Share

Chapter 2: You're not Alone

IT'S STILL three in the morning, but I have no plans on getting back to sleep. Ayoko nang ipikit ang mga mata ko dahil baka mapanaginipan ko ulit ang lalaking iyon. I will try my best to stay awake for this day. Maybe I just have to review my notes to kill the time and stop myself from falling asleep.

Nang tumunog ang alarm sa cell phone ko ay kaagad akong dumiretso sa banyo para maligo. Isa-isa kong hinubad ang aking mga saplot sa katawan. At hindi ko mapigilang mainis dahil sa bawat saplot na inaalis ko ay bumabalik sa akin ang panaginip ko kagabi.

Anong nangyayari sa akin? Is this because of that dream?

I shook my head at kaagad akong pumailalim sa shower, letting the cold water envelop and cool my burning body down.

I reached for the liquid soap and started rubbing it against my body. Nang tumapat ang mga kamay ko sa dibdib ko, I began thinking of how did that man's mouth enveloped my nipple and how his tongue played with it. I can still remember how his hands traced every curve I have, how his lips brushed against mine, how his toungue traced the line between my chest.

Natauhan ako nang tatlong magkasunod na katok ang ginawa ni Mama sa pinto ng banyo. "Hannah, magmadali ka na riyan at baka ma-late ka pa sa klase."

"O-Opo, patapos na ako."

Mabilis kong binanlawan ang aking sarili. Habang nagbabanlaw ako ay hindi ko maiwasang mapailing. I can't believe I did something inappropriate. I never thought I'd be doing that to myself.

Hindi ko alam kung ano ang ginawa sa akin ng lalaking 'yon. May kung ano sa kaniya na nagtutulak sa aking gawin ang mga malalaswang bagay na 'yon kahit hindi ko naman gusto. May kung ano sa mga titig niya na nagpapainit sa aking katawan. Alam kong may ginawa siya sa akin kaya nawalan ako ng kontrol sa sarili kong katawan. I'm sure of that.

Even though it's just a dream, still, I felt so embarrassed. How could I let that man play with my body?

Pagkababa ko ay dumiretso ako sa kusina at naabutan ko si Mama na naghahanda ng almusal. Kaagad akong umupo at binilisan ang pagkain dahil alam kong anong oras mula ngayon ay darating na ang bestfriend ko para isabay ako papuntang school.

"Hannah, magmadali ka at nang hindi mo na paghihintayin pa si Abigail. Nakakahiya sa kaibigan mo," ani Mama habang sumisimsim ng kape. "Sinasabay ka na nga palagi papuntang nang libre school tapos ikaw pa 'tong may ganang paghintayin siya."

Ngumuso ako bago uminom ng gatas. "Hindi naman magagalit si Abi, e. Mahal na mahal ako no'n."

Pinanliitan ako ng mata ni Mama bago muling humigop ng kape. "Ewan ko talaga kung paano kayo naging mag-bestfriend gayong magkasalungat ang ugali n'yong dalawa."

Sasagot pa sana ako nang may marinig akong busina ng kotse sa labas ng bahay. At ilang sandali pa ay may isang matangkad na babaeng shoulder-length ang itim na buhok, maputi, at singkit ang pumasok.

Masigla niyang binati si Mama bago bumaling sa akin. "Hannah, you make bilis na!" ani Abi sa matinis na boses. "Mang Danny is waiting outside. And he still needs to go home kasi may emergency raw sa bahay nila."

"Narinig mo 'yon, Hannah? Bilisan mo na riyan."

Wala akong nagawa kundi ang tapusin na ang almusal ko at mabilis na hinila si Abi palabas ng bahay. At napangiwi na lang ako nang pasigaw siyang nagpaalam kay Mama. Her voice is hurting my ears too much!

"What took you so long ba?" reklamo nito nang makalabas kami ng bahay. "And you look like wala kang sapat na tulog."

"Basta. H'wag na masyadong maraming tanong!" sagot ko at mabilis na naglakad palapit sa kotse. Doon ay bumungad sa akin ang nakangiting si Mang Danny, ang personal driver ni Abi na nasa late thirty's niya.

"Good morning, Mang Danny!" masiglang bati ko na ginantihan naman niya.

"Let's go na," ani Abi nang makalapit sa amin.

