Share

Kabanata 108

Lahat ng makakakita ng istura ni Yi Jinli, habang buhat-buhat si Ling Yiran, ay masasabing hindi basta-basta ang babaeng ito, at sobrang importante nito sa Young Master.

Pero lahat ng mga nakakaalam ng totoong pagkato ni Yi Jinli ay nagpanggap nalang na walang nakita at narinig.

Kasi ano pa ba sa mga tanong nila ang hindi nasasagot, hindi ba? Bakit mag-aaksaya ng oras ang pinaka makapangyarihang tao sa Shen City na pumunta sa isang maliit at masukal na baryo ng madaling araw para lang sa isang babae? At hindi pa dun natapos yun... gumawa rin ito ng sobrang agaw pansin na eksena.

Kaya kahit ano pa man ang pagkatao ng babaeng 'to, sigurado na balang araw ay titingalain din ito sa buong Shen City.

"Alamin niyo kung sino ang mga nasa likod nito. Lahat sila kailangang magbayad. Walang makakaligtas." Utos ni Yi Jinli.

"Opo." Natatarantang sagot ni Gao Congming.

Noong oras na yun, wala ng magawa ang mag asawang Feng kundi tignan ang anak nilang sumisigaw sa sakit, sabay tingin sa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status