Share

Kabanata 843

Ang sasakyan ay nagmaneho patungo sa bungad ng ospital, at binuhat ni Yi Jinli si Ling Yiran sa buong pasilyo ng ospital.

Ginamot si Ling Yiran ng parehong doktor.

Matapos tingnan ang kanyang tuhod, sinabi ng doktor, “Malamang ay ito ay sa kadahilanang bigla mo na lamang tinigil ang pag-inom sa mga gamot mo, kaya ngayon ay binibigyan ka nito ng physical discomfort. Tsaka, linagnat ka, na siyang dahilan ng pagsakit ng tuhod mo kada oras. Ang paggamot sa ganitong problema sa kasu kasuan ay pangmatagalang gamutan. Kung tinigil mo na ang pag-inom ng mga gamot mo, mas mapapalala lang nito ang sitwasyon.”

“Resetahan mo siya. Papapuntahin ko siya lingo lingo,” malamig na sinabi ni Yi Jinli.

“Hindi na, salamat. Hindi ko kailangan ng kahit anong pangmatagalang gamutan. Bigyan mo lang po ako ng kahit ano para maibsan ang pananakit,” sabi ni Ling Yiran.

Tumingin ang doktor kay Yi Jinli dahil naging hindi kumportable ang tension sa paligid.

“Gawin mo ang sinabi ko,” sabi ni Yi Jinli.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status