Bagong umaga, bagong simula. Ilang minuto na rin akong nakatingin sa cell phone ko nasa ibabaw ng side table, umaasa pa rin kasi ako na mag-ring iyon. Pero wala. Ni text wala rin. Ang sakit pa rin pala, kahit sinabi ko pa na tanggap ko na. Sinanay niya kasi ako. Nasanay ako na laging tunog ng cell phone ang gumigising sa akin tuwing umaga, at boses ni Romeo ang unang naririnig ko. Pero ngayon, maingay na tilaok ng mga manok at kahol ng mga aso ng aming kapitbahay ang gumising sa akin. Lalo tuloy akong tinatamad at nanghihina. Pakiramdam ko nawalan ako ng isang parte sa katawan ko. Ang bigat ng pakiramdam ko. Pero hindi pwede na huminto ang mundo ko. Nasaktan lang naman ako at hindi na paralisa. Kaya tuloy ang buhay kahit puso'y nasasaktan. Matapos maligo at magbihis, humarap ako sa salamin. Muli na naman akong napangiti ng mapait. Paano ba naman kasi, daig ko pa ang nasuntok sa itim at maga ng eye bags. I covered my dark and puffy eye bags with concealer, para hindi naman ako magmu
"A-no ba! Ang sakit!" reklamo ko. Hawak ko na ang kamay ng taong biglang humablot sa braso ko. Sinubukan kong kalasin ang paghawak niya sa braso ko. Pero halos mawala ang kalasingan ko nang makita ang mukha niya. Uminit ang buong mukha ko at hindi na magawang magreklamo. Umaapoy kasi sa galit mga mata niya. "R-Romeo..." pabulong at utal kong bigkas sa pangalan niya. "Ano ba dude? Bitiwan mo nga siya!" bulyaw ng lalaki at hinila ang pabalik sa kanya. Nagtagis ang bagang ni Romeo, at hinila ako palapit din sa kaniya. Para akong garter na pighihila ng dalawa. Mga sira-ulo ang mga 'to! "B-bitiwan n'yo nga ako!" sigaw ko. Buong lakas na hinablot ko ang mga kamay ko mula sa pagkakahawak nila. Na siya namang dahilan ng pagbagsak ng mga tuhod ko sa sementong daan. Pero itong si Romeo, imbes na tulungan ako. Nauna pang sugurin ang lalaki na akmang tutulungan sana ako.Nang-gagalaiti sa galit ang lalaki nang makita ang bakas ng dugo sa daliri niya. "Gago ka!" sikmat nito, kasabay ang pag
"Romeo, what are you doing?" Hindi ka pwede rito. Bumaba ka, before Mama sees you," I grumbled."Hayaan mo na lang ako, Mahal," he said, caressing my cheek. "I just want to fix things between us," he whispered before pressing his lips to mine."Teka nga lang, hindi pa tayo bati. Akala mo, madadaan mo ako diyan sa lambing mo. Do'n ka nga!" Turo ko sa kama. Nakangiti siyang nagtungo doon at agad umupo. Pinatong ko na rin sa bedside table ang bag ko at tumalikod."Where are you going?" tanong niya at akmang hahawakan ako."Kukuha lang po ng gamot," maagap kong sagot. He returned to his seat with a nod and a smile. Parang bata.Kinuha ko ang medical kit from my dresser. Then I returned to Romeo, who was still beaming from ear to ear.I sat quietly next to him, treating his wounds gently. He just keeps on smiling and slowly move his face to mine, lips pouting. Parang tanga rin."Umayos ka nga! Hindi ko magamot ng maayos ang sugat mo!" Magkasalubong ang kilay na saway ko. Diniin ko pa ang
Romeo's eyes sparkled with pleasure as he gazed upon the lovely scene in front of him. He stiffened and swallowed many times.Sana pala, siniguro ko muna kung umalis na ba talaga siya. Para pa naman siyang tigre na hihintay ng chance to eat me. I smiled timidly as I covered my body with something.Hindi naman ako totally hubad. May suot akong two piece nighties. Kaya lang bakat kasi 'yong dalawang cherry tomatoes ko. At talagang do'n nahinto ang nagningning na mga mata nitong lalaking natuod na sa kinatatayuan niya. Mahal ko 'to. Pero sarap din tusukin ang mga mata!Tabing ang unan sa katawan ko, tumayo ako at nilapitan siya. Hinablot ko ang t-shirt na hawak niya at sinuot iyon, saka hinila siya palabas ng k'warto. Buti na lang at nagpaubaya siya na hilahin ko hanggang sa makababa kami. "Ingat ka mahal." Patulak ko siyang dinala sa pinto at agad iyong binuksan. Kumurap siya at lutang na tumingin sa akin. As-in lutang talaga. "Kaya mo ba ako binato ng damit para umalis na ako?"Buang
I feel the tension between Mama and Romeo. Kabado ako habang nakatingin sa dalawa. A tinge of dismay is seen on Romeo's face as he lifts his head from Mama's shoulder."Ina ako, Romeo. Mahal ko ang anak ko. Ayokong makita siya na nahihirapan at nasasaktan." "Ma... naintindihan ko po..." malungkot na tugon ni Romeo kasabay ang pagsulyap sa akin."Kung ganoon naman pala ay wala tayong magiging problema." Lumingon si Mama kay Romeo at bahagyang ginulo ang buhok. "O siya, maiwan ko muna kayo at ako'y magbibihis lang.""Mahal," tawag ko kay Romeo na napatulala na lang. I sat close to him. I cling to his arm and rest my chin on his shoulder. I simply mimicked what he did to Mama earlier.Aba, at talagang effective pala ang lambing na 'to. Agad din kasi siyang ngumiti."Ayos ka lang ba, mahal?" tanong ko, panay taas-baba ang mga kilay ko. He smiled even more as he took hold of my hand, which was still clinging to his arm."Paano ako hindi maging ayos! Lambingin mo ba naman ako ng ganito!"
