"HEY! YOU ok, Tali?" Napapitlag siya nang marinig ang boses ni Serum. Kanina pa siyang nasa terrace at nakatulala dahil sa nangyari kanina sa kanila ni Gael. Ginugulo niyon ang utak niya at hindi niya alam kung paano iiwasan ang kakaibang nararamdaman niya. Natatakot siya na baka mahal na ulit niya ito. Paano si Kendric?Umiwas din agad siya ng tingin sa binata. "O-ok lang ako, Serum," pakli niya.Lumapit ito at pumwesto sa tabi niya. "Dahil ba kay Gael o dahil kay Carmella?" Seryoso lang itong nakatingin sa kaniya. Ngumiti siya. "Well, I just wanna say sorry dahil sinungitan ka ni Carmella at gusto ka niyang paalisin sa mansyon. She's just being protective kahit alam niyang wala siyang mapapala sa ginagawa niya para kay Gael." Pumamulsa ito at bakas ang inis sa mukha na lumingon sa labas."Wala na iyon sa akin, Serum." Suminghap siya. "Kung tutuusin, tama naman siya, eh, ano pa nga bang ginagawa ko rito kung nandito na siya para alagaan si Sir Gael?" malungkot niyang aniya. "Obvious
"WHERE'S is she, Hiro?" nababahalang tanong ni Gael sa binata dahil simula nang magising siya, hindi pa niya nakikita ang dalaga. Kanina pa niyang gustong lumabas at hanapin ito pero alam niyang hindi pwede dahil malalaman nilang nakakakita na siya.Kumunot ang noo ni Hiro dahil sa pagtataka nito sa kinikilos niya. "B-bakit parang nag-aalala ka ng sobra sa kaniya, Sir Gael? Lately, napapansin ko na hindi ka na palaging galit sa kaniya and you always choose her over Carmella. Is it real or it's still a part of your plan?" usisa nito.Natigilan siya at umiwas ng tingin sa kaharap. "J-just answer my question, Hiro nasaan si Tali? Did she left? Umalis na ba siya sa mansyon?" aniya para hindi sagutin ang tanong nito.Natawa si Hiro at napakamot sa noo. "You don't need to answer my question, sir because obviously you're really into her," tila masayang komento nito. Sumeryoso rin naman ito. "Well, simula nang pumasok ako sa mansyon, hindi ko pa nakikita si Tali. Akala ko nga nandito siya, eh
HINDI alam ni Tallulah kung nakailang bangon na siya at kung nakailang pagulong-gulong na siya sa kama dahil hindi siya makatulog sa kakaisip sa kakaibang pinakikita at pinararamdam sa kaniya ni Gael. Hindi na niya alam kung alin ba ang totoo at hindi sa mga iyon pero kahit ano'ng isipin niya, alam niya sa kaniyang sarili na gusto niya ang lahat ng iyon at iyon ang matagal na niyang gustong maramdaman mula sa binata. Ngunit sa kabila niyon, tama bang maramdaman niya iyon gayong ikakasal na siya kay Kendric?"Haist!" Hindi na maipinta ang mukha niya sa pagkagusumot dahil sa magulo niyang utak.Padabog siyang tumayo ng kama at at lumabas ng silid niya. Baka kailangan lang niya ng maraming tubig para makalma. Huminto siya nang tumapat siya sa silid ni Gael."I'm sure, tulog na iyon," mahinang bulong niya. Hindi niya alam pero gusto niyang makita ang binata pero pinigilan niya ang sarili. Nagpatuloy na lang siya sa paglakad hanggang makarating siya sa kusina. Nang makapasok siya roon, nap
AGAD na napamulat ng mata si Tallulah. Pakiramdam niya'y pumikit lang ang mga mata niya dahil halos hindi siya nakatulog nang nagdaang gabi. Pakiramdam din niya namumugto ang kaniyang mga mata dahil sa pagbuhos ng luha niya. Hindi niya alam pero nasasaktan siya at nahihirapan sa sitwasyon na kinalalagyan niya. Nalilito na rin siya sa totoong nararamdaman niya para kay Gael. Awa at konsensiya na nga lang ba o muling tumibok ang puso niya para sa binata? Naguguluhan siya at alam niyang mali iyon dahil may masasaktan siyang tao na labis na nagmahal sa kaniya at hindi siya iniwan sa kabila ng nangyari sa kaniya. Pumikit muli siya at nasapo ang ulo. Bahagya pa siyang napangiwi dahil sa pagkahilo niya na marahil dulot ng kulang sa tulog. Tumingin siya sa kisame at nakita niya roon ang seryosong mukha ni Gael habang sinasabi nito ang mga katagang binitawan nito sa kaniya nang nagdaang gabi. Kapagkuwa'y pumilig siya at marahas na bumangon sa kama. "Tsk! Ano bang nangyayari sa iyo, Tali? You
