“PLEASE AMANDA, nakikiusap ako saiyo. Ayokong makarating kay Genis na gawa-gawa ko lang ang tungkol sa sakit ko,” Nakikiusap na sabi ni Carina sa kanya habang tumutulo ang mga luha. Kinuha pa nito ang dalawa niyang kamay at pinisil ng mariin, “Mahal na mahal ko si Genis at ikamamatay ko kapag nawala siya sakin.” “Bakit kailangan mong magsinungaling sa kanya in the first place?” Nagtatakang tanong niya rito. Hindi naman na nito kailangang mamalimos ng pag-ibig rito dahil tiyak namang mahal na mahal ito ng kanyang dating asawa. Hindi kagaya niya na ginawa na ang lahat and yet hindi naman siya minahal ng lalaki kahit na katiting lang. Kung tutuusin nga ay napakaswerte nito kay Genis dahil nakita niya kung paano ito alagaan ng lalaki. Samantalang siya, sa loob ng panahon na naging mag-asawa sila ay wala naman itong ginawa kundi saktan ang damdamin niya. At magpahanggang ngayon ay matagumpay pa rin siya nitong nasasaktan. “Mahal na mahal ka ni Genis
“GUSTONG ILAYO saiyo ni Amanda ang bata that’s why I talked to her. I confronted her about it. Sabi ko sa kanya may karapatan ka sa bata. Nagalit sya sakin. Bakit daw ako nakikialam sa mga desisyon nya. I guess she’s right. Wala talaga akong karapatang pakialaman sya dahil hindi ko naman anak si Gertrude. Pero magkarelasyon tayo at ang lahat ng mahalga saiyo, mahalaga rin sakin. Mukhang hindi nagugustuhan ni Amanda iyon. Ang sabi nya pa, nakapagplano na sila ni Tom. Ilalayo niya ang bata sa atin. . .babalik na sila sa Canada at duon magpapakasal.” Napatiim ang mga bagang ni Genis nang marinig ang mga sinabi ni Carina. Talagang sinusubukan ni Amanda ang pasensya niya. “Hindi niya maaring ilayo sakin ang anak ko!” Inis na sabi niya. Hinawakan siya nito sa braso. “Genis, hayaan na muna natin si Amanda. S-Siguro masyado lang syang nag-aalala dahil nakikita niyang malapit na malapit saiyo ang bata,” sabi nitong napakibit balikat, “Siguro mas gusto nyang
“PLEASE TOM,” Wala sa mood na itinulak ni Amanda palayo sa kanyang katawan si Tom nang tangkain siya nitong yakapin at halikan. “Once and for all, tapatin mo nga ako. Mahal mo ba talaga ako or kailangan mo lang ako para kumbinsihin ang sarili mo na nakapag-move on ka na sa dati mong asawa?” Tanong nito sa kanya, ramdam niya ang kinikimkim na sama ng loob sa bawat katagang binibitiwan nito. Umiwas siya ng tingin dahil hindi niya kayang salubungin ang nanunuot na mga tingin nito. Pakiramdam kasi niya ay sapat na ang sinasabi ng kanyang mga mata para maramdaman nito ang totoo niyang damdamin. She is being unfair. Si Tom ang karamay niya sa loob ng limang taon na nangungulila siya. Dapat ay pinahahalagahan niya ang pag-ibig na binibigay nito sa kanya pero ano itong ginagawa niya? “Tom. . .I’m sorry. . .” halos pabulong lamang na sabi niya. “Sorry? Hindi ‘yan ang gusto kong marinig saiyo, Amanda!” This time, galit na ang tono ng pananal
“PWEDE ba akong makiusap saiyo, Genis?” Mahina ang boses na tanong ni Carina sa kanya habang nakahiga ito at nahihirapang huminga, “Pwede bang huwag kang umalis sa tabi ko?” Nakikiusap na sabi nito saka hinawakan ang kanyang mga kamay, “I just want to be with you until my last breath, sweetheart.” Anitong ipinikit na ang mga mata. “Carina, ano bang pinagsasabi mo? You’re fine okay? Bakit kasi hindi ka making sakin. Pumunta tayo sa Amerika or sa ibang bansa na may mas makabagong facilities para sa gamutan mo. Wala akong tiwala sa doctor mo. I think you need a second opinion.” Sabi niya rito habang pinagmamasdan ito. Matagal na niyang pinagtatakhan kung bakit ayaw magpakunsolta sa ibang ekperto ni Carina para sa intensive na gamutan nito. “Hindi mo kailangang magtiyaga sa lumang ospital na ito. . .” “Genis, ilang beses ko bang sasabihin na nakapagpakonsulta na ako sa iba’t-ibang doctor at iisa lang din naman ang sinasabi nila. It’s no use na magha
