Share

CHAPTER 8

"Anong pag-uusapan natin?" agad na tanong ni Reyna pagkatumba ng huling kalaban ni Zyrex. 

"Nasaan ang utak mo?" naiinis na tanong ni Zyrex. 

"Andito sa ulo ko. Bakit mo hinahanap ang utak ko?" 

Labis na pagtitimpi ang ginagawa ni Zyrex sa mga oras na 'to. Mahaba ang kanyang pasensya pero mabilis maubos dahil sa pag-iisip na meron ang kaharap niya. 

"Kung nasa ulo mo, bakit hindi mo gamitin ng maayos?" sagot niya. 

Konti na lang talaga, mapipigtas na ang pagpipigil niya.

"Kahit gustuhin ko, hindi siya gumagana ng maayos." simple nitong sagot pero nakakasagad ng pasensya. "Uy! natatae ka ba? Bakit ganyan ang hitsura mo?"

Right.

"Argh!!" impit niyang sigaw habang nagtatagis ang mga bagang. 

"U-uy sabihin mo, masakit ba ang tiyan mo? Ayos ka lang ba?" hinawakan pa nito ang tiyan niya at bahagyang hinaplos.

"Damn it! Lumayo ka sakin!" bahagya niya itong tinulak.

Lalaki siya at hindi magandang ideya ang ginawa nito sa tiyan niya. 

"Ayos ka na ba?" sinilip nito ang mukha niya. 

Napatingin si Zyrex sa mata nitong nag-aalala. Parang nawala ang negative aura sa pagkatao niya. 

"U-uy magsalita ka! Tinatakot mo 'ko. Masakit ba ang tiyan mo?" 

Pagak siyang natawa. 

Birdbrain talaga. 

"Natatakot kang sumakit ang tiyan ko pero hindi ka takot na mamatay ako habang nakikipaglaban kanina?" hindi makapaniwala niyang tanong. 

Normal lang na matakot ito sa mga kaguluhan pero dahil kakaiba ang isip nito, mas natatakot ito sa mga simpleng bagay. 

She's simple after all. 

"Syempre takot din noh!" bahagya siyang nagulat pero hindi niya pinahalata. "Natatakot ako baka mapatay ka nila." mukhang totoo naman ang sinasabi nito. Lihim siyang napangiti. "Paano ko mababayaran ang utang ko? Baka singilin mo ako habang multo ka na. Paano mo pa maiinom iyong tubig kung multo ka na? Eh, di parang hindi rin kita nabayaran noon!"

Nawala ang ngiti ni Zyrex. Ayos na sana eh. Bakit kailangan pa nitong magpaliwanag? Puro walang kwenta naman ang lumalabas sa bibig nito. 

"Tsk!" naiinis niyang sabi. 

Tinalikuran niya ito at naglakad patungo sa ilalim ng tulay.

"Uy, saan ka pupunta? Makikitulog ka ba sa bahay ko?" Sumunod ito sa kanya.

Hinayaan na nila ang mga katawang nakakalat sa daan. Nakatulog lang naman ang mga iyon.

"Hindi ka pwede sa bahay ko!" napatigil siya sa paghakbang kaya nabangga ito sa likuran niya. "Aray! Pader ba ang likod mo?" hinihimas nito ang noo ng harapin niya.

"Why?" aniya. 

"Anong why?" 

"Bakit hindi ako pwedeng makitulog?" muli niyang tanong. 

Kasama sa trabaho niya ang magpahinga sa kalagitnaan ng misyon, at walang kaso sa kanya kung saan matutulog.

"Kasi babae ako at lalaki ka," katwiran nito. 

"Iniisip mo bang may gagawin ako sayo?" inilapit ni Zyrex ang mukha sa mukha nito pero hindi ito umatras.

Lihim siyang napangisi.

"Hindi ah!" sambit nito diretsong nakatingin sa mata niya.

She's not lying.

Umayos siya ng tayo.

"Kung ganoon, bakit?"

