‘Sino ba talaga ang... babaeng ito? Hindi siya mukhang isa sa mga may antas dito sa syudad. Nakasuot lang siya ng ordinaryo at mukhang mumurahin na mga damit.’Pero, si Young Master Yi ay minasahe ang kanyang mga tuhod at naghihintay din sa kanya para mainom na niya ang mga gamot niya. Ang kahit na sino ay makikita na ang babaeng ito ay importante kay Young Master Yi. Nakatingin si Ling Yiran sa gamot na nasa harap niya, gustong matawa at maiyak ng sabay. Ang lalaki ay sobrang naging tanga noong naghiwalay sila, pero ngayon ay binibigyan niya si Ling Yiran ng gamot at isang bote ng tubig tulad ng siya ay parang isang maginoo noong sila pa. Ang pagiging maginoo at katangahan ay lahat na nagpapahiwatig sa kanya ng pagkamanhid at walang pakialam. Tahimik niyang kinuha ang gamot at ang isang boses ng tubig bago niya nilunok ang gamot sa isang lagok ng tubig. Tapos ay binuhat siya ni Yi Jinli at lumabas ng ospital. Ang kotse ay pumarada sa bungad ng ospital. Binaba siya ni Yi J
‘Gusto niyang kalimutan ako, at kakalimutan niya na ako?’Kahit na kalmado ang boses niya, klaro pa rin ang determinasyon dito.Bang!Biglang niyang tinaas ang kanyang kamay at sinuntok ng malakas ang sasakyan!“Young Master Yi!” nauutal na sigaw ng driver, ang gulong gulo na ekspresyon lamang ang nakita niya sa gwapong mukha ng mataas at hinirang na lalaki sa kanyang harapan. ...Bumalik si Ling Yiran sa kanyang bahay at humilata sa kama, pagod na pagod. Pagod na pagod siya na para bang nakipagsapalaran siya sa giyera ngayon. Pero nilinaw na niya ngayon ito, hindi na lilitaw muli si Yi Jinli sa kanya. Tsaka masyado siyang mayabang na lalaki. ‘Ate...’ Hindi niya inaasahan na maririnig niya mula kay Yi Jinli na tawagin siyang ‘Ate’ ngayon ulit. Pinapaalala lang nito sa kanya ang buhay na mayroon siya pagkatapos niyang dalhin si Yi Jinli pabalik sa maliit ng paupahang bahay. Mahirap ang buhay, pero may matamis ito. Naramdaman niya talaga na parang nagkaroon ulit siya
Tinawag ni Ling Yiran ang nasa tanggapin at sinabihan ito na itapon ang mga rosas. Ang nasa tanggapan ay hinati hati ang mga roses sa isang palumpon at ibinahagi ang mga ito sa lahat ng nasa kompanya. Libreng rosas naman sila, kaya maraming mga tao ang nasiyahan nang natanggap ang mga ito. Si Guan Lili lamang ang mukhang dismayado na parang inutangan siya ng milyong dolyar. ‘Ibig sabihin ba nito ay... hindi talaga naghiwalay sina Ling Yiran at Yi Jinli? Iyon baa ng dahilan kung bakit may nagbayad ng bill para sa kanya sa Druken Days at nagpadala ng mga rosas sa kanya ngayon? Pero kung hindi talaga sila naghiwalay, bakit ang pangit manumit ni Ling Yiran? Kahit na ang bag na dala niya sa opisina ay disenyo mula pa ilang taon na! Tsaka mukha talagang luma ‘to!’Habang iniisip niya ang mga ito ay nagningning ang mga mata ni Guan Lili at nakaisip ulit ng bagong plano. Hindi nagtagal ay tinawag si Ling Yiran sa opisina ni Lawyer Gu. “May boyfriend ka?”Diretsong tanong ni Lawyer Gu
“Sige ba,” sagot ni Ling Yiran. Ayon sa impormasyon na nakolekta niya, ang sasakyan ni Guo Xinli at sasakyan ni Lili Li ay magkasunod lamang nang nangyari ang aksidente. Ang isa ay makapagsasabi na si Guo Xinli ang unang saksi nang nangyari ang insidente!Tatanungin niya lang si Guo Xinli kung gusto niyang malaman ang iba pa tungkol sa detalye ng kaso. “Gusto mong sumama sa akin sa hapunan? Halos oras na rin para roon,” sabi ni Guo Xinli habang tinitingnan ang orasan. “Hindi na, salamat.”Tumanggi si Ling Yiran nang may ngiti, nililinaw na magkaroon sila ng distansya. Hindi niya alam kung interesado pa rin si Guo Xinli sa kanya, pero... ayaw niyang magbigay ng maling senyales. “Mayroon pa akong gustong sabihin sa’yo tungkol sa kaso. Iniisip ko na maghapunan tayo at sasabihin ko sa’yo habang kumakain tayo. Hindi naman tayo magtatagal,” ani Guo Xinli. Nag-alangan si Ling Yiran.“Kung ganoon... tara sa Dutch.”“Sige,” sagot ni Guo Xinli na may nahihiyang ngiti. Ang mah
