"Pero imposibleng patay na ang ilan sa mga Elder niyo, pati ang clan master niyo? Alam ko ang lakas ng clan niyo!" Hindi pa rin makapaniwala si Josh sa eksenang nakita niya. Lagpas ito sa inaasahan niya. Ayon sa prediksyo niya, ang Nine Armies dapat ang nagdurusa nang matindi. Kahit na nakatanggap ng tulong ng maraming tao mula sa inabandonang mundo ang Nine Armies, maganda na kung nakarating ang ilan sa mga tao ng inabandonang mundo sa first o second-grade ultimate god level. Higit pa roon, kakaunti lang ang taong nakarating sa ultimate god level. Pambihira iyo kung ilang dosena o ilang daan sa kanila ang nakagawa nito. Kahit sa ilalim ng ganitong sitwasyon, hindi matatalo nang ganito ang Bloodshed Clan. Kahit papaano ay hindi mapapatay si Edward. "Ang batang yun ang may gawa nito, Master Wallman. Ang bw*sit na batang yun. Nasa seventh-grade ultimate god level pa lang siya pero napakalakas niya. Pinatay niya ang mga Elder namin, at ang lakas niya ay malamang na mas higit sa Fi
Hindi kaagad nagbigay ng utos si Josh na makipaglaban. Sa halip, nginitian niya si Fane. "Pambihira nga ang isang henyong kagaya mo. Kung magiging lohikal ako, pinatay ka na namin, pero ngayon, maraming namatay na tao sa Bloodshed Clan at pati na sa Nine Armies. Noon ay may daan-daang libong tao kayo, pero muntik kayong maubos at tanging higit sa isandaang libo na lang sa inyo ang natitira. Iyon ang dahilan kung bakit umaasa ako na pwede tayong mag-usap para ayusin ang bagay na'to!" "Master Wallman, mula sila sa inabandonang mundo. Paano nagawang magsabi ng ganyan?"Nagalit ang mga tao mula sa Bloodshed Clan. Hindi nila maintindihan kung ano ang iniisip ni Josh. Kahit na unti-unti nang nakalimutan ng lahat ang tungkol sa mga tao mula sa inabandonang mundo dahil napakatagal nilang wala rito, sa dami ng taong pumasok nang sabay-sabay, hindi ba dapat silang mag-imbestiga pa bilang isa sa mga pwersa ng Alliance Guard?Kung ganun, hindi ba namatay lang para sa wala ang master nila at
"Haha. Kung ganun, wala nang ibang paraan. Hindi kami sasama sa'yo. Kahit na sumama pa kaming lahat sa'yo, hindi ko isusugal ang buhay ng lahat!" Tumawa si Fane. "Lalo na't sa simula pa lang ay tutol ang Alliance Guard niyo sa'min. Kapag sinundan ka namin at atakihin kami ng ilang malalaking clan, wala kaming paraan para lumaban!" "Tama ka, Brother Fane. Hindi tayo dapat maniwala sa mga salita nila!" Sinara rin ni Austin ang kamao niya at tinitigan nang masama ang mga tao sa harapan niya. "Papayuhan ko kayo na umalis, Clan Master Wallman. Kung hindi, kapag nilabanan ka namin, magdurusa ang mga miyembro ng clan mo! Lalo na't marami kami!" "Ah. Kung ganun, wala akong magagawa. Mukhang papatayin ko na ang kayo ngayon!" Bumuntong-hininga si Josh at nagsabing, "Wag mo kong takutin, First Fortress Master. Marami kang tao, pero kanina pa sila nakikipaglaban sa Bloodshed Clan. Malamang marami sa kanila ay kakaunti na lang ang natitirang Chi sa katawan nila. Ano naman kung marami kang
Hindi nagtagal, lumapit ang grupo ng mga tao sa kanila Fane. “Hindi tama ito. Bakit may mga tao mula sa Hall of Divine Royal? At mukhang mayroon ring mga taong mula sa Pavilion of Skies!”Tiningnan ito nang maigi ng isang lalaking mula sa Woods family, at gulat nitong sinabi, “Diyos Ko. Master, tingnan mo. Talagang kasama nila ang Lance na ‘yun, at ang babae sa tabi niya ay kamukha ni Lily!”“Lily!”Sumama ang mukha ni Nash nang marinig niya ito. Napakasama ng babaeng ito. Naging mag-asawa sila noon, ngunit matagal nang kalaban ang tingin niya dito at gusto niyang mamatay na ito.Noong una, nang makita niyang pumapasok sa lugar na ito si Joel, naisip niyang siguradong nakapasok na rin si Lily. Ngunit hindi niya nakita ito. Higit pa rito, dahil nasira na ang cultivation level nito noon, imposibleng maging mataas ang cultivation level nito ngayon. Inakala niya na kapag pumasok ito. Siguradong mamamatay ito sa kagubatan, kaya hindi niya talaga ito inasahan.Hindi niya inakalang g
