PARA SIYANG MABABALIW habang inaangkin niya ang mga labi ni Amanda. Kahit lasing na lasing siya ay buhay na buhay pa rin ang kanyang pagkalalaki sa alindog ng babaeng ito. Pumaibabaw siya rito habang ang kanyang isang kamay ay pumasok sa loob ng suot nitong lingerie. Narinig pa niyang umungol ito nang ipasok niya ang kamay sa loob ng bra nito at lamutakin ang maumbok nitong dibdib. Mas lalo naman siyang ginanahang romansahin ito. Hinila niya pababa ang suot nitong panty saka tini-trace ang hiwa sa pagitan ng mga hita nito. Nagsisimula na iyong mamasa. “Ohh,” sabi nito habang napapaigtad sa kiliting binibigay ng kanyang daliri sa pagitan ng mga hita nito. Tuluyan na niyang hinubad ang suot nito saka sabik na sabik na sinupsop ang dibdib nito, palipat-lipat sa kanan at kaliwa habang ang kanyang mga kamay ay abala naman sa pagroromansa sa hiyas nito. “Genis. . .I love you,” dinig niyang sabi nito sa kanya. Bigla ay para siyang binuhus
MAAGANG gumising ng araw na iyon si Amanda. At hindi gaya dati, hindi siya nagluto ng breakfast. Hinayaan na lamang niya na si Sally ang magprepare niyon total alam naman niyang masasayang lamang ang effort niya. Naisip niyang sa halip na magmukmok sa isang tabi ay kailangan niyang libangin ang sarili. Nagmessage siya sa Nanay niya na uuwi siya ng Sta. Elena dahil namimiss na niya ang mga ito. Excited ang nanay niya sa binalita niya kaya bigla itong napatawag. “Magba-bus ka lang? Hindi ka ba sasamahan ng asawa mo? Simula nang ikasal kayo ay never pa siyang pumasyal ulit ditto?” “Alam nyo namang masyadong busy si Genis ngayon ‘nay. Saka hindi pa ba ako sapat?” Pabiro pa niyang sabi ditto. “Naku, alam mo namang miss na miss ka na namin. Pero iba rin syempre kung kasama moa ng asawa mo. . .” “Hayaaan nyo next time isasama ko sya,” sabi na lamang niya sa ina para di na ito mag-usisa pa. Pagkababa ng telepono ay iginayak kaagad niya
KUMUNOT ANG NUO ng kanyang ina, “Amanda, magsabi ka sakin ng totoo, nag-away ba kayo ni Genis?” Napalunok si Amanda, hindi na niya kayang iwasan pa ang tanong ng ina, tuluyan na siyang napaiyak, “Mommy. . .”parang batang sabi niya, “Pwede po bang tayo lang munang dalawa ang makaalam nito? Huwag nyo na munang sabihin kahit na kanino?” pakiusap niya sa ina. Tumango ito. Sinimulan niyang ikwento sa ina ang lahat. Hindi makapaniwalang ginagap ni Aling Nena ang kanyang mga kamay. Gulat na gulat ito sa lahat ng mga sinabi niya. “Diyos ko, ibig sabihin pinaglalaruan ka lang ng lalaking iyon?” Nag-umpisa nang pumatak ang mga luha nito, “At pinagbibintangan niyang isa ang Daddy mo sa. . .” para itong mahihimatay habang iniisip ang lahat ng kanyang mga sinabi. “Hindi mamatay tao ang Daddy mo!” Mariing sabi nito sa kanya. “Mommy, sa palagay nyo po kaya mag-iimbento si Genis ng ganun kabigat na paratang kay Daddy?” Mahinang tanong niya rito.
BAKIT BA PARANG nanghihina siya kapag kaharap na niya si Genis. Na para bang lahat ng sama ng loob na nararamdaman niya para ditto ay naglalaho? Ipinangako niya sa sariling hindi na siya magiging marupok. Na hinding-hindi na niya ibibigay ang sarili niya sa lalaking ito hangga’t hindi nagbabago ang turing nito sa kanya and yet mukhang hindi na naman niya iyon mapaninindigan sa ngayon. Paulit-ulit niyang minumura ang kanyang sarili dahil daig pa niya ang isang babaeng bayaran kapag inaangkin na siya ni Genis and yet di niya kayang magpakatatag. Nagiging marupok siya sa isang iglap. Isang halik lang nito, nawawala na ang lahat ng dinadamdam niya. Buong puso, buong pagmamahal niyang tinugon ang maiinit nitong mga halik kasabay ng pag-agos ng kanyang mga luha. Hinding-hindi siya magsasawang mahalin ang lalaking ito. Hinding-hindi hihinto sa pagtibok ang puso niya para ditto. Napasinghap siya nang igiya siya nito paupo sa harapan nito habang unt
WALANG KIBO ang Mommy niya nang magpaalam siya sa mga ito. Alam niyang masama ang loob nito dahil sumama pa rin sya kay Genis pabalik ng Maynila. Kagabi nang mag-usap sila ay panay ang pakiusap nito sa kanya na dumuon na muna siya sa Sta. Elena. Ngunit sinunod pa rin niya ang kagustuhan ni Genis. Tahimik na tahimik lamang siya habang binabagtas ang daan patungo sa Maynila. Gayundin naman si Genis. Wala itong imik habang nakasandal. Ipinikit niya ang mga mata at pinilit na lamang na makatulog dahil halos di na siya nakatulog kagabi pagkatapos nilang magtalik. Gustong-gusto na ng mga mata niyang magpahinga ngunit naglalakbay ang diwa niya. Napakaraming tanong ang naglalaro sa utak niya. Ang sabi ng Mommy niya ay makipaghiwalay na raw siya kay Genis. Huwag raw niyang payagang apihin siya nito at abusuhin. Kung mayroon pa raw natitirang respeto sa sarili niya, makipaghiwalay na raw siya. Hindi niya alam kung ano ang kanyang gagawin.
