Share

Kabanata 168

"Wala naman na akong ibang gustong mangyari bukod sa palayain mo sila. Alam ko namang sisiw lang to sayo...." Kinakabahang sagot ni Lign Yiran.

"Sisiw nga lang, pero.... ano naman?" Sobrang nakakainsulto ng pagtitig ni Yi Jinli kaya lalo lang kinabahan si Ling Yiran.

Kaya muli siyang huminga ng malalim, na para bang kumukuha ng lakas ng loob, at tumitig sa mga mata ni Yi Jinli. "Anong gusto mong kapalit para palayin sila?"

Nang marinig ito ni Yi Jinli, kumunot ang noo niya at inilapag ang hawak niyang ballpen sa lamesa. Tumayo siya at naglakad papunta kay Ling Yiran.

Maingat niyang hinawakan ang mga kamay nito. "Ate, sobrang lamig ng mga kamay mo."

Nang maramdaman ni Ling Yiran ang pagdampi ng kamay ni Yi Jinli, parang biglang nanigas ang buong katawan niya at hindi siya makagalaw.

Dahan-dahang inangat ni Yi Jinli ang mga kamay ni Ling Yiran at maingat na kiniskis ang mga ito.

Halatang sanay na sanay na si Yi Jinli kung paano painitin ang mga kamay ni Ling Yiran. Sobrang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status