Share

CHAPTER 15

ANIM na araw rin siyang naglagi sa Sta. Elena. Nagbus na lamang siya pabalik ng Maynila kahit pa nga mapilit ang Daddy niya na ihatid siya. Ayaw niyang mapagod pa ito sa pagmamaneho, besides, paano niya ipapaliwanag dito na pinagbabawalan siya ni Genis na tumanggap ng kahit sino sa pamilya niya sa pamamahay nito?

Pagkapasok na pagkapasok niya sa loob ng bahay ay sinalubong kaagad siya ng isang malakas na sampal ni Genis. Ang akala niya ay bukas pa ang dating nito kaya nagmamadali siyang umuwi ngayon. Hindi niya akalaing mapapaaga ang pag-uwi nito.

“Hindi ka na nahiya? Nakisabay ka pa talaga sa Errald na iyon pauwi ng Sta. Elena?” Galit na sita nito sa kanya, hinawakan nito ang isang braso niya, “Ano? Nakipaglandian ka sa kanya sa daan, ha?”

“Genis, ano bang pinagsasabi mo?” Aniyang hindi makapaniwala. Nasaktan siya sa sampal nito ngunit mas nasasaktan siyang akusahan nito ng isang bagay na ni minsan ay never niyang gagawin.

Punong
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status