“NASAAN SI GERTRUDE?” Pormal na tanong ni Amanda sa lalaki. “Natutulog na. Nalibang ka yatang masyado sa date mo kaya nakalimutan mong may anak ka,” sarcastic na sagot sa kanya ni Genis. Nagpanting ang mga tenga niya. Wala itong karapatang sumbatan siya bilang ina. “Hindi moa lam kung anu-anong mga isinakripisyo ko para sa anak ko!” Inis na sabi niya rito saka pumasok sa loob para kuhanin ang bata. Dumilim ang anyo niya nang makita ang alak sa bar table. “May alaga kang bata pero umiinom ka? Hindi ka pa rin nagbabago! Napaka-iresponsable mo pa rin at napaka-selfish!” Sumbat niya rito. Marahas siyang hinawakan sa braso ni Genis. “How about you? Nagawa mong itago sakin si Gertrude ng limang taon? Ano sa palagay moa ng mararamdaman ko?” Galit na tanong nito sa kanya. “And what do you expect me to do, tawagan ka at ipaalam saiyo ang tungkol sa anak natin? Ni hindi mo nga ako kinikilala bilang asawa, hindi ba?” Singhal niya
NILUNOD ni Genis ang sarili sa alak para kahit na paano ay maibsan ang pangungulila niya. Wala pa rin siyang lakas ng loob na ipaalam ang nangyari sa kanya five years ago. Kung alam lang ni Amanda na sinuong niya ang panganib, ni hindi siya natakot kay kamatayan matiyak lamang ang kaligtasan nito. Ngunit hindi na iyon kailangang malaman pa ni Amanda. Ayaw naman niyang kaawaan lamang siya nito. Ayaw niyang magbago ang pagtingin nito sa kanya dahil naawa lamang ito sa kanya. Iyon yata ang pinakahuli niyang gagawin. Napatingin siya sa hawak na baso. Pakiramdam niya ay napaka-empty ng buhay niya. Oo nga at umaapaw ang pera niya and yet pakiramdam niya ay para ba saan ang lahat ng iyon ngayon kung ganito naman kalungkot ang buhay niya? Umiikot na ang paningin niya nang maubos niya ang isang boteng alak kaya naman nang tumayo siya ay nagpagewang-gewang siya at natumba sa sahig. Ni hindi na niya naririnig ang kanyang phone na kanina pa tumutunog.
NAKITA NI GENIS na sumandal si Carina sa dingding at waring nahihirapang humawak ito sa dibdib. Biglang nawala ang inis niya rito, napalitan iyon ng pag-aalala, “Hey, Carina, what’s happening?” “Please call my doctor,” nanghihinang sabi nito sa kanya, “I need to see him now. I can’t breathe,” dagdag pa nito. Natatarantang pinaupo niya ito sa couch saka tinawagan ang doctor nito. Mabuti na lamang at mabilis itong sumagot. Tumawag rin siya ng ambulance para madala si Carina sa ospital. Nagi-guilty tuloy siya. Alam niyang may kinalaman siya kaya ito nagkaganuon. Sumakay na rin siya ng ambulance, hawak niya ang isang kamay nito habang patungo sa ospital. Gusto niyang sapakin ang sarili habang nakikitang nahihirapan si Carina. Wala na ba talaga siyang alam gawin kundi ang magpahirap sa mga damdamin ng mga ito? “You’ll be fine, okay,” sabi niya rito habang awing-awang nakatingin ditto. Hindi niya mapapatawad ang sarili kapag may nangyar
KAARAWAN NI CARINA at hindi matanggihan ni Amanda ang paanyaya ng dalaga na dumalo sa birthday party nito. Alas-singko pa lamang ay naroroon na si Tom para sunduin siya. Isang simpleng strapless silver gown ang isinuot niya. May mahaba itong slit sa gilid kaya kapag naglalakad siya ay lumalabas ang bilugan at mahaba niyang kaliwang hita. Tinernuhan niya iyon ng 4 inches Valentino silver shoes. Regalo iyon ni Tom sa kanya nuong nakaraang pasko kasama ng silver Channel bag na siya ring ginamit niya ngayon. Isang dangling earrings lang ang burloloy niya. Manipis lang din ang inilagay niyang make up. Ewan ba niya ngunit di siya komportableng magsuot ng makapal na make up. Hindi naman niya kasi kinahiligan ang maglalagay ng make up. Kung hindi nga lamang pormal ang okasyon na ito ay nunkang magme-make up pa siya. Pakiramdam kasi niya ay nakakatanda ang make-up at nakakasira ng balat kaya never siyang gumagamit niyon kung di naman hinihingi ng pagkakataon.
