Share

Chapter 7-Santo Paspasan

Chapter 7

Dark POV

Napamura ako sa aking sarili dahil dine-deadma lamang ang aking ginawa, first time ko ito ginawa ang mga ganito. Halos ang mga babae ang gumagawa ng paraan upang mapansin lamang ako.

'Mukhang hindi yata tumatalad ang aking kagisigan sa dalaga, kanina ko pa ito tinitignan ngunit kahit isang sulyap ay wala. Kailangan ko talagang mag paturo sa mga tauhan ko kung paano mang-akit ng isang babae,' sabi ko sa sarili habang tumitingin sa babae.

Nasa malalim ako sa pag-iisip kung ano ang aking gagawin ipang mapansin nya ako ng biglang may nagsalita dahilan upang napamura muli ako sa aking isipan.

"Boss, mukhang waley ang iyong strategy, kindatan mo kaya upang mapansin ka," sabi ng isang tauhan ko.

"Oo nga Boss, ganoon kasi ang ginagawa namin sa mga chicks upang mapansin," mahinang sabi pa nang isa.

"Sabayang mo din nag kaunting smile Boss," sul-sol pa sa isa kung tauhan.

"Ako ba ay pinag luluko nyo?" pa-galit kung sabi sa tatlo kung tauhan na kina tahimik nila.

"Boss Dark, ang maipapayo ko ay bawasan mo ang pagka bugnutin mo, ngumiti ka kahit ngayon lang upang mapansin ka ng iyong iniirog," sabi sa isang tauhan nya na pinsan din nya kaya lakas loob itong pagsabihan ako.

"Tsk! Ako'y inyong titigilan. Baka hindi kita pagbibigyan sa iyong hiling," usal ko sa kanya.

"Ayan na Boss, mukhang aalis na yata ang kaibigan nya, bakit hindi mo puntahan at magpakilala dito," suggestion sabi sa isa ko pang tauhan.

Sa kanilang lima ay ito lang ang nakapagbigay nang tamang idea.

"Good idea," sabi ko dito.

Tatayo na sana ako ng aksidenteng napa tingin ito sa akin at nag tama ang aming mga mata. Dahil sa aking pagkataranta ay kinindatan ko ito sabay ngiti ngunit mukhang natakot yata ang babae sa aking ginawa dahil nang mamadali itong umalis at pumunta sa maliit nitong opisina. Dahilan upang mapa mura ko ng narinig ko ang mga tawa sa kabilang linya.

"Pag kayo'y hindi titigil sa kakatawa babaril ko kayo," sabi ko sa mga ito.

"Kuya Dark payo bilang pinsan mo, bakit hindi mo na lang daanin sa Santong Paspasan. Upang di na maka wala," sabi sa kanyang pinsan.

'Oo nga ano? Bakit ko hindi ito naisip kanina,' sabi ko sa aking isipan. Upang hindi makahalata ay dinadaan ko nito sa pagalit na boses.

"Wag mo akong turuan Ara baka sumbong kita sa mga magulo mo kung anu-ano ang iyong ginagawa sa buhay," pag babanta ko sa aking pinsan.

"Eh yun naman ay mungkahi ko, sige na bye na, at isa pa pala, yung ngiti mo ang pangit kaya siguro natakot sayo ang iniirog mo," sabi nito saka nawala sa kabilang linya.

Wala akong nagawa kaya umalis na lang ako at pumunta sa aking sasakyan upang mag-isip kung anong susunod kung hakbang. Hanggang pumasok ang mungkahi ni Ara sa akin kaya napa-upo ako ng maayos.

'Sandali bakit hindi, isa pa may anak na sila. Hindi naman siguro masama ang aking gagawin. Tama kailangan bukas ay maging akin na ito upang maging mag-asawa na kami," sabi ko sa aking isipan habang may. ngiti nakapaskil sa aking labi.

