Share

Chapter 30.1: Declined

Chapter Thirty

Declined

    When Dennis mentioned to his mother that Raymond is his boyfriend, she didn’t say anything after that. Tumango lang ito sa kanya at wala siyang narinig na komento nito. Iyon na rin ang huling maayos na pag-uusap nila dahil pagkatapos ng dalawang araw ay ililibing na ang lola niya. Naging abala sila sa maraming bagay na kahit si Raymond ay hindi niya maasikaso. 

Dumating ang araw ng libing at doon nalaman ni Dennis na hindi pa rin pala niya tanggap na wala na ito. Nitong mga huling araw kasi, hindi na siya umiiyak at nakakangiti na kahit paano. Ngunit iba pa rin pala habang pinanonood niya habang binababa ang casket ng lola niya sa lupa at unti-unting tinatabunan ng lupa. 

Inihagis niya ang hawak na white rose at pinunasan ang mukhang basa ng luha. Tumalikod siya at sinalubong si Dave na katatapos lang din magtapon ng bulaklak. Yumakap ito sa kanya at doon sa dibd

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status