AYAW TUMIGIL sa pag-iyak ni Gertrude dahil kanina pa nito hinihintay ang tawag ni Genis. Nangako kasi ang ama nito na manunuod ang mga ito ng sine and yet papadilim na pero hindi pa rin nito sinusundo ang bata. Naiinis na siya. Bakit kailangan nitong paasahin ang anak nila? Okay lang na siya ang saktan nito pero si Gertrude? Hindi niya iyon papayagang mangyari. Nangigigil na siya sa inis. Kanina pa niya ito kinokontak ngunit can not be reach ang telepono nito. Naisipan niyang tawagan si Mang Doy. Nag-alala siya nang malaman ditto na kanina pa rin nito tinatawagan ang lalaki ngunit di rin nito sinasagot ang tawag nito. Nagsabi nga raw si Genis na susunduin nila ngayon si Gertrude dahil manunuod ng sine ang mag-ama. Kinabahan na siya. Imposible namang pati si Mang Doy ay di nito sagutin o ipaalam man lang sa matandang driver na di tuloy ang lakad nito. In fairness naman kay Genis ay maayos naman itong makitungo sa driver nito. Nag-aalala n
“NAKIKIUSAP sa akin si Carina na. . .na ilihim namin saiyo iyong. . .iyong sabi ng doctor sa kanya na naka-recover na sya sa sakit nya and she is now cancer free. Gusto kasi niyang isurprise ka sa. . .bago ang kasal ninyo,” pagsisinungaling ni Amanda upang mapagtakpan si Carina. Nangungunot ang nuong tiningnan nito si Carina maya-maya ay lumiwanag ang mukha, “Magaling ka na?” tuwang-tuwang sabi nito saka niyakap nang mahigpit ang babae. Tahimik naman siyang naglakad na lamang palayo sa mga ito. Cancer-free? Gusto niyang sabihin na kahit naman kalian ay hindi ito nagkasakit ng kanser. Pero syempre pa ay hindi niya iyon gagawin para di na lumaki pa ang issue. Umaasa na lamang siyang tatapusin na ni Carina ang kasinungalingan nito tungkol sa sakit na kanser dahil kapag hindi pa nito tinigilan ang mga drama nito ay siya na mismo ang magbibisto ng kasinungalingan nitong iyon kay Genis. Nagmamadali na siyang lumakad papalayo. Nagsisikip ang dibdib n
AYAW sanang humarap ni Amanda kay Genis nang dumating ito para sunduin ang kanilang anak ngunit marami itong dalang mga pagkain at mapilit si Gertrude na mag-lunch silang sabay-sabay sa kanilang bahay kung kaya’t napilitan siyang saluhan ang mga ito. Ayaw naman niyang lumabas na siya ang kontrabida sa paningin ng kanyang anak. “Thank you nga pala for saving me, hindi na kita napasalamatan ng maayos nuong isang araw dahil nagmamadali ka ng umalis.” Sabi ng lalaki sa kanya pagkatapos nilang magtanghalian at hiniintay nito si Gertrude na makabihis. Nagkibit balikat siya, “Nagkataon lang na nag-alala ako dahil nagwawala na si Gertrude sa kahiintay saiyo. Ayaw na ayaw pa naman niya ng pinangangakauan ng isang bagay na di naman pala kayang tuparin. Kaya next time, huwag mong lalanguin ang sarili mo sa alak kung di mo naman pala kaya!” “I was in pain kaya. . .” tumigil ito sa pagsasalita saka huminga ng malalim, “Yeah you’re right. . .mahilig akong mang
PAGPASOK NI GENIS sa kanyang resto bar ay namataan kaagad niya si Tom na mag-isang nilulunod ang sarili sa alak. Nilapitan niya ito, naapangisi ito nang makita siya, halatang lango na sa alak ang mukha nito, “Genis, buti nandito ka,” sabi nitong itinaas ang isang kamay para tawagin ang waiter at nagpakuha ng isang baso. Sinalinan nito ng alak ang basong iniabot sa kanya, “Cheers!” anitong itinaas ang hawak na baso, “Alam mo bang hiniwalayan na ko ni Amanda?” May pait sa tonong balita nito sa kanya. Nagulat siya sa sinabing iyon ni Tom. Walang nababanggit si Amanda tungkol sa pakikipaghiwalay nito kay Tom. Alam niyang hindi maganda pero parang ang saya-saya niyang malaman na wala na ang dalawa ngayon. Napatungga tuloy siya ng alak. Waring gustong magbunyi ng puso niya. “Ayoko mang aminin, pero nararadaman kong ikaw pa rin ang mahal niya!” Malungkot na sabi nito sa kanya, “Ginawa ko ng lahat para makalimutan ka nya but I guess, mahira