Share

Chapter 43

Tatlong araw na ang lumipas ngunit wala pa ring paramdam si Martin kay Andrea. Nakakapanibago lang na hindi na 'to tumatawag sa kanya para kumustahin ang ginagawa niya para magkalapit silang dalawa ni Ella Marie. Ni pinadalhan siya ng text messages ay wala siyang matanggap mula kay Martin. Tinatawagan niya ito ngunit hindi naman sinasagot ang tawag niya. Palaging naririnig niya ay out of coverage ang cell phone nito. Hindi tuloy maiwasan na hindi makaramdam ng lungkot si Andrea.

Pakiramdam pa niya ay para bang may kulang sa araw niya. Kahit hindi niya nakikita si Martin basta nakakausap niya ito sa kabilang linya ay nawawala na ang lungkot niya, hindi kagaya ngayon na kulang na lang ay mabaliw siya. Hindi niya malaman kung ano'ng nangyayari sa binata. Gusto niyang malaman kung okay lang ba 'to. Nagiging matamlay tuloy siya.

Napansin ni Gretta na tahimik lang siya simula pagpasok niya kaninang umaga.

"Ang tahimik mo ngayon, Andrea. Okay ka lang ba, ha?" tanong ni Gretta kay Andrea ha
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status