NAG-AALALANG nilapitan ni Tallulah si Kendric habang pilit itong pinipigilan ng guard. Halos matumba na ito dala ng kalasingan. Kita niya sa mukha nito ang lungkot at selos na nararamdaman ng binata dahil sa takot nito habang kasama niya si Gael."Kendric, tama na," malungkot niyang sabi at nilapitan ito. Binitawan ito ng guard at dinaluhan niya si Kendric. "Ano'ng ginagawa mo rito?" nababahala niyang tanong.Namumungay ang mga matang tiningnan siya ni Kendric. Bakas doon ang pananabik na makita siya. Marahan nitong hinawakan ang pisngi niya at hinaplos iyon. "Talu, please, sumama ka na sa akin. Uuwi na tayo," pakiusap nito.Umiwas siya rito ng tingin. Alam niyang nandoon si Gael na nakikinig. "Kendric, I'm sorry! Hindi ko gustong saktan ka, hindi ko gustong maging ganito ka. Please, tama na! Hayaan mo muna akong manatili rito habang pinagbabayaran ko ang kasalanan ko," aniya. Naawa siya kay Kendric. Niyakap niya ito ng mahigpit."Talu, I can't! H-hindi ko kayang maghintay habang nand
"HAIST!" Inis na nagpagulong-gulong si Tallulah sa kaniyang higaan dahil hanggang ngayon hindi pa rin mawala sa isip niya ang sinabi ni Gael sa kaniya kanina habang ginagamot niya ang sugat nito. Bakit parang seryoso ang binata roon? "Ano ba, Tali? Hindi ka dapat maapektuhan sa laro ni Kuya Gael," pagpapakalma niya sa sarili.Kapagkuwa'y bumangon siya sa mula sa pagkakahiga at nakasimangot na tumingala. Naiinis siya sa sarili niya naapektuhan siya sa binata. Umiling siya. Wala siyang dapat maramdaman para kay Gael kung 'di awa at konsensiya.Bumuntong-hininga siya nang maalala si Kendric. Sinubukan niyang tawagan at i-text ang binata pero hindi siya nito sinasagot. Nag-aalala siya para sa nobyo dahil alam niyang nasaktan niya ito ng labis.Kapagkuwa'y nagpasiya siyang bumaba ng silid para uminom ng tubig. Kailangan niya iyon para kalmahin ang kaniyang sarili. Palagi niyang dapat tandaan ang dahilan kung bakit siya naroon at iyon lang ang pakay niya. Hindi na ulit siya mahuhulog kay Ga
"NO, Tali! Hindi ka dapat maapektuhan sa sinasabi ni Kuya Gael dahil nandito ka para pagbayaran ang kasalanan mo at hindi para ibalik ang nararamdaman mo noon," paalala ni Tallulah sa kaniyang sarili habang nakasandal sa likod ng pinto ng silid ni Gael. Pumikit siya ng mariin at napalunok. Ano ba kasing pinagsasabi ni Gael sa kaniya? Ano'ng gusto nito, mahalin niya ulit ito? Paanong magiging kabayaran iyon sa kasalanan niya noon? "Are you ok, Tali?" "Ay pangit ka!" gulat niyang sabi. Nagulat siya at alangang napangiti. "Sorry, Hiro nagulat lang ako," paliwanag niya. Kumunot ang noo nito at kapagkuwa'y napangiti na rin. "You seem so nervous, ok ka lang ba? May ginawa ba sa iyo si Sir Gael para magkaganiyan ka?" usisa nito. "Huh? W-wala, Hiro. I'm fine. I'm fine," aniya na hininaan sa huling sinabi. "Sige, mauna na ako sa iyo," paalam niya. Nahihiya pa siyang ngumiti bago naglakad palayo sa binata. Napakibit-balikat na lang ito at napanguso. Nakahinga siya ng maluwang nang makalay
"HANGGANG kailan ka magtitiis, Tali?"Napapitlag siya nang marinig ang boses na iyon. Mabilis niyang pinahid ang luha sa kaniyang mga mata at hinarap si Serum. Hindi kasi siya makatulog kaya nagpasiya siyang tumambay muna sa terrace ng mansyon para kalmahin ang sarili. Masyado na yata niyang mina-murder ang sarili niya sa pagtitiis at paniniwalang kasalanan niya ang lahat ng nangyari kay Gael.Pilit siyang ngumiti at umiwas din ng tingin sa binata. "I-ikaw pala, Serum, bakit gising ka pa?" aniya para ibahin ang usapan."Hindi ako makatulog so I decided to go up here," pakli nito. Lumapit ito sa tabi niya at humarap sa malawak na kalangitan. "Bakit tinitiis mo ang pagpapahirap sa iyo ni Gael, Tali? Alam kong may dahilan ka at paulit-ulit na rin ang tanong ko but I really wanna know why you're staying with him," anito na bakas doon ang kuryosidad.Bahagya siyang yumuko. Muli na namang tumulo ang luha sa mga mata niya dahil habang nararamdaman niya ang galit ni Gael, mas nanliliit siya.
