Sumilip si Ling Yiran sa paligid niya at nang makitang wala na ang mga tinataguan ay nakahinga siya ng maluwag, saka siya tumingin kay Yi Jinli at nagtanong, "Nakapagbayad ka na ba?" "Mhm, tapos na." "O sige tara na," Nagmamadali niyang kinuha ang kanyang bag at naglakad ng mabilis palabas ng restaurant, na para bang may iniiwasan. "Bakit? May tinataguan ka ba?" Tanong ni Yi Jinli. Biglang huminto si Ling Yiran sa paglalakad at hindi mapakaling nagkwento, "Na...nakita ko kasi yung mga dati kong katrabaho na kakain din 'dun... Ayoko sanang makita nila ako." Ngumiti siya na parang tinatawanan ang sarili, "Grabe no? Alam nilang lahat kung anong nangyari sakin kaya sigurado ako na alam nilang isang kahig, isang tuka nalang ako ngayon. Hindi naman siguro nila ako iinsultuhin kasi mga kaibigan ko sila, pero hindi pa ako handa na makita sila." Oo, miserable ang buhay niya ngayon pero ayaw niyang maramdaman na kinakaawaan siya ng ibang tao... Siguro may parte din sakanya na naiin
Hindi nagtagal, ang red light ay naging green. Aapakan na sana ni Xiao Zigi ang accelarator pero pakiramdam niya ay parang nanigas ang buong katawan niya... 'Teka, yung lalaking yun.... bakit... bakit parang kahawig niya yung nag-iisang taong kinikilalang diyos sa buong Shen City....' Si Yi Jinli.... Tama, sobrang kamukha niya si Yi Jinli! 'Pero imposible, paano naman nangyaring magkasama si Ling Yiran at Yi Jinli? Nahihibang ka na ba, Zigi?!' Hindi namalayan ni Xiao Zigi kung anong aberya na ang nagawa niya, kaya sabay-sabay na bumusina ang mga sasakyan sa likod niya, at ang lalaking kasama ni Ling Yiran ay biglang tumingin sa direksyon kung nasaan siya. At nang makita niya ang mukha nito, lalo siyang nanigas at pakiramdam niya ay halos hindi na siya makahinga. "Yi... Yi Jinli?!!!" 'Si Yi Jinli ba talaga 'yun? Oo, ibang iba ang style ng pananamit at buhok ng lalaking yan sa kilala kong Yi Jinli, pero.... hindi ako pwedeng magkamali!' Hindi makagalaw si Xiao Zigi at hab
Kumunot ang noo ni Ling Yiran. 'Si Jin ba ang tinutukoy nitong Xiao Zigi na 'to?' "Mr. Xiao, bakit po ba kayo nangingielam sa buhay ng ibang tao? Kailangan ko po bang magreport sainyo sa tuwing kasama ko yung kapatid ko?" "Kapatid? Na lalaki? Kailan ka pa nagkaroon ng kapatid na lalaki?" Sa tagal ng relasyon nila ni Ling Yiran, ang alam niya babae lang ang kapatid nito. "Kinupkop ko siya para maging kapatid ko, hindi ko ba pwedeng gawin 'yun?" Tinitigan ng maigi ni Xiao Zigi si Ling Yiran para pagmasdan kung nagsasabi ba ito ng totoo. Sakto, noong oras din na yun, nagmamadaling tumakbo papalapit sakanila si Manang Xu. "Mr. Xiao, kumalma po kayo. Wag po kayong maging bayolente." Nakilala ni Manang Xu si Xiao Zigi dahil nakita niya ito noong pumunta si Hao Yimeng sa Sanitation Service Center para manghingi ng tawad sakanila, at base sa chismis na kumakalat, si Xiao Zigi daw ang ex-boyfriend ni Yiran. "Mr. Xiao, kung hindi niyo po bibitawan ang kamay ko, hindi po ba kayo nat
"Fang Qianqian, hindi ko kailangan ng empleyadong nanghihila ng iba pababa. Oo, nakulong nga si Ling Yiran pero hindi ibig sabihin 'nun ay pandidirihan na natin siya. Bakit hindi natin siya bigyan ng pagkakataong mabuhay ng normal? Dahil hindi mo pala kayang makatrabaho ang kagaya ni Ling Yiran, sa tingin ko ay wala akong choice kundi ang tanggalin ka nalang." 'Regular at may kontrata akong pinirmahan, pero bakit ganito nalang kadali akong tatanggalan ng trabaho?!' Hindi maproseso ni Fang Qianqian ang mga nangyari pero sigurado siya sa mga narinig niya! "Qianqian, magsalita ka," pagpupumilit ng isa niyang kaibigan. Tinignan ni Fang Qianqian ang paligid niya at nang makita niya si Ling Yiran, dire-diretso siyang naglakad papalapit dito at dinuro-duro. "Ikaw, ikaw ang may kasalanan ng lahat ng ito. Kung hindi dahil sayo, hindi sana ako ididismiss ng director! Ikaw dapat yung tinanggal at hindi ako!" Halos malaglag na ang panga ng mga nakikiusisa sa sobrang gulat. 'Ano raw? si Fan
Kahit na sinabi na ni Ling Yiran na "kapatid" lang nito ang kasama nito kahapon, hindi pa rin siya mapalagay at gusto niyang makita kung sino ba talaga ang lalaking at kung tama ba ang kutob niya na si... Pagkarating ng sasakyan niya sa barangay ni Ling Yiran, bumaba kaagad si Xiao Zigi para hanapin ang address, at pagkalipas ng halos isang oras, sa wakas at nakarating siya sa isang makitid na pintuan. Tipikal na bahay ng mga magsasaka... Dito nakatira si Ling Yiran? Kakatatok na siya siya pero bigla siyang natigilan dahil may narinig siyang yabag ng mga paa palapit sakanya. Kaya dali-dali siyang nagtago sa isang sulok at parang isang ninja na sumilip para malaman kung kanino nanggagaling ang mga yabag. Isang matangkad na lalaki ang nakita niyang papalapit... Habang papalapit ito ng papalapit, hindi niya namamalayan na papalaki rin ng papalaki ang mga mata niya, dahil yung dating haka-haka lang na paulit-ulit niyang sinasabi sa sarili niya ay mukhang tama nga... Si...
