๐๐ต๐ฎ๐ฝ๐๐ฒ๐ฟ ๐ฆ๐ฒ๐๐ฒ๐ป
๐๐น๐๐๐๐ฒ๐ฟ๐ฒ๐ฑ
Ang pagsara nang malakas ng gate ang nakakuha ng atensyon ni Raysen mula sa paglalaro ng ML. Kahit nasa gitna siya ng laban ngayon, binaba niya ang cellphone sa center table at tiningnan ang direksyon ng pinto. Sino kayang siraulo ang nagwawala ngayon?
Si Raymond ang pumasok. Ah, siraulo nga.
Magkalapat nang mariin ang mga labi nito, magkasalubong ang parehong kilay at madilim ang ekspresyon ng mukha. Galit ang itsura.
"Anong itsura 'yan at pati si Leonardo Da Vinci, mahihiyang ipinta 'yang mukha mo?" Lumapat sa kanya ang masamang tingin ni Raymond at hinagis nito ang bag sa sofa na kaharap nito.
"Nabubwisit ako kay Dennis!" Pabagsak itong naupo sa sofa na katabi ng kinauupuan niya. Ngumiwi si Raysen. Kailan ba hindi nabwisit 'tong si Raymond kay Dennis? Eh, kada uuwi 'to mula sa school, bukambibig, si Dennis. Lapit naman nang lapit doon
Nakaalalay si Raymond kay Dennis ngayon. Galing na sila sa clinic at may plaster bandage na sa paa nito gawa ng na-dislocate na buto sa paa. Mabuti na lang at marunong ang doktor dito sa school nila at ilang beses lang inikot ang paa ni Dennis, naibalik din sa ayos iyon. Kundi ba naman kasi lampa, e?! Nadapa lang ito, na-sprain na ang paa?Pabalik sa classroom, hindi sila parehong nagsasalita. Pareho silang nakikiramdam sa isa't-isa, iniisip kung ano ang sasabihin.Si Dennis ang unang bumasag ng katahimikan sa pagitan nila at nakayuko ito nang bumulong. "S-Sorry..."Hindi kumibo si Raymond. Iniisip niya ngayon ang chibi demon version ni Raysen na nagsasayaw sa utak niya. Tae. Nagdilang-demonyo 'to at nanalo nga ang bwisit.Kung hindi lang nagbabasa-basa ng Psyche books iyong isang 'yon, nunca na tanungin niya? Minsan tuloy, 'di niya alam kung nagsasabi ba ng totoo 'yon o ginagago siya, e. P
Mag-uuwian na pero ramdam pa rin ni Dennis ang namumula niyang pisngi. He's still flustered by what happened a while ago.When Raymond glanced at him while helping him to keep his footing, his heartbeat turned erratic that it seemed hard to breath. What the hell is going on with him?Niyukyok ni Dennis ang ulo sa desk ng upuan. Kasalanan 'to ng kapatid ni Raymond, e! May iba siyang nararamdaman simula noong mag-isip ito ng kung ano sa kanilang dalawa ni Raymond.Inangat ni Dennis ang tingin at hinanap ito. Nakita niyang idinidiin nito ang kamao sa ulo ni Franco habang nakaipit ang braso nito sa leeg n'ong isa. Tumatawa si Ervin sa gilid nito at si Aldrin, bagot na pinanonood ang tatlo.Raymond, he's acting normal. Dennis let out a sigh. See? Siya lang itong apektado sa hindi malamang dahilan.Natigil ang kumosyon noong pumasok ang president ng klase na may bitbit na stack
๐๐ต๐ฎ๐ฝ๐๐ฒ๐ฟ ๐๐ถ๐ด๐ต๐๐๐๐ฎ๐ฟ๐ฒKatulad kanina, inalalayan ni Raymond si Dennis sa paglalakad. Dahil gustong makipag-usap ni Dave sa kanya, nag-decide si Dennis na sa may outdoor study area malapit sa main gate sila mag-uusap muna. Coffee shop or any nearby place won't do because of his damned injured foot."D-do you need my help?" may alinlangan sa boses ni Dave. Nakamasid ito sa kanilang dalawa. Umiling si Raymond at tinuloy ang pag-alalay kay Dennis. Hindi naman kalayuan ang pupuntahan nila dahil ang classroom ng section nila ay malapit lang sa gate ng school.Nang makarating sila lugar na iyon, namili sila Dennis ng isa sa mga stone table at umupo sa stone bench na kasama n'on. Iniwan silang dalawa ni Raymond para daw magkaroon sila ng privacy."What is this talk about, Dave?"Nakatingin lang ito sa kanya at mukhang hindi alam kung paano mag-uumpisa. Nakagat nito