“Master, Brother Randall, mabuti ito. Sa wakas ay nahanap ka na rin namin!”Kaagad na masayang lumapit ang mga kabataan ng Lancaster family nang makita nila sila Shelby.“Mabuti ito, Master. Buti naman…” Lumapit rin ang dalawang kabataan ng Ximenes family, sobrang saya.Si Lance lamang ng Woods family ang nanatili sa kanyang pwesto nang makita niya sila Nash at ang ibang miyembro ng Woods family. Wala siyang balak na lumapit.“Mabuti ito, Lance. Buhay ka pa! Buti naman at buhay ka pa!” Nasabik si Nash nang makita niyang buhay pa si Lance. Higit sa lahat, noon pa man ay magaling na sa lahat si Lance, at anak niya ito. Kung hindi, hindi siya magpapadala ng mga tao para hanapin ang anak niya sa loob ng matagal na panahon.Kinailangan niyang tanggapin ang katotohanang patay na si Lance pagkatapos niyang hindi makatanggap ng balita tungkol kay Lance sa loob ng mahabang panahon. Ngunit umaasa pa rin siyang buhay pa si Lance.“Tama. Buhay pa ako. Syempre buhay pa ako. Imposibleng ba
“Huwag ka nang magsalita, Mama!”Lumingon si Lance para titigan nang masama si Lily. “Isantabi na lang natin ang lahat ng nangyari. Wala na akong balak na maging master ng Woods family. Sapat nang nakita ko kayo, at umaasa akong maisasantabi niyo ang anumang hindi niyo pagkakaunawaan ni Papa. Huwag na kayong magtanim ng galit sa isa’t isa, kahit na ituring niyo pa ang dalawa na parang hindi magkakilala!” “Ikaw…” Nagalit nang husto si Lily, ngunit kaagad siyang tumango. “Ayos lang naman na sa akin. Masaya na akong buhay ka at nakikita kita!” Hindi inakala ni Nash na magiging ganitong maunawain si Nash. Matagal na siyang nag-aalalang baka kamuhian siya ni Lance. Nang marinig niya ang sinabi ni Lance, sinabi niya nang mukhang magaan ang loob, “Tama. Kalimutan na natin ang nakaraan. Ayos lang basta hindi mo ako kamuhian, Lance. Kahit na maging estranghero na lang ako para sa nanay mo mula ngayon, anak pa rin kita!” “Mmhmm!”Tumango si Lance, tapos nginitian niya si Fane at inabot
Kumirot nang bahagya ang sulok ng bibig ni Josh sa mga salitang ito.Hindi siya tanga. Alam niyang hindi nila basta iaabot sa kanya ang mga taong iyon. Subalit, bilang isang taong mula sa Alliance Guard, kailangan niya ring sabihin ito. Kung hindi, hindi niya maipapaliwanag nang maayos ang lahat pagbalik niya. Kaya gusto niyang ipakita ang kapangyarihan niya.Pagkatapos niya itong pag-isipan, sinabi niya, “Sige, Tomas. Sigurado kang hindi mo sila iaabot? Seryoso ka bang hindi ka natatakot na baka magkaroon ng malaking digmaan sa pagitan ng dalawang panig? Ikaw ang magiging pangunahing salarin nito kung ganoon!” Ngumiti lamang si Tomas. “Haha. Saka na namin aalalahanin ‘yan kapag nangyari na. Kahit anong mangyari, hindi namin sila iaabot sa’yo ngayon. Kung matapang ka, pwede kang lumapit at agawin sila. Tingnan mo kung mapapatay mo sila habang nandito ako.” Pagkatapos itong sabihin, nag-isip sandali si Tomas bago sabihin sa isang lalaki, “Master Wallman, tingin ko mas mabuting tap
“Hay! Sa wakas nakaalis na sila! Buti na lang sakto ang dating nito, Master Tomas!” Pag-alis nila Josh, ang First Fortress Master ng Nine Armies—Si Austin Drago—ay nakahinga nang maluwag. Bago makarating ang Pavilion of Billow Cloud, talagang natataranta siya, natatakot na kung talagang kailangan nilang labanan ang Sword King Clan, hindi nila ito matatalo. “Hahaha! Hindi ko inakalang mapapahirapan mo nang husto ang Bloodshed Clan na ‘yun! Tapos na ang Bloodshed Clan ngayon. Wala nang Bloodshed Clan! Hmm… ang Bloodshed Clan ang pinakamalapit na Alliance Guard sa inyo at madalas silang nagpupunta sa gubat na ito para sa mga kayamanan. Ngayong wala na sila, wala nang mga taong makikipaglaban sa inyo para sa mga sangkap!” Tumawa nang malakas si Tomas at idinagdag, “Mas magiging madali ang pag-unlad at pagpapalaki ng Nine Armies!” Gayunpaman, kumunot ang noo ni Austin nang marinig niya ito. “Totoong malaki ang nawala sa Bloodshed Clan. Pero, masyadong maraming taong mula sa abando