Kaya agad akong umuwi muna sa mansyon upang maisagawa ko na ang mga dapat kung gawin.

__________________________________

Kinabukasan ay maaga akong nagising at dala ang aking gamit na kailangan. Habang nasa biyahe sila ay napangiti ako namalawak. Kaya napa singhap ang aking driver at isang buddyguard ko sa kanilang nakita.

"Anong tingin tingin nyo, sa daan ang mata hindi sa akin! " sabi ko dito.

"Pasensya na Boss," hinging paumanhin sa tauhan ko.

"Saan po tayo Boss?" tanong sa akin ng isa kung tauhan.

"Kung saan ako nag mula kahapon," sabi ko agad dito. Dahilan upang magtinginan silang dalawa.

"Okay Boss?" sagot sa isa kung tauhan.

Hindi nag tagal ay agad rin kami dumating na sa restaurant. Buti na lang at wala pang customers. Kaya mas pabor ito sa aking gagawin.

"Good morning sir," tanging tango ang sagot ko sa guard.

"Andito ako upang maka-usap ko ang iyong Amo," sabi ko dito.

"I'm sorry sir, wala pa po ang amo namin. Sandali at tatawagan po namin," sabi nito na nagmamadali pa.

"Yes please! Importante ang aking kailangan tungkol sa lupang tinitirikan sa restaurant nya," sabi ko dito upang mapilitang pumunta agad dito.

" Ah ganoon na po ba! Sandali at tatawagan ko po," sabi ng babae kaya napa ngiti ako na palihim.

Ilang minuto ay dumating ito mukhang nagmamadali dahil may suklay pa ang buhok nito. Kahit papaano ay hindi maiwasan hindi mapatingin ang ibang kalalakihan sa taglay nitong ganda.

" Good morning Mr.?" tanong nyan sa akin.

"Dark Michael," nilahad ko ang aking kamay. Tinanggal naman nito kaya may pagkakataon ngayon ko lamang nararana parang kung anong kuryenteng dumaloy sa aking kaugatan at bumuhay sa aking natutulog na ahas sa aking pangloob na ikinatigil ko sandali.

Mukhang ganoon rin ang nararamdaman sa babaeng nasa harapan ko dahil bigla nya itong hinila ang kanyang mga kamay. Kaya tumikhim muna ito bago ko tinanong kung ano ang aking pakay sa kanya.

"Hindi na ako mag pa ligoy ligoy , Mr. Dark! Anong ibig sabihin sa lupang pinagtatayuan ko ng restaurant? May problema po ba?" tanong nito sa aking kaya napa ngiti ako.

"Wala naman, nais ko lang papirmahan ang isang dukumento upang maisalin sa iyong pangalan ang lupa," sabi ko dito na may naglalarong ngiti sa labi.

Parang hindi makapaniwala sa kanyang nalaman dahil agad nya ako tinanong.

"Talaga ho? Walang halong biro po ba?" tanong ulit dito kaya kinuha ko ang papilis upang ma-permahan na nito kasabay ang isang blangkong gold na papel.

"Dito ka pumirma," turo ko dito sa babae.

Ngunit nakasalubong lamang ang mga kilay nito ng nakitang walang laman ang isang papel na ipaperma ko dito.

"Sandali lang Mr Dark, wala naman akong nakikitang naka sulat dito?" takang sabi nito saka kinuha ang papil at tiningnan nag mabuti.

"Mayroon yan, hindi lang makikita dahil kailangan pa ng magic word upang makita," baliw kung sabi dito.

"Oh, sige! Dito ba?" tanong sabi nito na kina-ngiti ko ng lihim.

"Oo dyan!" pag sabi ko ay agad nitong pinirmahan na walang dalawang pag iisip.

"Thank you Ms. Magdalena! and welcome sa aking Paraiso," sabi ko dito na kina bigla nito. Saka ko hinalikan ang kanyang kamay na may ngiti sa labi.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status