Niyakap ni Ling Yiran si Qin Lianyi, humahapdi ang ilong niya. “Oo na, ang anak mo ay anak ko rin. Ang anak natin ay magkakaroon ng dalawang ina...”‘Lianyi. Ang tanging tao na hindi magtataboy sa akin ay ikaw lang, Lianyi! Paano ko masusuklian ang kabutihan niya? Siguro ay kahit ang buong buhay ko ay hindi sapat para sa akin na suklian siya!’...Sa mga sumunod na araw, abala si Ling Yiran sa pagkolekta ng mga mahahalagang impormasyon tungkol sa kaso, kaya natural lang na lagi silang nagkikita ni Guo Xinli. Maraming beses na sila naghapunan, pero laging pinipilit ni Ling Yiran na sa Dutch lang. “Panigurado ay gusto ka ni Guo Xinli. Sa tingin ko ay ayos naman siya. Tamang tama para sayo.”Pumunta si Qin Lianyi upang makita si Ling Yiran ng isang beses at nagkita rin sila ni Guo Xinli. Nag usap din sila ng ilang sandali. Maganda ang pakiramdam ni Qin Lianyi tungkol kay Guo Xinli. ‘Maaring mukha siyang ordinary, pero totoo siya, mapagkakatiwalaan, at medyo mahiyain. Namumul
Sinabi ni Qin Lianyi sa kanya ang tungkol kay Guo Xinli. Nang natapos na siya, tsismis niya, “Tingin ko talaga na gusto niya si Yiran. Kung hindi man, hindi niya ihahatid pauwi si Yiran sa tuwing kinakausap siya ni Yiran tungkol sa kaso. Nakita ko. Nakatira siya sa ibang direksyon ng bahay ni Yiran.”Napabuntong hininga si Bai Tingxin. ‘Mukhang wala naman siyang gusto sa ibang lalaki.’Kahit na sinabi niya kay Bai Tingxin na gusto niya ito at gusto niyang magkaroon sila ng relasyon, medyo hindi pa rin siya sigurado. Tsaka mayroon siyang mahabang nakaraan na nagkagusto siya sa iba’t ibang lalaki!“Kahit na gusto niya si Ling Yiran, nasa kanya pa rin iyon. Sa tingin ko ay wala pa sa isip niya na tumanggap pa ng isang relasyon,” sabi ni Bai Tingxin. Agad na napanghinaan ng loob si Qin Lianyi. “Tama, sinisisi ko si Yi Jinli para saktan ng malalim si Yiran. Dapat pala ay sinabihan ko si Yiran na huwag i-date si Yi Jinli noon.”Gustong sampalin ni Qin Lianyi ang kanyang sarili nang
Nanlaki ang mga mata ni Qin Lianyi habang tinitingnan ang mapulang pisngi nito. ‘Diyos ko... Namumula... Namumula siya. Hindi ito totoo, hindi ba? Namumula ba talaga siya?’Hindi niya mapigilang iangat ang kanyang kamay at iabot ang mga pisngi nito. Napasinghap siya pero hindi niya pinigilan si Qin Lianyi. Hinayaan niyang haplusin ng kanyang mga daliri ang mukha niya. “Anong... ginagawa mo?”“Wow! Bai Tingxin, namumula ka...”Gulat na gulat si Qin Lianyi. Mas lalo siyang napasinghap at iniwas agad ang kanyang mukha. “Huwag kang magsalita ng walang kabuluhan.”“Hindi ako nagsasalita ng walang kabuluhan…”Tapos ay nakita niya rin ang pulang mga tainga ni Bai Tingxin. Walang kahirap hirap niyang inabot ang mga tainga ni Bai Tingxin. Talagang namumula sila at nasusunog. “Huwag mong gawin ‘yan,” sabi niya, sinusubukan na alisin ang kamay ni Qin Lianyi. “Hoy, hayaan mong hawakan ko pa. Hindi ko pa nahahawakan ng maayos!” sigaw niya, hindi namamalayan ang kalabuan ng mga
Mayroong pagtigil sa galaw ni Yi Jinli habang ang kanyang mukha ay dumidilim ng paunti unti. Samantalang si Gao Congming na nasa estado ng pagkataranta habang hinihiling na itikom na ni Qin Lianyi ang kanyang bibig kaagad. Ang pangalang Ling Yiran ay pinagbabawal na sa grupong Yi!’‘Pero ngayon ang maingay na Qin Lianyi ay sinasabi ng malakas ito!’ talagang natatakot si Gao Congming na mawalan ng control ang kanyang amo!Bumagsak ang presyong ng hangin sa paligid ni Yi Jinli, at si Gao Congming, na nasa tabi ni Yi Jinli, ay halos mangatog na!Pagkatapos sabihin ni Qin Lianyi ang kanyang kapritso, kinuha niya ang braso ni Bai Tingxin at umalis nang padabog. Tiningnan ni Bai Tingxin ang magandang galaw ng kanyang girlfriend at hindi namalayang natawa. ‘Mukhang totoo nga na ang mga babae ay mahirap espelingin! Ganoon si Lianyi!’Mula sa gilid ng kanyang mga mata, isang beses sumulyap su Bai Tingxin kay Yi Jinli sa hindi kalayuan bago umalis. ‘Talaga bang hindi na mahal ni Yi J