BUMUNTONGHININGA si Gael habang nakatayo siya sa terrace ng mansyon at nakatingin sa malawak na kapaligiran. Hindi niya maintindihan ang sarili pero hanggang ngayon, iniisip pa rin niya si Tallulah at ang sinabi nito sa kaniya nang nagdaang araw. Paano kung mapagod ito at iwanan siya? Hindi niya alam pero may takot na lumitaw sa kaniya o baka marahil dahil hindi na siya makakaganti sa dalaga kapag umalis ito.Pinilig niya ang kaniyang ulo. "Stop thinking her, Gael. Remember what she did to you?" pagpapakalma niya sa sarili dahil baka nakalimutan na niya ang ginawa nito sa kaniya. Ito ang dahilan kung bakit nasira ang buhay niya.Kumapit siya sa bakal na nasa harap niya at suminghap. Natigilan na naman siya nang bumalik sa isip niya ang hitsura ni Tallulah habang umiiyak ito sa harap niya. Awa ba ang nararamdaman niya para rito o satisfaction? Hindi na niya alam dahil aminin man niya o hindi, apektado siya sa ginagawa niyang pasakit sa dalaga. Hindi niya alam ang dahilan pero baka dahi
"ARE you ok, Tali?"Naramdaman niya ang paghawak ni Caroline sa balikat niya habang nakatayo siya sa tapat ng bintana at pinagmamasdaan ang madilim na paligid. Pinahid niya ang luha sa kaniyang mga mata at bahagyang yumuko. Hanggang ngayon apektado pa rin siya sa lahat ng sinabi ni Gael sa kaniya, sa pangmamaliit nito sa kaniya at pagtapak sa pagkatao niya. Naiinis pa siya sa binata dahil nagpapanggap itong mabait sa kaniya at naguguluhan siya sa pinakikita nito.Hinarap niya ang kaniyang ina at ngumiti na may pagpapanggap. "O-ok lang ako, Mom," aniya. "Naisip ko lang kung umalis na kaya ako sa trabaho ko?"Kumunot ang noo ni Caroline. "Bakit naman, 'nak? Napapagod ka ba? May ginawa bang masama sa iyo si Gael? Did he hurt you?" sunod-sunod na tanong nito na bakas ang pag-aalala roon.Bumuntonghininga siya at humarap muli sa labas ng bintana. "Wala po siyang ginawa sa akin, Mom pero naisip ko pong baka maging dahilan lang ng pag-aaway namin palagi ni Kendric ang pagtatrabaho ko kay Kuy
"SIGE na, Callum pumasok ka na muna sa silid mo," utos ni Tallulah sa anak niya. Hindi niya maiwasang hindi mataranta at kabahan sa pagkikita ng mag-ama. Paano kung magtanong si Gael kung sino ang bata? Ano'ng isasagot niya?"T-totoo nga, ikaw nga, Kuya Gael," ani Brielle na hindi na naitago ang pagkasabik sa binata dahil naging malapit din naman sila sa isa't isa. Nilapitan nito si Gael at marahang tinitigan, saka niyakap. "I'm happy to see you again, Kuya Gael," masayang anito.Walang reaction si Gael habang nanatili lang ito sa kanina nitong pwesto. Nakasuot ito ng sunglasses kaya hindi niya makita ang paggalaw ng mga mata nito.Kapagkuwa'y ngumiti ang binata. "Brielle, ikaw na ba 'yan? I almost didn't recognize your voice, you already grown up," komento nito.Si Brielle naman ang lumungkot ang mukha at pinagmasdan si Gael. "I-I'm sorry, Kuya Gael for what happened to you. I feel bad dahil sa nangyari," anito.Dahan-dahan niyang tinago sa likod niya si Callum at hinarap ito habang
NAPABUNTONGHININGA si Tallulah nang hindi pa rin bumukas ang condo unit ni Kendric kahit nakailang doorbell na siya roon. Nalaman niya mula kay Brielle na nandoon ang binata kaya agad niya itong pinuntahan. Hindi pwedeng hindi niya ito makausap, kailangan nilang ayusin ang gusot sa pagitan nila. Ayaw niyang masaktan si Kendric.Muli niyang pinindot ang doorbell at nang akmang uulitin niya iyon nang bigla iyong bumukas at niluwa si Kendric na gulo-gulo ang buhok at halatang kagigising lang."Kendric," aniya at ngumiti. Sinuri niya ang nobyo mula ulo hanggang paa at napakunot ang noo. "A-ano'ng nangyari sa iyo, bakit ganiyan ang hitsura mo?" Walang emosyong bumakas sa gwapo nitong mukha kahit hindi maayos ang hitsura nito. Umiwas ito sa kaniya ng tingin. "Ano'ng ginagawa mo rito?" malamig nitong tanong bago tumalikod at pumasok sa loob ng silid. Sumunod siya rito.Napangiwi siya nang maamoy ang amoy ng alak at makita ang nagkalat na bote at pulutan sa sala ng condo. "Nag-inom ka ba? Ke