Share

Special Chapter 04

HINDI ako kaagad na nakasagot sa tanong ng Diyosa. Tila nabuhusan ako ng malamig na tubig. Hindi ko napigilan ang pamumuo ng mga butil ng malamig na pawis sa aking noo.

“Helleia, ayos ka lang?” tanong nito dahilan para matauhan ako. Napalunok ako ng laway bago pilit na ngumiti, ngiting sinadya kong paabutin sa aking mga mata para magmukhang totoo.

“W-Walang nangyari sa amin, diyosa. Kung meron man, iyon ay naganap sa aking panaginip noong hindi pa tuluyang bumabalik ang aking mga alaala,” sagot ko na may katotohanan naman. “Kung kaya’t hindi nawala ang aking pagkadalisay at pagka-birhen,” dagdag ko, at ito ang kasinungalingan.

Napatingin ako kay Diyosa Cashmir at hindi ko mapigilang hindi mapalunok nang makita ang mataman niyang pagtingin sa akin.

“Mabuti naman kung gano’n,” nakangiting saad nito dahilan para makahinga ako nang maluwag. “Dahil alam mo naman kung ano ang maaaring mangyari, Helleia, maaaring magdulot ito ng sigalot,” dagdag nito hab

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status