Share

APATNAPU-ISA

Tanghali na ako nagising at wala na rin sa higaan si Aling Mirna.

Inayos ko na ang higaan ko at naligo. Hahanapin ko pa kasi si Fina dahil hindi ito nagpakita sa amin simula kagabi.

Lumabas na ako ng kubo pagkatapos kong mag-ayos. Isinuot ko na din ang damit na ipinahiram ni Aling Mirna kagabi.

Ang mga taong nakakasalubong ko ay halo-halo na naman ang mga ekspresyon sa kanilang mga mukha. Mayroong nakangiti sa akin at mayroon din iba ang tingin sa akin.

Hindi pa ako nakakalayo sa kubo ng maramdaman kong may kung anong bagay ang bumaon sa aking braso. Agad ko itong hinawakan at ramdam ko ang init ng sarili kong dugo. Isang babae ang nagtungo sa harap ko at may hawak itong maliit na kutsilyo.

“Tagapagtanggol? Ikaw ba ang pinag-uusapan nila na di umano magpapalaya sa Poblacion?”saad nito at nagtawanan ang ibang taong pabor sa babae.

“Celeste, huwag mo namang pagdiskitahan ang babae.”saad ng Isang Ale at sumang-ayon ang iba.

“Tumahimik kayo! Akala niyo ba hindi ko malalaman na mayro
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status