HINDI alam ni Tallulah kung bakit ang bigat ng mga paa niya nang lumabas siya sa silid ni Gael para hayaan itong mag-usap at si Lilliana. May kung ano'ng bumubulong sa kaniya na huwag iwan ang binata at makinig na lang sa usapan ng mga ito pero natatakot siyang malaman ang katotohanan at kung sino ang babaeng iyon sa buhay ni Gael. Hindi siya mapakali habang palakad-lakad siya sa labas ng silid ni Gael. Hindi niya maiwasang hindi ma-tense. May gusto siyang malaman pero natatakot siya. Bakit parang may kirot siyang nararamdaman sa mga oras na iyon? Nang banggitin ni Gael ang pangalan ng Lilliana, damang-dama roon ang pananabik at ang kagustuhan nitong masilayan ang dalaga. Nagtaka man siya kung bakit nalaman agad nito na may kasama siya, hindi na rin siya nagtanong dahil sa sinabi ni Gael. "You're smell the same, Lilliana kaya paanong hindi kita makikilala? Hanggang ngayon, gamit mo pa rin ang parehong perfume na binigay ko sa iyo noon." Paulit-ulit iyon na bumabalik sa isip niya da
NAGULAT na lang si Tallulah nang pagbukas niya ng pinto ng mansyon, bumungad sa kaniya si Kendric na malawak ang ngiti sa mga labi. Bakas ang pagkasabik sa mga mata nito na makita siya ulit. Hindi agad siya nakasagot. Hindi niya alam kung ano pang tawag sa nararamdaman niya nang makita ang binata. Kailan ba niya huling inisip ang fiance niya? Ngayon nga lang ata niya naalala na may Kendric nga pa lang nagmamahal sa kaniya. Hindi pananabik ang nararamdaman niya ngayon kung 'di guilt dahil alam niyang mali siya. "Tali, I miss you so much!" Hindi siya kumibo nang yakapakin siya nito, 'ni hindi siya gumanti roon dahil sa nalilito niyang puso't isip. "Pakiramdam ko, isang taon na tayong hindi nagkita. I'm sorry, ngayon lang ako nakadalaw dahil sa trabaho. Lately, sobrang na-busy lang ako sa trabaho," sabi nito nang humiwalay sa kaniya. Hindi niya magawang tumingin sa mga mata nito dahil alam niyang makikita nito ang emosyon niya. Umiwas din agad siya rito. "No, it's ok, Kendric. Naiintin
HINDI mapakali si Tallulah habang nakahiga siya sa malambot na kama. Gulong-gulo ang pusot at isip niya at hindi niya alam kung ano'ng dapat niyang sundin. Pilit man niyang itago, itanggi alam niya sa kaniyang sarili na mahal niya si Gael sa kabila ng lahat ng nangyari sa kanila pero alam niyang mali dahil may Kendric na nagmamahal at umaasa sa kaniya at ayaw niyang saktan ang binata. "Haist!" Inis siyang bumangon at umupo sa kama habang nakasimangot. "Ano'ng dapat kong gawin?" tanong niya sa sarili. Dapat bang manatili pa siya sa tabi ni Gael o dapat na niyang tuluyang iwanan ito at ang konsensiyang nararamdaman niya? Pumikit siya ng mariin at nagpasiyang bumaba ng kusina para sana uminom pero nang makarating siya roon, agad siyang napahinto at natutop ang kaniyang bibig dahil sa kaniyang nakita. Nanlaki ang mga mata niya at hindi alam ang gagawin. Patay kasi ang ilaw sa kusina at sala at tanging ang mga ilaw sa labas ang nagsisilbing tanglaw doon. "F*ck! I miss you so much, Carmel
"TALI, kumusta ka na? Can we talk?"Nag-angat siya nang tingin sa nagsalita at nakita niya si Donna sa harap niya na tila may gustong itanong o sabihin sa kaniya. Sa sobrang lalim ng iniisip niya, hindi niya namalayang pumasok na pala ito sa kaniyang silid.Tumango siya. Umayos siya ng higa at sumandal sa headboard ng kama. Umupo sa tabi niya ang ina ni Gael at tiningnan siya na bakas doon ang simpataya."Siya nga pala, sabi ng doctor na tumingin sa iyo kanina, you'll be fine. Kailangan mo raw ng pahinga. Na-trigger ang fear mo sa sobrang dilim at nahimatay ka. It was good that Zandy was there." Pinagdikit nito ang mga labi.Ngumiti siya na bakas doon ang lungkot at bahagyang yumuko. "Salamat po, Madam Donna sa pag-aalaga sa akin—""No, Tali you don't need to thank me. It's my responsibility since you're my son's caregiver." Bumuntonghininga ito at hinawakan ang kamay niya. "I know everything about you and Gael, Tali Everything that was happened. Alam ko na ang kwentong mayroon kayo a