Share

Chapter 6: Dangerous Pleasure

BUONG araw akong hindi nakapag-concentrate sa klase. I've been thinking about Jenny's message. Hindi na kasi siya nag-reply matapos niyon. At nang sinubukan ko siyang kausapin kanina, hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin. She's completely ignoring me and I really hate it. Idagdag mo pa ang hindi pagre-reply sa akin ni Abi. Mas lalo tuloy akong nag-alala sa kalagayan niya.

Malapit nang matapos ang klase at heto ako, walang natutunan. Mabuti na lang at nakapag-take down notes pa ako. Magre-review na lang ako mamaya sa bahay.

Nang tumunog ang bell ay kaagad kong tiningnan ang kinaroroonan ni Jenny but she's no longer there. Napanguso na lang ako at napakamot sa ulo. Minsan hindi ko rin siya maintindihan, e. Ang gulo niya. Puwede naman siyang makipag-usap sa akin kaninang recess at lunch break pero hindi talaga niya ginawa.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status