“NO. THIS IS YOUR PARTY. Hindi magandang iwanan mo ang mga kaibigan mo,” sabi ni Genis sa babae, nilapitan niya ito at hinalikan sa nuo, “Just enjoy the party and don’t worry about me, okay? Tumatanda na siguro ako kaya hindi na ako nag-eenjoy masyado sa mga ganitong bagay,” pagdadahilan niya sa dalaga. “I think I’ll go ahead. I’ll see you tomorrow, okay?” “Genis?” Nagproprotesta ang mukha nito. Hinawakan niya ang baba ni Carina at itinaas ang mukha nito paharap sa kanya, “Sweetheart, it’s your special day. Pasensya ka na kung killjoy ako. Talaga lang hindi maganda ang gising ko ngayon kaya as much as I want to, hindi ko na kayang makipagsabayan. I’ll see you tomorrow, okay?” aniya at muli itong hinalikan, this time sa mga labi. Buong init naman siyang ginantihan ng halik ni Carina. Ngunit bago pa makarating sa kung saan ang halik na iyon ay mabilis na siyang kumalas ditto, “Baka hinahanap ka na ng mga friends mo. Hindi na ako magpapaalam sa
“ILANG BESES ko bang kailangang ulit-ulitin saiyo ang lahat bago mo maintindihan Mrs. Locsin?” Singhal ni Genis sa kanyang bagong sekretarya saka napipikong lumabas ng kanyang opisina at nagpahatid kay Mang Doy sa bagong pub house na ipinatatayo niya. Kahapon pa niya gustong makita si Gertrude ngunit may kailangan siyang tapusin na trabaho kahapon kaya nangako na lamang siya na manunuod sila ng sine ngayon. Ngunit nagkaproblema nga sa mga dokumentong kailangan niyang pirmahan kaya napasugod siyang bigla sa opisina. Ngayon naman ay kailangan niyang tingnan ang construction ng pub house since may mga nilabag raw ang construction ng kanilang building ayon sa city engineer na nag-inspect ditto. Alam naman niyang humihingi lang ito ng karagdagang lagay. Kabisadong-kabisado na niya ang mga kalakarang ganito. Hanggang nawala na sa isip niya ang usapan nila ni Gertrude dahil sa dami ng trabahong kinaharap niya. Alas-kuwatro na ng hapon nang maalala niya ang usapan
NATIGILAN sa pagsubo ng pagkain si Tom nang marinig ang sinabi ni Gertrude. Hindi naman niya kung paano sasawayin ang anak sa pagkwekwento nito sa binata. Pakiramdam niya ay masisira ang date nila nang tingnan siya ng masama ni Tom, “Your Dad was in your Mommy’s room?” halata ang tension sa boses ni Tom nang tanungin si Gertrude na wala namang kamali-malisya habang nagkwekwento ditto. “Yes Tito Tom!” bulalas ng bata, “And I think Mommy is still in love with Daddy,” tuwang-tuwa pang sabi nito sa lalaki. Napalunok siya. Patay kang bata ka. Alam niyang away na naman ito mamaya kapag inihatid sila nito sa bahay. “Really? Don’t you know that were going to get married soon?” Tila naiirita nang sabi ni Tom sa bata, waring pati si Gertrude ay nais pa nitong patulan. “But Mommy and Daddy are still married, right?” Sagot naman ni Gertrude. Napahinga siya ng malalim. Daig pa nito ang isang abogada kung magsasagot. Hindi niya alam
NAGBAKE NG CAKE si Amanda. Ang balak niya ay sopresahin si Tom para sa birthday nito kaya kinuntsaba niya ang maid na huwag ipaalam sa binata na darating siya. It’s about time na bumawi naman siya. Narealize niyang Malaki ang nagging pagkukulang niya rito. Sa loob halos ng isang taon nilang relasyon ay ito ang palaging nagbibigay at umuunawa sa kanya. Si Tom ang kasama niya and yet si Genis ang palaging laman ng puso at isipan niya. It’s about time na pag-ukulan niya ito ng pansin or else pati ito ay mawala na rin sa kanya. “Nasaan si Tom?” Mahinang tanong niya sa maid nang pagbuksan siya nito ng pinto. “Nasa kusina po. Dumating si Ma’m Carina, may dala ring mga pagkain,” sagot ng maid. “Sandali lang ay tatawagin ko ho. . .” “Shh, ako ng bahala,” nakangiting sabi niya sa maid saka dumiretso na sa kusina ngunit natigilan siya sa may bukana nang marinig ang pagtatalo ng magpinsan. “Nagpapanggap ka lang na may sakit ka?” Narinig niyan