Share

7

Inside

Sobrang sakit ng katawan ko, puro pasa at latay naman ang nasa pang-upo ko habang ang mga hita ko ay hindi makagalaw at para bang mapuputol nalang dahil sa sakit

Hindi ko alam kung saan, at kailan ako makakalaya sa lahat ng ginagawa nya sakin

Hindi ko maisip kung bakit ito ginagawa saakin, naging mabuting anak naman ako sa magulang ko kahit na minsan ay napagbubuhatan ako ng kamay

Pero iba na ngayon, para bang pasan ko ang lahat ng galit na meron ang mundo. Tangging muhi ang nararamdaman ko sa tuwing naaalala ko kung pano nya binaboy ang buo kong pagkatao

Narinig ko na ang pag galaw ng door knob kaya nag panggap ako na tulog at may pumasok nga. Ngunit hindi ko alam kung sino sila

Wala pa akong tulog tapos nya akong babuyin at gawan ng kalapastanganan

"Remon, what the hell is this?"

"I also don't know, but I want this. It feels like lesley is here with me" sagit nya ng may lungkot sa tinig, nalulungkot papala ang demonyo

"If I were you, stop this. Alam mo ba ang consequences ng ginagawa mo? This is not good for you"

"But I feel better even she's not my lesley, I won't stop this okay, let's go"

"I want to see her"

"No, she's only mine" kinilabutan ako sa mga pinagsasabi ni remon saka naman sila lumakad papalabas pero dinig ko ang huli nyang sinabi sa kasama nya

"I'll lock her here, and I will bring her to Europe"

"You can't remon, she have her own family"

"She don't need a family, all she need is me" saka sumarado ang pinto at nilock ito

Hindi nya na ako pwedeng ikulong dito at lapastanganin. May pamilya ako na inaantay, may ibang bagay na nag aantay saakin sa labas ng bahay na ito. Hindi ako papayag na maulit ng maulit lahat ng ginagawa nya saaki

Kahit nanghihina ako, kinuha ko ang roba sa upuan at sinuot ito. Hirap kong nilakad ang daan papunta sa cr at tinignan ang malaking bintana sa tabi ng bathub

Walang bantay sa lugar na iyon, pero hindi nabubuksan ang bintana

Lumabas muli ako at ganon din ang mga bintana sa kwarto, kahit pinto sa veranda naka sarado at ayaw bumukas kahit na wala naman lock doon

Inayos ko ang kama saka pumasok sa cr, nilagyan ko ng tubig ang bathtub habang dahan dahan kong inangat ang upuan papunta sa kisame at binutasan iyon gamit ang takip ang bowl. Iilan lang ang gamit sa kwarto. Napakalimitado

Nasira ko ang kisame at inakyat ko ang taas, madilim kaya hindi ko kita ang nasa loob, may mga maliliit na ilaw na galing sa baba kaya kahit papano ay naaaninagan ko na ang daan, malaki ang bahay

Konti lang ang tao, ang katulong ay nasa tatlo lang at apat na guard. Inantay kong lumipas ang oras saka lumakad ng magpatay na sila ng ilaw

"Sir, patay po ilaw sa kwarto ni ma'am yhra, hindi po nasagot ng dinalhan namin ng pagkain" napatigil ako saglit ng aktong iaangat ko ang maliit na pinto palabas sa kisame

"Okay, don't worry. Ako na bahala sa kanya. You can rest now" marahan na saad nya saka lumakad at ganon nadin yung gwardia

Nakaramdam ako ng takot at kaba, kailangan ko na makaalis dito ngayon din, baka maabutan nya na wala ako sa kama at unan lang iyon

Binuksan ko na ang pinto at mataas sya dahil wala ako tungtungan

Huminga ako ng malalim at lumundag pababa, napamali ang bagsak ko at parang may nabali sa paa ko

Sumigaw ako sa sobrang sakit at namimilipit dahil hanggang hita ko ang sakit na nararamdaman ko ngayon

Walang patid ang pag luha ko dahil sa mahihirapan ako makatakas at hindi na ako makatayo

"Sir! Andito po si ma'am" tumakbo lahat ng tauhan nya papalapit saakin at sumalubong ang muka ni remon saakin at kinapitan ang paa ko

"What the fuck are you doing here?" Naiirita na tanong nya at mabilis na lumagutok ang ankle ko dahil sa paghatak nya at binuhat ako papunta sa kotse

"What the heck, you know what kind of trouble you're walking to huh?" Naiinis na saad nya habang nilagyan ako ng seatbelt at pinaharurot ang kotse

"Alam mo ba na kapag di agad nagamot yan pwede kang maputulan ng paa! Damn it!" Sigaw nya habang nag ddrive at halos di ko na makita ang mga kotse sa daan

Nanlalabo narin ang paningin ko at parang bumibigat ang katawan ko

Gusto ko matulog ngayon at makapag pahinga na kahit saglit

"Walang hiya ka, ang baboy ng ugali mo" bulong ko sa kanya habang bigla kaming tumigil at bumaba sya para buhatin ako

"Shut up, I don't need your opinion" sabi nya saka ko hindi na napigilan ang antok

..

Nagising ako ng pumasok si remon sa kwarto habang may dala dala syang tray at ng gumalaw ako ay nanakit ang kaliwang paa ko dahil iyon ang may cast

"You know what, kahit anong pilit mo, na umalis hindi mo magagawa. Can't you see that destiny want us together" umismid ako at tinanggal lahat ng nasa braso ko

"Wag mokong pinag loloko, alam ko mahina at kaya mo akong kayan-kayanan pero hindi ako bobo. Hindi rin ako tanga, alam ko papaano makaalis dito. Hindi tama tong ginagawa mo saakin!" Sigaw ko saka nya pinulot ang mga nahulog

"Being stuborn doesn't save you yhra, all I ask is stay here with me and obey what I want" nangigil ako sa sinabi nya at hinaplos ang buhok ko pero tinapik ko iyon

Tingnan ko muna sya ng masana bago ako ngumiti "Hindi ako laruan o ano man, may pamilya ako. Hindi ka kasana sa buhay ko" saad ko bago magpatakan ang luha ko

"Yes, maybe I am not part of your family. But believe me. You will become part of my family" kinilabutan ako sa sinabi nya saka ako umiling at tinulak sya ng akmang yayakapin nya ako

"You really look like my Lesley" napakagat ako sa labi ko at tumungo pansamantala

"Hindi ako yung babaeng sinasabi mo, at kung iniisip mo na kapag pumayag ako ay magiging ayos kana, dyan ka nagkakamali kase hinding hindi ako papayag sa gusto mo. Wala akong pakiealam sayo o sa lesley mo. Wag nyo akong idamay, kung itong putanginang muka na ito ang pinang-gigigilan mo, pwes tatapusin ko na ang pantasya mo!" Sigaw ko at dinampot ang gunting sa gilid ng kama

Kung may iniisip man ako ngayon, walang iba kundi ang makalaya ako sa kababuyan nya

Comments (3)
goodnovel comment avatar
Dids Boncodin Silvertino
Sige yhra laban lng Ng laban
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
hay naku wala ka namang magagawa yrha
goodnovel comment avatar
Manlisis Rachel
hanggang ilang page po ito
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status