Share

Chapter 22

Nakasunod lamang ako kay Kareem habang tinatahak namin ang gubat pababa sa malawak na lawa na kumukonekta sa tulay mula sa plaza.

Sa pagkakaalam ko ay sa lawak ng lawang ito ay sakop na nito ang buong Cumbrian mountains lalo na ang Lake District. Kaya dinadagsa talaga ng mga foreigner ang lugar kahit pa matataas ang mga bundok rito.

Nang makarating kami sa baba mula sa bundok na gubat ay nilapag ni Kareem ang dalawang timbang bitbit niya at inihanda ang panghuli nito ng isda.

Habang ako nama'y inilapag ang balde ng mga damit na lalabhan ko sa gilid ng lawa.

Malinaw ang sikat mula sa araw at ang mga nagliliparang ibon. Kahit pa nasa gitna na kami ng kagubatan kung saan walang naninirahan, makikita mo pa rin ang sarili mong hinihiling na lamang na manatili sa lugar na ito.

The place signifies freedom and peace. Walang kahit anumang takot at problema ang malalanghap mo sa malamig na hangin.

Lake District will always be a home
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status