“DAD. . .” MAHINANG usal ni Amanda habang nakatingin sa kanyang ama na nakahiga habang maraming nakasaksak na apparatus sa katawan nito. Parang dinudurog ang puso niyang makita ang ama sa ganuong kalagayan lalo pa at nasabi ng ina niya ang dahilan kung bakit ito inatake. Hindi naman niya magawang sisihin ang ina. Kasalanan rin naman niya dahil sinabi niya ang problema niya sa kanyang Mommy. Alam naman niyang di ito makakatiis kahit na ano pang pakiusap niya, sasabihin at sasabihin rin iyon nito sa kanyang Daddy. Paglabas niya ng silid ng ama ay nakita niyang nakakuyom ang mga palad ng Kuya Lukas niya habang kausap ang ina niya. Nakagat labi siya. Tumayo kaagad ang Kuya Lukas niya pagkakita sa kanya. Napahinga siya ng malalim. Gustuhin man niya ay di na niya maibabalik pa ang mga nasabi niya sa ina. Sana pala ay sinarili na lamang niya ang pinagdadaanang mga problema. “Ma, may usapan tayo, di ba?” Hindi na nakatiis na sumbat niya rito, “Dapat pala sin
“NINONG BEN, ano ang kinalaman ninyo sa pagkamatay ng pamilya ko?” Matiim ang pagkakatitig ni Genis sa kanyang Ninong Ben. Bagama’t hindi pa niya nakakalap ang lahat ng mga ebedensya, parang kinukumpirma ng pananahimik nito ang katotohanan. Napakuyom ang kanyang mga palad. Pakiramdam niya ay pinagbagsakan siya ng langit at lupa. Matagal na panahon rin palang pinaglaruan ng kanyang Ninong Ben ang kanyang damdamin. Pinaniwala siya nito. Pinagkatiwalaan niya ito ng lubos. Hindi siya makapaniwalang iyong taong pinaniwalaan niya at pinagkatiwalaan ay siya palang tunay na kalaban. Nagpupuyos ang kanyang damdamin, “Paano mo tong nagawa, Ninong? Parang kapatid na ang turing saiyo ni itay?” Sigaw niya rito, ramdam niya ang pagpatak ng kanyang mga luha, “Masahol ka pa sa hayup!!!!” “Kilala mo ko, bata. Pagdating sa negosyo, walang kaibigan, walang kamag-anak. Gusto kong idevelop ang lupa ninyo at patayuan ng mall kaya kinausap ko si Meyor para pilitin ang ama m
SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON ay ngayon lang muli nakaramdam ng ganitong klaseng takot si Genis. “Bibili lang sila ng gamot, wala kasing botika ditto sa ospital, pero gabi na hindi pa sila dumarating. Kanina ko pa tinatawagan ang mga cellphone nila pero parehong nakapatay,” Nag-aalalang sabi ng nanay ni Amanda kay Genis, “Masama talaga ang kutob ko. Hinanap na sila ni Efren. . .” Nagmamadali niyang tinawagan ang kanyang Ninong Ben, “Nasaan si Amanda?” Yamot na tanong niya rito. Tumawa ng malakas ang ninong niya, “Bata, mas mabilis pa rin naman pala ako kesa saiyo,” tila nang-aasar na sabi nito sa kanya, “Ako pa rin ang hari, ako ang nagmentor saiyo, hindi ba? Sa palagay mo, mas matalino ka pa sa iyong master? Iniisip mo pa lang, ginagawa ko na!” mayabang na sabi nito sabay tawa na naman ng malakas. Hindi na niya pinatapos pa ang ibang sinasabi nito. Nagmamadaling pinatay niya ang telepono at bumalik sa pinagpaparkingan ng kanyang big bike. Nah