, she had six husband already and yet she's acting like a single lady." 

Kita ko ang pagtawa ni Grandma at Mom habang ako naman ay nakangiwi. Seriously? Six husband? Napayakap na lamang ako sa braso ni Dad.

"Daddy, samahan moko bumili ng coat please?" ani ko sa pakiusap na tono. 

Nakangiting tumango ito bago ako hinila palabas at hindi na nagpaalam sakanila dahil busy ang mga ito sa pag-uusap. 

Masaya naming tinahak ang mga nag-iilawang daan habang napapatingin sa ilog na nasa gitna. This is really different from New York, walang kahit anong gulo ang makikita, people are just peacefully walking through the road. 

Nang makapasok sa isang shop na may Dressing salon style, bumungad sa 'kin ang naglilinyahang makakapal na coats. 

"Dad, pipili ako doon banda." Tinuro ko ang mga nakasabit na coat samay glass window at tumango naman ito. 

Binigyan ko muna siya ng tingin bago ako tumalikod at dumiretso sa naglilinyahang coats. Nang mahawakan ay nagtitili ako sa 'king isipan dahil sa lambot at kapal ng telang ginamit. 

"Are you interested with that ma'am?" 

Napatingin ako sa gilid ko at kita ko ang babaeng nakangiti na tila kaedad ko lamang. 

Binalik ko ang tingin sa coat bago tumango. "Do you have any color aside from yellow? Like red or maybe black?" I asked. 

May kinuha itong papel sakanyang bulsa bago umiling. "There's only white and gray ma'am, naubos po kasi dahil dinagsa din kami kanina ng mga foreigner."

Napanguso ako, minamalas nga naman at naubusan pa ako ng red. "Can I have the white please? Same size with this." Ipinakita ko sakanya ang yellow coat bago ito tumango. 

Nang mapatingin sa direksyon ni Dad ay wala na ito, napakunot ang noo ko. Where is he? 

"Ma'am? We have one stock of color red, would you like to buy it?" tanong niya kaya napangiti ako at tumango. 

"I would like to buy some hand gloves too, it's better if it's actually pair to that coat," pahabol ko. 

Tumango ito bago ako iniwan. Lumapit ako sa mga naglilinyahang boots and winter hats.

Napahinto ako nang mapadpad ang tingin sa couple scarfs na white and black, hindi ko alam ngunit bigla ko nalang siyang naalala. Ang imahe niyang nakahubad—

No, it was a dream. He was just naked on his upper body when I met him on the bathroom. Should I buy this? 

I took one versatile black denim jeans for men, I also took a set of boxers, a cardigan for men, and took a pair of leather gloves. Kinuha ko na din ang nakita kong scarfs saka dumiretso sa counter.

"Here it is ma'am." Ibinigay niya sa 'kin ang red wool overcoat kasabay ang pair of gloves na kulay red din. 

Nagpasalamat ako sakanya bago hinarap ang counter. 300$ ang nagastos ko lahat kaya sulit na din dahil marami-rami naman ang nabili ko. 

Nang makalabas sa shop dala ang tatlong paper bag ay lumingon-lingon ako sa paligid upang hanapin si Dad ngunit wala ito. 

Napakunot ang noo ko at inabot ang phone ngunit naalala kong iniwan ko pala sa kwarto 'yon. 

Napaupo ako sa bench at napabuga ng hangin. If I know may tumawag nanaman kay Dad about sa trabaho niya, 'yon lang naman ang nakakapagpawala ng ngiti niya eh. 

Napagdesisyunan ko munang maglakad lakad habang wala pa ito hanggang sa umabot ako sa pinakadulo kung saan may nagtitinda ng mga pagkain. 

Sinubok kong tikman yung ibang nakikita ko katulad ng fried chicken with hot sauce atsaka burger na extra large. Maliit lang naman ang nagastos ko kaya sulit ang nakain ko. 

Naglakad na ako pabalik sa daan kung saan ako dumaan kanina at baka naghihintay na sa 'kin si Dad. Nang makabalik sa pwesto ko kanina ay napakunot ang noo ko nang mapansin nagkakagulo ang mga tao. 

Nagsilabasan ang mga tao sa shop at diretso sa lugar kung saan may mga taong nagtitipon-tipon. 

May nakita din ako police car at mga sigawan, hindi ko alam ngunit sa kagitnaan ng gulo ay nakaramdam ako ng panlalamig at kaba. 

Naglakad ako palapit sa nagkakagulong mga tao at nang makalapit ay marahan akong sumilip. 

"He was just there earlier while smoking." 

"Walang awa ang pumatay sakanya." 

It was a dead body of a man bathing on his own blood. Pinapalayo ng mga pulis ang mga tao habang ako ay nanatiling nakatingin sa bangkay. 

Sariwa pa ang kanyang dugo at nakadilat ang mga mata na tila pagulat ang pagpatay sakanya. Kita ko ang saksak mula sakanyang leeg at kanyang putol na daliri na nasa tabi ng kanyang ulo. 

Nang takpan na ng mga pulis ang bangkay ay kita ko pa isang marka ng kuko sakanyang pisngi. Hindi ako nagkakamali, it was a murder without the victim's knowledge. 

"Lesa!" 

May bigla nalang humila sa braso ko at hindi ko napigilan ang mapasigaw dahil sa gulat. I was just in the middle of thinking about the murder and then someone just...

Ikinulong niya ako sa bisig niya at ramdam ko ang paghagulhol niya. Napatingin ako kay Grandma na umiiyak habang nakatakip ang kanyang kamay sakanyang bibig at pinipigilang gumawa ng ingay. 

"Where have you been? Saan ka galing?!" paulit-ulit na tanong ni Mom habang niyuyugyog ako. 

My mind went blank, I think I was traumatized because of the image of that dead body. Hindi ko na maunawaan ang sinasabi niya at nanatili lamang ang mga mata kong nakatitig hanggang sa dumating si Dad na pawisan habang umiiyak. 

Nang mapatingin ako sakanya ay saka lamang ako bumalik sa katinuan. Bumuhos ang luha ko at napayakap kay Mom, I was scared. I thought that it was Dad, I thought that it was Dad who got murdered. 

"Mom, there was a body... A dead body." Tinuro ko ang direksyon kung saan nagkakagulo ang mga tao habang humahagulgol. 

"I thought it was Dad," I said and burst a too much tears when that thought suddenly came inside my mind. 

When Dad heard what I said, he immediately pulled me in his arms and hugged me tightly. 

"I'm sorry, I'm sorry. I'm sorry Alessandra," he whispered repeatedly. 

I just had the the thought of what if it was him? Would I be able to accept it? 

I don't want that to happen. 

I don't want to lose them... 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status