#Gayunpaman, bago siya umabot kay Yi Jinli, ay pinigilan siya kaagad ni Gao Congming. “Umalis ka nga!” gustong pumiglas ni Qin Lianyi kay Gao Congming, pero paano siya hahayaan ni Gao Congming?Hindi makalapit si Qin Lianyi kay Yi Jinli pagkatapos niyang subukan ng mahabang oras nang nakalilipas. Kaya ay sinabihan niya si Bai Tingxin na mabagal na lumalabas ng sasakyan, “Hoy, tara at tulungan mo ako!”Humakbang si Bai Tingxin pero lumingon siya kay Yi Jinli at sinabi, “Young Master Yi, gusto ng girlfriend kong kuhain si Ling Yiran pauwi. Pakiusap ay sabihin mo ang desisyon mo upang makaalis na sila”Nginuso ni Yi Jinli ang kanyang maninipis na labi at hindi nagsalita ng kung ano. Ang kanyang mga mata ay nakatuon lamang sa katawan ng tao sa kanyang mga bisig. “Yi Jinli, bakit mo hawak si Ling Yiran? Huwag mong kalimutan, ikaw ang gustong makipaghiwalay kay Ling Yiran! T*ng*na ikaw ang nakipaghiwalay, kaya bakit hawak mo pa rin siya?” mura ni Qin Lianyi!Habang nasisilayan si Yi
Namutla ang mukha ni Bai Tingxin habang nagmamadali siyang humarang sa harapan ni Qin Lianyi, at sinabi, “Young Master Yi, ginagawa lang ito ni Qin Lianyi para sa kaibigan niya. Kung nakakairita para sa’yo, sasaluhin ko ang kapalit para sa kanya.”“Bai Tingxin, hindi ko kailangan ng tulong mo. Kaya kong saluhin ang parusa!” ani Qin Lianyi. “Paano mo gagawin ‘yon?! Ano sa tingin mo ang masasalo mo?” galit na utas ni Bai Tingxin. “Hahayaan ko siyang bugbugin ako! Handa ang isipan ko roon!”“Qin Lianyi, iniinis mo ba ako?”Nakita ni Bai Tingxin na ang kanyang pasensya, na siyang palagi niyang nakokontrol noon, ay laging napipiglas pagdating kay Qin Lianyi. Malamig na tumitig si Yi Jinli kay Qin Lianyi, malinaw na hindi niya hahayaang palagpasin ito. Gayunpaman, si Ling Yiran, na sobra ang kalasingan at mahimbing ang tulog, biglang kinuskos ang kanyang ulo sa balikat ni Qin Lianyi. Bulong niyang sinabi, “Lianyi... Huwag kang matakot... Po-protektahan ko si Lianyi...”Agad namul
“Na-frame ako noon na nagnakaw ng pera sa klase, at akala ng lahat ay ninakaw ko ‘yon. Patuloy akong sinermonan ng guro naming, gustong paaminin ako. Ang mga magulang ko ang nagbigay inasyitiba na magsabi na handa silang bayaran ang pera na ninakaw ko kahit na hindi ko naman talaga ginawa!”Sabi ni Qin Lianyi habang sumisinghot, pakiramdam niya ay bigla na lamang humapdi. “Hindi ko alam kung maiintindihan mo na wala akong magawa. Ganoon ang pakiramdam na ang buong mundo ay pinagkakaisahan ka, kaya wala kang magawa at mapag-isa. Sobrang walang katuturan nito na kahit na subukan kong ipaliwanag na inosente ako. Sa mga oras na iyon... naniwala sa akin si Yiran at tinulungan din ako para hanapin kung sino talaga ang nagnakaw. Sa paraang iyon, tumawa ulit si Qin Lianyi. “Nagdesisyon ako nag awing matalik na kaibigan si Yiran habang buhay!”Nginuso ni Bai Tingxin ang kanyang manipis na labi. ‘Ito ay parang... isang maliit na bagay na kusang loob niya kayang ibuwis ang lahat para kay Ling
Marahan niyang kinuha ang kamay ni Qin Lianyi at mahinahon bago sabihing, “Oo, kaya ko. Kaya kong maging espada sa iyong mga kamay kahit na si Yi Jinli ang kalaban mo.”Kaya niyang gawing kalaban ang kahit na sino para sa kanya habang kahilingan niya ang lahat ng iyon. Dahil iyon ay... nahulog na siya kay Qin Lianyi. Oo, mahal niya si Qin Lianyi. Gayunpaman, hindi pa niya kailanman talagang sinasabi ang tungkol sa kalaliman ng kanyang pag-ibig. Sobrang nagagalit siya kay Qin Lianyi, kinamumuhian, at sinumpa niya ito, pero sa huli, nakita niya na ang lahat ng nararamdaman niya ay walang-wala sa pagmahahal niya kay Qin Lianyi. Noong nawalay sila ng tatlong taon, akala niya ay kinamumuhian niya si Qin Lianyi, pero sa huli ng mga araw, nanatili pa rin ang pagmamahal niya kay Qin Lianyi. Iniisip niya si Qin Lianyi araw araw. Kalaunan, ang pag-ibig na ito ay bigla na lamang lumalim nang lumalim. “Lianyi, ako ang magiging espada mo,” sabi niya.Biglang tumibok ng bayolente ang p