"May nagsabi kasi sa 'kin na bawal magtabi sa higaan ang babae at lalaki. May makukuha daw sumpa ang babae. Ayoko magkasumpa kaya hindi ka pwede sa bahay ko. Maliit lang iyon kaya siguradong magkakatabi tayo." paliwanag nito habang umiiling.

"Sumpa?" tumango-tango ito. "Anong sumpa?" ngayon lang niya narinig ang tungkol sa ganoong sumpa.

"Lumalaki raw ang tiyan ng babae at nararamdaman ang sintomas isa hanggang dalawang linggo tapos biglang lumiliit sa loob ng siyam na buwan. Iyon daw ang ikamamatay ng babae." seryoso nitong paliwanag. 

Mukhang paniwalang-paniwala ito sa sumpang sinasabi.

"Naniniwala ka sa sumpang yan?"

"Oo naman!"

"May napatunayan ka na?" napaisip naman ito. "Kung wala pa, huwag kang maniwala."

"Eh, bakit naman?" nagtataka nitong tanong. 

"Dahil hindi lahat ng lumalabas sa bibig ng tao ay totoo."

"Talaga? Paano kapag nagsusuka ako, peke ba iyon?" inosente nitong tanong. 

Umigting ang panga niya sa tanong nito. Kung hindi lang ito mukhang inosenteng bata habang nagtatanong baka nabatukan na niya ito.

He respects women, pero kapag ganito ang kausap, gugustuhin na lang niyang batukan ito at alugin ang utak. Baka sakaling maging normal.

"Let's go!" hinila niya ito sa kwelyo ng damit sa likuran.

"T-teka nasasakal ako, saan ba tayo pupunta? Matutulog na ako!" hindi pinansin ni Zyrex ang pagrereklamo nito.

Saka lang niya ito binitiwan ng makarating sa tagong lugar.

"Ikaw naman... Nahiya ka pang magsabi na magpapasama ka pala." sinundot-sundot pa nito ang tagiliran niya. Hindi naman umiwas si Zyrex dahil wala siyang kiliti doon. 

Tumalikod ito sa kanya at nagtakip ng mga mata.

Ano na namang kabaliwan ang ginagawa nito?

"Tumae ka na, dito lang ako."

Natigilan siya sa narinig. 

"What the fuck?" hindi makapaniwala niyang reaksyon ng maproseso ang sinabi nito. 

Lumingon ito sa kanya habang nakaawang ang pagitan ng daliring nakatakip sa mata.

"Natatakot kang dumumi mag-isa hindi ba? Kaya nagpasama ka sa 'kin."

"Argh!" napatingala siya habang hinihilot ang batok.

Bago pa mawala ang manipis niyang pasensya, inalis na niya ang takip ng kanyang sasakyan.

"Hop on!" sabi niya ng hindi nakatingin sa babae. 

Kinuha niya ang helmet na nakasabit sa motorsiklo.

"Gabi na kaya."

Bumuntong hininga siya at hinarap ang babae.

"Obviously, gabi na kaya sumakay ka na!" nagtitimpi niyang sambit.

"Alam mo naman palang gabi na, bakit sinasabi mong hapon?"

"Shut your fucking useless tongue up and get your ass back here!" sigaw niya dahil sa frustration. 

Kahit nagtaas na siya ng boses mukhang hindi man lang ito natinag.

"Relax. Hingang malalim-buga. Hah! Tatlong beses mong ulitin." napapikit siya ng turuan pa siya nitong mag inhale-exhale.

Umalis si Zyrex sa pagkakasakay sa motorsiklo at lumapit sa babae.

Marahas niyang isinuot ang helmet dito at walang paalam na binuhat pasakay sa motor. Nagreklamo pa ito pero wala siyang oras pakinggan ang kabaliwan nito.

Kaagad niyang pinaandar ang sasakyan ng makasakay sila. 

"Humawak kang mabuti kung ayaw mong mahulog at mamatay!" nataranta naman itong humawak sa kwelyo ng damit sa likuran niya, "Ack!" tinanggal niya ang kamay nito ng masakal siya, "Ano ba hindi diyan!"

"Diyan mo rin ako hinila kanina ah." katwiran nito.

"Tsk." aniya. 