Ilang minuto bago nagproseso sa utak ko kung ano ang ibig sabihin ni Mama. Walang mabubuo. Napangiwi ako nang maintindihan ko ang ibig sabihin no'n.Hindi ko alam kung ano ang isasagot. napakamot ako sa lalamunan kong bigla na lang nangati. Nanatili namang nakayuko si Romeo. Nahiyaya yatang sagutin si Mama. Paano kasi, ang landi nga niya. "Ayan na nga ba ang sinasabi ko. Isa rin 'yan sa dahilan kaya nagdadalawang-isip ako na payagan kayo!" Umiling si Mama habang nagpalipat-lipat ang tingin sa amin. "Kung nakikita niyo lang ang mga mukha ninyo ngayon sa salamin. Malalaman ninyo kung gaano ka di-gusto iyang mga mukha ninyo sa sinabi ko. Siguro na-isip niyo na ang OA ko, kasi nasa tamang mga edad na naman kayo. Mga Anak, ang gusto ko lang naman ay unahin n'yo muna ang problema sa Mommy mo, Romeo. Papa-saan ba at doon din talaga ang punta ninyo. Naintindihan niyo ba?" mahabang lintanya ni Mama."Hindi naman po sa di-gusto, Ma, nagulat lang po kami sa sinabi niyo," mahina kong tugon pero
Kumabog ng malakas ang dibdib ko. Pikit-matang napahawak ng mahigpit sa kamay ng mahal ko. Para akong mauubusan ng hininga dahil sa kabang nararamdaman.Nagdilat na lamang ako nang marinig ang malakas na tawa ng Daddy ni Romeo, maluha-luha ang mga mata niya habang hawak ang tiyan. Napakagat labi ako."Do you really think I'm cute, hija?" tanong niya. Hindi pa rin matigil ang tawa niya. "Sa palagay ko, magkakasundo tayo!"Natigil ang pagtawa niya nang magbukas ang malaking gate. Hindi ko napansin na nasa harap pala ng malaking bahay tumigil ang sasakyan. Paano nga kasi, napapikit na lamang ako kanina. Akala ko, galit ang Daddy ni Romeo, hindi pala. "Great job, mahal, ngayon ko lang nakita ang Daddy na tumawa ng ganiyan," bulong ni Romeo habang ang isang kamay ay ginugulo ang buhok ni Michael.Huminga ako ng malalim bago bumaba ng sasakyan. Nasa pagitan ako nina Michael at Romeo habang nasa unahan naman ang Daddy ni Romeo. Ang laki ng bahay nila na Mediterranean ang style. Pero ang uma
Sobrang pagpigil ang ginawa ko na huwag maging dragon at bugahan ng apoy ang kasambahay na feeling close sa boyfriend kong nakabukaka sa harap niya. Kulang na lang upuan niya si Romeo. Ang sarap din tadyakan ng bayag nitong si Romeo. Gusto rin yata niya ang ginagawa ng babaeng hitad na walang tigil sa pagpunas ng towel sa dibdib niya. Paigtad na tumingin sa akin ang babae. Hindi niya kasi napansin ang paglapit ko. Enjoy na enjoy nga kasi siya sa ginagawa."Anong nangyari?!" taas ang isang kilay at talagang hindi ko nilubayan ng tingin ang babaeng hitad na hindi naitago ang kaba. Iyong tingin na makasunog hitad."A-ahhh....ehh... M-miss, natapunan po ng tubig ang dibdib ni Sir Romeo," natataranta nitong sagot. Napangisi ako. "Hindi ko alam, pati pala ang pagpunas sa basang dibdib ng boss mo ay trabaho mo rin!" Sadyang pinatalas ko ang bawat bigkas ng salitang binitiwan ko."L-asing po kasi si Sir Romeo, Miss... Kaya tinulungan kong makainum ng tubig," maamo ang boses at yuko ang ulong