Share

8

Maybe

"Stop, you think that damaging your face make me stop?" Iling na saad ni remon habang kapit nya na ang gunting at nakatitig lang sa muka ko at lumapit sa kinauupuan ko

"Stop making me worry, just please. Let me take you for a month yhra. I'll take care all of your responsibility, from your family and other things" sa oras na iyon nagiba nanaman ang ugali nya. O natatakot lang sya na sirain ko ang muka na iniingatan nya

"Bakit ba ako?" Naiiyak kong tanong bago nya kinapitan ang muka ko at hinaplos ito

"I know that even I try hard to pretend that you are her, hindi padin mababago na she's with someone else and you are a different person, both of you are different. But please, I just want to feel that she's still here. The pain, it's living on me" nanginginig ang kamay nya habang nakatungo

"I will do everything to change your mind" iniwas ko na ang pisngi ko sa kamay nya hanggang sa nahiga ako sa kama at ipinikit ang mata ko

"Kapag ba pumayag ako, hanggang kailan yung sinasabi mo" tanong ko habang nakapikit at tangging dilim lang ang gusto ko makita. Para akong nanghihina kapag ganyan sya

Siguro dahil nadin sa ugali ko, masyado akong maawain kahit na ginagago at inaabuso na ako

"We will stay at one house, saka lang tayo titigil once I move on" saad nya bago kapitan muli ang kamay ko

"I just want to feel that I am worth it, hindi ako makausad. Because I feel that I am not worthy, why people leave me and why she's unfaithful. Pero sa ngayon, handa na ako mag-move on and you will be with me, gusto ko subukan na kahit andyan ang muka ni lesley kaya ko" naguluhan ako sa paliwanag nya

"Kung gusto mo makausad, bakit kailangan ako"

"I will use you, titignan ko kung kaya ko bang gawin ang lahat kahit na nasa tabi kita, I know I am sound insane here but I don't want to see you with other man, but sometimes. Ayoko din na makita ka. Fuck" saka ako dumilat at tinitigan sya

"Pumapayag ako, sa isang kondisyon" tinignan nya ako at humigpit ang kapit nya sa kamay ko

"What is it?" Tanong nya saka ako huminga ng malalim

"Kahit linggo lang, hayaan mo ako mabuhay sa sarili ko. Rest day ko ganon. Araw araw, ipagluluto, ipaglalaba, at pagsisilbihan kita. Pero sa linggo pwede ako umuwi sa pamilya ko" saka naman sya pumikit sandali at tumango habang nakapikit

"Okay, I will pay you. Just be with me okay?" Saka nya inangat ang baba ko para mapatingala at magsalubong ang muka namin

"Just do what I want, para magkasundo tayo. Obey what I want okay?" Marahan nyang tanong habang haplos ang buhok ko at tumango muli ako

"Good girl" siniil nya ang labi ko habang ang kamay ko ay nakakapit sa kumot ng kama at nag-uumpisa na ang pag gapang ng kamay nya sa bawat parte ng katawan ko

"I will make you scream every night"

Sana hindi ko pag-sisihan to sa huli, at san h'wag akong mahulog sa taong walang puso

...

Nakalipas na ang isang linggo matapos ang palugid na binigay saakin ni remon bago nya ako isama sa tinitirahan nya, nag paalam ako kila tito dahil babalik ako sa makati, kahit si karlo, nagsinungaling ako sa kanya na may nakuha akong trabaho at gusto ko na makapag-focus kaya linggo lang kami pwedeng magkita

"Yhra, saan ba kasi yung trabaho mo, maybe I can visit you" ngumiti lang ako tinignan sya ng sandali

"Karlo, kailangan din kase natin maging seryoso sa trabaho. Ayoko din naman na maging abala sayo lalo na at doktor ka. May bagay na mas kailangan pang pahalagahan bago ang lahat" umiling sya at kinapitan ang kamay ko

"You are one of my priorities yhra, bakit ba ganyan ka magsalita? Hindi ka abala saakin okay?" Tumango lang ako at parang di padin si desidido at naniniwala sa mga sinasabi ko

"How about remon, ginugulo ka paba nya?" Tanong nya saka ako sandaling napatigil at napaisip.