‘Tsaka, sa mga nakalipas na araw, maraming mga Cinderella ang nangmamata sa mga pera ng mga matataas na president at gustong mamuhay sa miserableng buhay habang nasa relasyon.’Iyon ang akala ng babaeng kasamahan niya na iyon ang kaso. Kanina, marami sa kanila ang nagsama-sama at pinag-usapan ang tungkol sa kung sino ang eksaktong nagbayad ng bill kagabi. “Hindi.” Tinanggi ito ni Ling Yiran. ‘Noon oo, pero hindi na ngayon.’“Eh? Hindi?” nagulat ang babaeng kasamahan niya, hindi inaasahan na ganoon na lamang itanggi ito ni Ling Yiran. “Pero sabi ni Guan Lili...”“Dapat ba ay boyfriend ko ang kahit na sinong sabihin niya?” tanong ni Ling Yiran. Natameme ang babae, hindi alam kung paano ipagpapatuloy ang usapan.Umalis si Ling Yiran sa kusina kasama ang baso ng tubig sa kanyang kamay. Ang gusto na lamang niya sa ngayon ay ang magtrabaho at magtrabaho ng mabuti sa syudad na ito... para maging abogado ulit!Sa paraan lamang na ito magiging karapat-dapat siya sa mga taong nagmamahal
Ang makukuha lang nila ang proyekto ng ilang residenteng lupain at disenyo sa iilang residenteng kabahayan. “Lianyi, huwag ka magambala. Ang makakatagpo mo ngayon ay ang mga executive ng mga kumpanya ng real estate,” payo ng director ni Qin Lianyi. “Kuha ko.” Sabi ni Qin Lianyi matapos niyang malagay sa tama ang kanyang sarli. Nang naglakad ang grupo ng mga tao sa pasilyo. Sandali na napatigil si Qin Lianyi at nakita ang pamilyar na pigura – Hao Yimeng!Ang pangalawang anak na babae ng pamilya Hao na isa rin sa babaeng nagpadusa kay Yiran sa bilangguan. Kinamumuhian ni Qin Lianyi ang mga hinala niya!Gayunpaman, nagmula si Hao Yimeng sa maimpluwensyang karanasan. Kahit na siya ay na-blacklist sa industriya, kaya niyang bumalik lang sa pamilya Hao at asahan ang importanteng posisyon sa Hao Group. Napakaganda ni Hao Yimeng suot ang kanyang mamahalin na bespoke na terno kasama ang mahaba at medyo kulot na buhok na nahuhulog sa kanyang mga balikat. Mayroon din siyang napakagandan
“Sinusubukan mo bang makipag-away sa akin? Ano naman kung sipain ka naming palabas dito? Sino ka sa tingin mo?” natural na may nagsalita para kay Hao Yimeng. “Gusto mong palabasin ako? Anong batas ang nakakapagsabi na bawal ako umapak dito? Dapat ba akong tumakas kapag sinabi mo? Sasabihin ko sayo, kaya kitang idemanda sa ginagawa mo!” matigas na ulong sabi ni Qin Lianyi. “Idemanda ako? Kung ganoon, gusto kong makita na idemanda mo ako!” habang nagsasalita siya, ang lalaki ay inutusan ang dalawang sunod-sunuran sa kanyang tabi, “Umalis ka rito para hindi uminit ang ulo ni Miss Hao!”Ang dalawang lalaki ay dumating at hinawakan ang magkabilang kamay ni Qin Lianyi, sinusubukan na kaladkarin siya sa labas. Si Direktor Tong at ang iba sa mga kasamahan ay hindi na sinubukan pang magsalita para sa kapakanan ni Qin Lianyi. Mayroong pagod na ngiti sa gilid ng mga labi ni Hao Yimeng habang mapang-asar na tinitingnan si Qin Lianyi. “Mukhang wala kang magagawa kundi ang lumabas dito. Maa
Tamad na winagayway ni Bai Tingxin ang kanyang kamay. “Mukhang ayaw mong humingi ng tawad pagkatapos mong apihin ang girlfriend ko. Bilang boyfriend niya, tatayo ako para sa kanya. Kung hindi man, kailangan ko pa bang gawing katatawanan ang sarili ko?”Ang lalaki ay nakahiga na sa sahig. Ang lugar kung saan siya natamaan ng suntok ni Bai Tingxin ay masakit ng sobra kaya hindi siya makapagsalita. Tapos ay umikot si Bai Tingxin kay Hao Yimeng. “Ikaw, Miss Hao? Hihingi ka ba ng tawad?”May delikadong tunog sa mukhang magalang na tanong. May pakiramdam din si Hao Yimeng na kapag sinabi niyang hindi, matutulad siya sa lalaking nabubugbog sa lupa. Ang lalaki sa kanyang harapan ay walang kahit na anong awa. Nakilala na sa wakas ni Hao Yimeng ang lalaki sa harapan niya ngayon. Siya ang bagong pinuno ng pamilya Bai na siyang nakakuha ng opisina nang higit kalahating taon – Bai Tingxin.Nakayanan niyang palitan ang pamilya Bai nang may kakilanlan na pagiging g*go, na ibig sabihin ay hin