'Isa pa, yung trato din ni Yi Jinli kay Ling Yiran.... Bakit parang sobrang lumanay...' Base sa pagkakaalala niya, wala sa bokabularyo ni Young Master Yi na malumanay sa babae... Kahit pa kay Hao Meiyu, na naging fiance nito noon... Habang sinusubukan niyang intindihin ang mga nangyayari, bigla niyang naalala ang mga billboard na pinatanggal. Si Ling Yiran talaga ang sinisisi nila sa nangyari... Akala nila hanggang ngayon ay galit pa rin si Yi Jinli sa Xiao Family dahil sa pagkamatay ni Hao Meiyu... Pero base sa nakita niya ngayon, oo si Ling Yiran nga ang dahilan pero ibang iba ang rason! Gulong gulo si Xiao Zigi sa mga nangyayari. Samantalang sa loob naman ng apartment ni Ling Yiran, kwinento niya kay Yi Jinli ang nangyari sa Sanitation Service Center habang kumakain sila ng dinner. "Hindi ko alam kung bakit tinanggal ni director Fang si Fang Qianqian. Akala ko talaga ako yung tatanggalin niya!" "Hindi ba mas okay nga 'yun?" Tanong ni Yi Jinli. "Siyempre mas okay 'yun
Pero habang tinitignan niya ngayon ang girlfriend niya na nakasuot ng magandang damit, wala siyang ibang maisip kundi ang mga mukha nina Yi Jinli at Ling Yiran. Dahil hanggang ngayon ang pakiramdam niya ay nanaginip pa rin siya. 'Ano ba talagang meron kay Ling Yiran at Yi Jinli?' Noong nakita ni Hao Yimeng na parang lutang si Xiao Zigi, biglang kumunot ang noo niya at naiinis na sinabi, "Ano bang meron sayo? Ilang araw ka ng lutang ha? Kung ayaw mo ng magpakasal, sabihin mo lang." Kaya biglang nahimasmasan si Xiao Zigi at dali-daling ngumiti. "Hindi naman sa ganon. Bakit mo naman naisip na ayoko ng magpakasal sayo? Alam mo naman na sayo lang ang puso ko diba?" "Sakin? Baka sabihin mo kay Ling Yiran!" Nang marinig ang pangalang 'Ling Yiran', biglang nagbago ang mukha ni Xiao Zigi. "Bakit ba siya nanaman ang pinagaawayan natin? Tatlong taon na kaming hiwalay kaya paano mangyayaring may nararamdaman pa ako para sakanya?" "Eh bakit gusto mo siyang bigyan ng trabaho?" "Naawa
"Malalaman niyo po kapag nagkita na kayo ni Young Master Yi." Nakangiting sagot ni Gao Congming. Habang papalapit sila ng papalapit sa mansyon, lalong bumibilis ang tibok ng puso ni Xiao Zigi. Pagkahinto ng sasakyan sa harapan ng mansyon, sinundan ni Xiao Zigi si Gao Congming papunta kay Yi Jinli, na nakaupo sa sofa habang may nilalarong papel. Pagkalapit niya, nakita niya na ang papel na hawak nito ay ang invitation card para sa kasal nila ni Hao Yimeng. "Nagkita tayo ulit." Pagbati ni Yi Jinli. Gulat na gulat si Xiao Zigi sa sinabi ni Yi Jinli. Sa kasalukuyan, nakasuot ito mamahaling americana, at hindi kagaya noong nakita niya ito kagabi, nakahawi ang bangs nito kaya kitang kita ang gwapo nitong mukha. Kahit lalaki siya, nagwagwapuhan pa rin siya kay Yi Jinli kaya nga hindi na bago sakanya na gustong gusto ito ng mga babae, at alam niya rin na halos lahat ng mga tagapag-manang kakilala niya ay gusto itong mapangasawa. Pero ang hindi niya maipaliwanag ay bakit habang ti