Magpi-pitong minuto na simula nang pumasok sa loob ng Men's CR si Dennis pero hindi pa rin ito lumalabas. Kinatok na ni Raymond ang pinto."Hoy, buhay ka pa riyan?"Nakarinig siya ng kaluskos at bumukas ang pinto. Nang matitigan niya si Dennis, bahagyang namumula ang mga mata nito pero 'di gaanong halata dahil naghilamos ito. Umakto si Raymond na hindi niya napansin na umiyak ito."Tara na?"Hindi sumagot si Dennis at nanlaki ang mga mata ni Raymond nang biglang yumakap si Dennis sa kanya. Dahil konti lang ang tinangkad niya dito, nakapwesto ang ulo nito sa pagitan ng leeg niya at balikat. Tumutusok ang mga buhok ni Dennis sa leeg niya na gusto niyang kamutin ang parteng iyon."O-oy!"Hindi pa rin ito nagsasalita ngunit humigpit ang kapit kay Raymond. Hindi niya alam ang gagawin. Ang alam niya lang, ang lakas ng tibok ng puso niya na parang lalabas na. Hindi naman sig
๐๐ต๐ฎ๐ฝ๐๐ฒ๐ฟ ๐ก๐ถ๐ป๐ฒ๐๐๐ธ๐๐ฎ๐ฟ๐ฑDahil sa sandaling pagkatulala kay Dennis, hindi namalayan ni Raymond na nakalapit na ang Kuya Raynald niya na nakasalubong ang mga kilay. Inilapag nito ang gitara sa may paanan niya para batukan lamang siya.Parang nagising si Raymond kahit 'di naman siya tulog dahil sa lakas ng hataw ng kapatid. Iniwas niya ang tingin kay Dennis na hanggang ngayon ay hawak niya at sinigawan si Raynald."Aray, kuya! Masakit 'yon!" Pinanlakihan siya ng mga mata nito kaya napanguso si Raymond."Ah, masakit pala? Tara dagdagan ko pa? Bwisit kang bata ka, hinatid ka na nga, ginawa mo pa akong tagabitbit mo nitong mga gamit mo? O, ayan na." Inabot nito ang gamit niya, sinulyapan sandali si Dennis na may ngisi sa labi at binalik ang seryosong tingin kay Raymond."โAalis na ako. Male-late na ako sa trabaho. Umayos ka nang galaw, Raymond, h
Magkasabay na naglakad si Raymond at Franco patungo sa classroom at pagpasok pa lang nila, ingay ng mga kaklase nila ang bumungad. Hinanap agad ng mga mata ni Raymond si Dennis at nakita niyang natutulog sa desk nito. Inabot niya kay Franco ang nakasukbit na gitara at lumapit sa pwesto ni Dennis.Kahit hindi niya pwesto ang katabing upuan nito, umupo si Raymond doon at minasdan muna si Dennis. Hindi man lang ito nagising kahit na may kalakasan ang pagkakaupo niya. O iyon ang akala niya."Ano't bumalik ka?" Hindi man lang inangat ni Dennis ang ulo pero narinig ni Raymond na nagsalita ito."W-wala lang!"May kabagalan na umayos ng upo si Dennis at tumingin sa kanya. "Anong balak mo sa project natin?""Kanta ka, ako maggigitara," sagot niya.Sandaling nag-isip si Dennis. Mayamaya ay tumango ito. "That will do. But w
"Tara fishball?"Nag-aayos ng gamit si Dennis nang bahagya siyang tapikin ni Raymond. Uwian na at iilan na langbang natirang estudyante sa loob ng klase.Nang tingnan niya si Raymond, nakasukbit na ang bag at gitara dito, handang-handa na talagang umuwi. Hindi siya nagsalita at nagpatuloy sa pag-aayos ng gamit. Hinhanap niya ang friction pen dahil wala sa loob ng bag."Tagal mo naman. Akin na nga 'tong ibang mong gamit," anito at kinuha ang fillers niyang hindi pa naipapasok sa bag. Siya naman, nagpatuloy sa paghahanap ng pen. Yumuko si Dennis para tingnan kung nahulog ba ito. Napansin naman ni Raymond na parang may hinahanap siya."Anong hinahanap mo?""Friction pen. May napansin ka ba?" tanong niya habang naka-squat at sinisilip ang ilalim ng mga upuan."'Di ba pinahiram mo kay Franco kanina?"
๐๐ต๐ฎ๐ฝ๐๐ฒ๐ฟ ๐ง๐ฒ๐ป๐๐๐ค๐ช๐ก๐๐๐ง Ngayong nasa harap niya ang ina, iba't-ibang emosyon ang nararamdaman ni Dennis. May saya dahil ito yata ang unang beses siyang puntahan ng ina, pag-aalinlangan dahil bakit ito nandito, at takot dahil sa nangyari noong huli nilang pag-uusap. But looking at his mother who's staring at him without an ounce of emotion on her face seems to dampen his expectations. Parang hindi anak ang kaharap nito.Tiningnan niya nang mabuti ang ina at alam niyang galing ito mula sa trabaho. His mother is still wearing her office attire. Maayos na maayos ang pagkakabalunbon ng buhok nito na parang bulaklak. Looking at her like this, she really looks so cold. Regal and majestic but unapproachable."M-ma..." he whispered. Ramdam niya ang pagpapapawis ng kamay niya at makailang ulit niya iyong palihim na ipinunas sa suot."I told you to go ba