Alam ko na tututol sya, pero kung di ako magsasakripisyo mas lalo lang ako mahihirapan at maguguluhan kung hindi ko susundin ang gusto nya at hindi matatahimik ang buhay ko

"Hindi ko na sya nakita, ang huli namin pagkikita ay noong nasa pagsanjan tayo. Tapos non sumuko na sya at pinabayaan na ako" muka naman syang di padin naniniwala sa sinabi ko

"Imposible masyado yan yhra, remon is crazy. Does he hurt you?" Umiling muli ako bago naman sya huminga ng malalim at para bang suko na sa pangungulit saakin dahil hindi nya siguro nadinig ang nais nya saakin

"If he's still bothering you, let me know and I will do my best to stop him okay?" Tumango ako bago nya kapitan ang kamay ko at ngumiti ng marahan. Kinakabahan ako sa mangyayari bukas

Sana maging maayos at madali lang ang lahat, alam ko naman na hindi ito basta basta lamang. Pero hindi matatapos ang kalbaryo at sakit sa dibdib ko kung hahayaan ko nalang ito at patuloy na tatakbo palayo

Inaamin ko na wala nga siguro akong takas sa kamay ni remon

Naawa din ako sa kanya noong araw na kinausap nya ako sa hospital

Ibang iba sya sa remon na bumaboy saakin, hindi ko mapigilan na maawa sa kalagayan nya

Kailangan nya pa magmakaawa sa tao para lang manatili sa tabi nya

Siguro nga hindi ko pa kilala ang ugali nya, hindi rin naman ako magtatagal sa kanya dahil magiging mabilis lang naman daw ang lahat, yun ang pinangako nya saakin

Sana hanggang matapos iyon, buo padin ang pagkatao ko kahitna puro lamat na ang lahat

"Tulala ka nanaman, alam mo kinakabahan ako sayo" napukaw naman ni karlo ang aking atensyon saka ako tuluyang nag-paalam para umuwi

"Mauuna na ako karlo, kailangan ko nadin magpahinga saka nalalim na ang gabi" ngumiti ako ng marahan saka nya ako kinabig payakap sa kanya

Labis akong nasisiyahan dahil sa kanya, isang tunay na kaibigan

"Mauuna nako. Ingat" sabi ko bago ako sumakay ng taxi at dumiretsyo sa address na nakasulat sa papel

Hababg bumibilis ang takbo ng sasakyan ay lalo akong nilalamon ng kaba at takot sa di malamang dahilan.

Tama ba itong pinili ko?

Napatanong ako saglit hanggang sa tumigil ang kotse sa bahay na may malaking gate at bumukas iyon ng kusa

"Sino po sila?" Tanong ng gwardya

"Yhra Santos po kuya" masiglang bati ko at pinapasok nya na ako sa loob

Pabigat ng pabigat ang bawat hakbang ko papalapit sa pinto ng bahay nya. Kahit na napakaganda ng paligid, kaba parin ang nangingibabaw

Napaawang ang labi ko ng bumukas ang pinto at niluwa non si Remon na walang pangitaas na damit at nakatingin sa suot kong damit

"I don't like your shirt, remove it" bungad nya saka ako hinawakan sa kamay at inalalayan papasok

"Welcome to my life yhra"

Comments (3)
goodnovel comment avatar
TONJOL. xpat
sick minded people.. I hate how she fell for his trick. He is a sadist and sadly she is a masochist. What he needs is a doctor.
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
sana mahulog ng tuluyan si remon sayo yrha at ng makalimutan na nya ng tuluyan ang lesley nya
goodnovel comment avatar
KeyLizMpurple
aww how a pretty story...
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status