Kinuha niya ang dalawang kamay nito at pinulupot sa kanyang beywang.

"Gusto mo lang pala ng yakap, nahiya ka pa."

Hindi na nga siya nagsalita para hindi rin ito magsalita, pero wala yatang makakapigil sa kabaliwan nito.

"Tahimik! Kumapit ka ng mahigpit." humawak siya sa manibela.

"Oo. Yayakapin kita ng mahigpit." naramdaman niyang humigpit ang yakap nito sa kanya.

Natigilan si Zyrex.

Hindi sa isiping wala ng distansya ang mga katawan nila, kundi ng maramdaman ang higpit ng yakap nito.

Literal na mahigpit dahil bahagya siyang nasaktan.

"H-huwag masyadong mahigpit." tinapik-tapik niya ang braso nito. 

Nakahinga siya ng maluwag ng bahagya itong lumuwag.

"Who are you?" wala sa sarili niyang tanong. 

Nasa isip pa rin niya ang lakas na meron ang babae.

Matagal siyang nagsanay para sa sariling kaligtasan. Halos mabugbog ang katawan niya sa mga training. Na-maintain niya ang tigas ng kanyang mga Abs. Alam niyang higit na mas malakas ang kanyang sikmura, pero sa higpit ng yakap nito ay nasaktan siya. 

Imposible. 

Imposible para sa isang normal na tao ang may ganoong lakas, maliban na lang kung... 

"Sabihin mo, sino ka?" 

Hindi ito umalis sa pagkakayakap sa kanya bago nagsalita sa tapat ng kanyang tainga.

"Ako ang kahanga-hanga, katangi-tangi at kagila-gilalas na reyna. Ako si Reyna Anastacia Goldenhand."

Kinilabutan siya.

Hindi dahil sa pangalan nito kundi sa hininga nitong dumadampi sa batok niya.

"Tawagin mo na lang akong Reyna."

"Crazy." sambit niya bago tuluyang paandarin ang motorsiklo.

"Reyna sabi." sigaw nito sa hulihan niya.

Binilisan niya ang pagpapatakbo para agad makarating sa pupuntahan nila.

"Birdbrain," sagot niya.

"Reyna nga!" sigaw nito.

Mahigpit ang hawak nito sa beywang niya pero hindi naman masakit tulad kanina. 

Marahil hindi ito aware sa natural na lakas na meron ito.

...

...

"Magpahinga ka na."

"Dito ka rin nakatira?" kunot-noo nitong tanong.

Sa tinutuluyang hotel suite sila nagtungo para makapagpahinga. Kaparehong hotel na pinanggalingan nito kanina. 

Hindi niya ito pwedeng iwanan sa 30th street dahil sa mga gustong kumuha dito. Naatasan siyang protektahan ang babae kaya dapat manatili ito sa tabi niya.

"Magpahinga ka na lang. Kung gusto mo maligo may mga gamit sa kwartong gagamitin mo." bilin niya bago nagtungo sa kabilang room sa loob ng unit.

Nagshower muna siya bago dumeretsong dapa sa kama. Naubos yata ang energy niya dahil sa kabaliwan ng babaeng 'yon.

Salamat naman at makaka...

"Siopao!" napabalikwas siya ng bangon ng marinig ang kalampag sa pintuan.

Hinilot niya ang sentido ng kumirot iyon. Akala niya makakapagpahinga na siya dahil wala sa paligid ang babae pero eto kinakalampag ang pintuan niya.

"Siopao, tulong! May halimaw sa kwarto!" mabilis siyang nagtungo sa pintuan ng marinig ang sinabi nito.

"What did you say?" agad niyang tanong pagkabukas.

"Pao, may halimaw sa kwarto." nakayuko nitong sabi.

Mabilis siyang nagtungo sa kwarto nito. Hinanda muna niya ang sarili bago binuksan ang pintuan.

Pumasok siyang nakafighting position pero malamig na hangin mula sa bukas na bintana ang sumalubong sa kanya.

Malinis ang kwarto. Walang bakas ng pag-atake.

Naramdaman ni Zyrex sa likuran ang babae.