Pumasok na kami sa sasakyan. Nang umandar na ito ay natahimik na si Abi dahil abala na siyang nanonood ng music videos ng mga iniidolo niyang kpop group. Si Mang Danny naman ay nakatuon ang pokus sa daan pero paminsan-minsan ay nahuhuli ko siyang sinusulyapan kami ni Abi sa likod. Ako naman ay muling napaisip sa napanaginipan ko kagabi.

It has been said that our dreams are the product of our thoughts before going to sleep. It is the embodiment of all our repressed thoughts, or even our hidden desires. But I am well aware that I don't desire things like that.

"Hoy, Hannah!" Napabalik ako sa reyalidad nang hilain ni Abi ang buhok ko. Marahas akong napatingin sa kaniya pero tinaasan lang niya ako ng kilay. "Ano na? Ayaw mo bumaba, gano'n?"

Dahil sa sinabi niya ay napagtanto kong nasa tapat na pala kami ng school, kaya dali-dali akong lumabas. Nang makalabas na rin si Abi ay umalis na si Mang Danny.

"Girl, do you have any problem? You really look so..." bahagyang tumigil si Abi sa pagsasalita, and maybe para humagilap ng tamang salitang gagamitin, "disturbed? No. Uhm, parang malalim ang iniisip mo."

Imbes na ikuwento ko sa kaniya ang panaginip ko ay nagsinungaling na lang ako na wala akong kahit na anong mabigat na iniisip.

LUMIPAS ang mga oras at natapos na ang first and second period namin at wala akong ibang ginawa kundi ang labanan ang antok ko. Ngayon pa kasi sumisipa ang epekto ng napakaaga kong paggising. Idagdag mo pa ang boring subjects at teachers. At isa pa, hindi ko rin kaklase si Abi kaya wala na akong makausap. Hindi rin kasi ako gusto ng mga kaklase ko dahil sa ugali ko. 'Yong boys naman, kapag nagtatangkang lumapit ay tinataboy ko kaagad dahil biglang lumilitaw sa isipan ko ang imahe ng lalaking napanaginipan ko kagabi.

Napaayos lang ako ng upo nang dumating si Ma'am Russell, ang teacher namin sa 21st Century Literature. Nang mapadako ang tingin niya sa akin ay kita kong nanlaki at napaawang ang bibig niya pero saglit lang 'yon. Kaagad siyang bumaling sa klase. "Good morning."

Bumati kami pabalik. Pagkatapos niyon ay nagsimula na siya sa kaniyang discussion. At paminsan-minsan ay nakikita ko ang pagnanakaw niya ng sulyap sa akin. Na-conscious tuloy ako baka may mali sa mukha ko o sa suot ko. Wala kasi kaming uniform sa school. We can wear anything we want pero may limitations pa rin. May bawal pa ring suotin. Nang pasimple kong i-check ang damit ko ay wala naman akong nakita. Siguro baka nanibago lang si Ma'am dahit ito ang unang beses kong magsuot ng damit na medyo kita ang dibdib ko.

Hindi ko nalang pinagtuonan ng pansin ang bagay na 'yon dahil mas binabagabag ako ng lalaki sa panaginip ko.

"Satan disguised as a cherub and entered the paradise that the creator built..."

Walang masyadong pumapasok sa isipan ko dahil antok na antok talaga ako. Kahit na gustuhin kong makinig ay kusang pumipikit ang talukap ng mga mata ko.

"Do you believe in angels and demons?"

Dahil sa tanong na 'yon ni Ma'am ay napuno ng ingay ang klase. Sari-saring reaksyon at ang iba ay nagde-debate na dahil sa magkaibang paniniwala. Dahil din sa ingay na 'yon ay saglit na nawala ang antok ko.

"Miss Villega," tawag ni Ma'am sa akin. "Do you believe in angels and demons?"

Labag man sa loob ko na tumayo dahil ang bigat ng pakiramdam ko ay wala akong nagawa. Malaking factor sa grades ang recitation. "Yes po. I think they coexist with humans. Na nasa paligid lang sila at minamanmanan tayo."