"Nasaan ang halimaw?" kunot-noo niyang tanong.

"Yun oh!" itinuturo nito ang kama.

"Hindi 'yan halimaw, kama yan. Higaan," pasensyoso niyang paliwanag.

"Halimaw 'yan! Kakainin niya ako ng buo kung hindi ako nakaalis!" nagtago pa ito sa likuran niya habang tinuturo ang kama.

Sa halip magpaliwanag, nagtungo siya sa kama.

Pinigilan pa siya nito sa braso.

"Huwag kang lumapit. Mapanganib yan!" pilit siya nitong hinihila pabalik pero inalis niya ang kamay nito.

Deretso siyang dumapa sa kama.

Napasinghap ito dahil sa ginawa niya.

"Pao?" kailan pa naging Pao ang pangalan niya? "Pao-pao?" bahagya nitong ginalaw ang paa niya. 

He's sleepy. Wala siyang lakas makipag-usap dito. Mas lalong nauubos ang lakas niya sa mga kabaliwang sinasabi nito.

"Wahh! Pao-pao, huhuhu! Sinabi ko na sayong huwag lumapit eh! Namatay ka tuloy! Pao-pao! Huhuhu! Saan kita ililibing? Huhuhu! Itatapon na lang kita sa ilog! Huhuhu!"

Mahigpit na hinawakan ni Zyrex ang bed sheet dahil sa pagtitimpi ng marinig ang malakas nitong pag-iyak. Nahagip ng isang kamay niya ang unan at binato sa maingay na babae ng makabangon siya. 

"Aray!" anito. 

"Shut up woman and let me rest! What the hell is wrong with you? I'm really tired with your fucking craziness!" bulyaw niya rito.

"Buhay ka?" at ano bang aasahan niya? Hindi umuubra rito ang outburst niya. "Wahhh... Pao-pao buhay ka! Hindi na kita itatapon sa ilog." masaya nitong sabi.

Nagulat pa siya ng itapon nito ang sarili sa kanya. Napahiga siyang muli sa kama habang nakayakap ito sa kanya.

"Pao-pao, buhay ka nga." suminghot pa ito.

Natigilan naman si Zyrex.

"You're crying?" akala niya nag-iinarte lang ito kanina. 

"Hindi na. Kanina lang noong akala ko namatay ka na." nakasubsob ito sa may leeg niya habang nagsasalita.

Huminga siya ng malalim at kinalma ang sarili. Maybe she got some craziness in mind but it can't change the fact that she's genuine and caring person. 

"Okay. Get up now. Baka nakakalimutan mo, babae ka at lalaki ako. Alalahanin mo 'yong sumpa." paalala niya.

"Akala ko peke iyon?" inangat nito ang ulo habang kunot-noong nakatingin sa kanya.

"Just get up!"

"Wow, hindi tayo kinain ng buo," pansin nito sa hinihigaan nilang kama.

"Just get up, please!" pakiusap niya.

Tumingin muli ito sa kanya ng nakakunot-noo.

"May masakit ba sayo?" halata ang concern sa mga mata nito pero hindi 'yon ang concern niya.

"Damn it woman! You're on top of me and I'm only wearing a fucking boxer!" hindi ba nito halata ang awkward nilang posisyon? "move or kakapitan ka ng sumpa!" mabilis itong umalis sa ibabaw niya. 

Napaupo pa ito sa sahig dahil sa biglang pagkilos.

Tumayo naman siya pero mali rin yata ang kilos niya.

Nakaupo ito at nakatayo siya, at... fucking shit. Nanlalaki ang mga mata nito habang nakatingin sa... Shit.

"Hala may bukol ka, gamutin natin." nataranta nitong sabi habang nakatingin sa... Damn.

Tinabig ni Zyrex ang kamay nito.

"Damn that crazy and innocent mind of yours."

Mabilis siyang lumabas ng silid at malakas na sinaraduhan ang pintuan.

That woman is surely his living punishment.

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Aera
deserve sumikat nitong story......️
goodnovel comment avatar
Aera
wahhhhhhhh kinikilig na natatawa ako
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status