Nakita ko ang pagsilay sa ngiti ni Ma'am Russell. "I agree. They do exist. Let's focus with the angels first." Naglakad siya sa palibot ng classroom at tinatapik ang mga kaklase kong may ibang ginagawa. "Angel is just a general term. Kagaya ng tao ay may kaniya-kaniya ring role na ginagampanan. May angel of safety, angel of health, angel of death, angel of purity and innocence and more." Bumalik siya sa harapan at isa-isa kaming itinuro. "And hindi n'yo alam, baka isa sa mga nakakasalamuha n'yo ay anghel pala. Baka isa sa mga kaibigan n'yo, teachers n'yo, magulang, kapitbahay, kamag-anak...who knows, 'di ba?"

Dahil sa sinabi ni Ma'am ay napaisip ang lahat. May ibang hindi naniniwala pero mas marami ang naniwala. May iba pa ngang gustong tanungin ang mga kakilala nila kung anghel ba raw ang mga ito. Napailing na lang ako.

Pero natigil ang lahat nang magtaas ng kamay ang pinaka-tahimik naming kaklase na si Jenny na nakaupo lang sa likuran ko. Maging si Ma'am ay mukhang naging interesado sa sasabihin nito. She has this intimidating aura kaya hindi ka talaga magbabalak makipag-usap sa kaniya.

Napatingin tuloy ako nang matagal sa kaniya at nangunot ang noo ko nang may mapansin ako sa bandang dibdib niya—isang bilog kung saan sa loob nito ay may isang tatsulok, at sa gitna ng tasulok ay may nakadilat na isang mata.

"Yes?" pagbibigay-antensyon ni Ma'am.

"Do demons have classifications, too?"

"Yes." Hinarap ni Ma'am ang klase at ewan ko ba, pero parang nag-iba ang timpla ng hitsura ni Ma'am. "Kagaya ng mga anghel ay may kaniya-kaniya ring roles ang mga demonyo. At lahat ng roles na 'yon ay kasalungat ng roles ng mga anghel."

Tumango si Jenny. "Is there any demon that inflicts lust towards humans?"

"Ay ibang level ang curiosity ni Mareng Jenny," ani Benjie, ang class P.I.O namin.

Pero hindi siya pinansin ni Jenny. Nakatingin lang siya kay Ma'am Russell at naghihintay ng sagot.

"Yes. Ang uri ng mga demonyo na may kakayahang gawin ang bagay na sinasabi mo ay ang incubi at succubi."

"Wait, Ma'am, 'di ba, 'yan sila 'yong demons of lust? Incubus, or incubi in plural, ay male demons na dinadalaw ang mga babae sa kanilang pagtulog at nakikipag-sex sa kanila? Tapos 'yong succubi, succubus in singular, ay ang female demons na sa mga lalaki naman dumadalaw?" Manghang sabat ni Mary, ang class bookworm. "They feed on human's lust, right? Tapos ang attractive nila. Hindi matutumbasan ang kaguwapuhan at kagandahan nila, right?"

Nagpatuloy ang discussion ng klase. Lahat ay interested na sa topic. Pero ako ay lumilipad ang isip ko. Napapaisip ako sa mga narinig ko. Lahat kasi ng mga bagay na 'yon ay tumutugma sa lalaking napanaginipan ko kagabi.

Pero imposible pa rin. Baka nagkataon lang.

NATAPOS ang klase namin at nanatili akong lutang. Ang daming gumugulo sa isipan ko. Idagdag mo pa ang requirements and assignments.

Habang naglalakad ako papunta sa meeting place namin ni Abi ay may biglang humawak sa balikat ko. At nang lingunin ko ito ay nakita ko si Jenny. Seryoso siyang nakatingin sa akin.

Ibubuka ko na sana ang bibig ko para magsalita pero mabilis siyang naglakad palayo habang sinasabi ang mga salitang hindi ko naintindihan, "You're not alone."

NANG makauwi ako sa bahay ay doon ko naramdaman ang pagod. Pagkatapos kong kumain at mag-half bath ay kaagad na akong humilata sa kama at doon ko pilit na inintindi ang sinabi sa akin ni Jenny.

At sa kakaisip ko ay hindi ko namalayang nilamon na pala ako ng antok.

Nagising ako sa kalagitnaan ng gabi. Pero parang may mali. Parang lumubog ang kanang parte ng kama ko. At nang lingunin ko ito ay napasigaw na lang ako sa gulat nang makita ko ang lalaking napanaginipan ko kagabi, at—

—nakahubad na siya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status