CHAPTER FOURTY-FIVEGusto niyang kahit wala na si Diane sa kanilang opisina ay mapunan niya kung anuman ang dapat sa dalaga. Hindi niya masisikmurang may pamilyang maghihirap o walang makain. Sana maayos na ang lahat ngayon.Tumayo siya at nilapitan ang mga hinanda niyang mga Project Drawings at specifications kasama ng mga kontrata na i-turn over niya kay Ringgo. Usapan nilang dadaanan iyon nito ngunit isang oras na ang nakakaraan, hindi pa dumadating. Babalik na sana siya sa upuan niya nang may kumatok.Nilingon niya ang noon ay nabuksang pintuan.Si Ringgo ang nakangiting bumungad."Good afternoon, puwede na ba naming makuha ang mga documents?""Yes, you can take it and be sure to give it back before end of this month."Babawiin na sana niya ang tingin niya kay Ringgo nang napako ang tingin niya sa kasunod nitong nakapang-corporate. Ang babaeng iyon ang kanina pa niya gustong makita.Napalunok siya.Hindi siya makapaniwalang naging kagalang-galang at lalong lumabas ang kagandahan n
CHAPTER FOURTY-SIXNagulat si Diane sa narinig niyang iyon. Hindi siya makapaniwalang kaya ni Gerald na sabihin ang SORRY. Hindi siya iyon ngunit buo na ang desisyon niya. Hindi na kaya pang buwagin ng isang sorry lang ang kanyang paninindigan.“Can you still forgive me?”"Wala kang kasalanan para ihingi mo sa akin ng tawad Sir. Totoo naman lahat-lahat ng sinabi mo sa akin. Masyado akong naghangad ng mataas na di ko kayang abutin. Nakalimutan ko kung saan lang dapat ang mga kagaya ko.""Nasabi ko ang lahat nang iyon for you to strive on your studies and be someone that your family be proud of. Ang mali ko lang, nasobrahan ko ang mga nasabi ko pero alam kong matalino ka para gamitin ang lahat ng iyon to challenge you from within. Ngayon, gusto ko lang malaman kung sigurado ka ba sa pinasok mo? Kung wala nang makapagpababago pa sa desisyon mo na maging PA ni Ringgo?""Napag-isipan ko na po lahat, Sir. Para sa pamilya ko, para sa ikaaangat ko, magtatrabaho ako kay Sir Ringgo.""Sana lang
CHAPTER FOURY-SEVEN"Yes Sir. Thank you po.""I want you to try the white dress. Maganda yun na i-pare mo sa red stiletto shoes na binili ko rin. Bukas na ang ang company welcome party sa akin and I want you to be there wearing that white dress and red shoes.""Ho?" Nagulat si Diane sa narinig niyang iyon.Ang mga mahahalagang empleyado lang ang naimbitahan sa party na iyon. Kahit nga mga secretaries ay hindi naimbitahan. Bigla tuloy siyang pinagpawisan."You heard me. This is party is intended to welcome me, kaya may karapatan akong mag-imbita sa mga gustong kong naroon sa party na 'to. After all, you are my Personal Assistant. Wala akong nakikitang mali kung kasama kita doon?""Nakakahiya naman po, Sir.""End of discussion. It doesn't matter kung di ka papayag kasi nakapagdesisyon na ako. You must be there."Kinuha ni Gerald ang folder sa harap ni Ringgo. Nagkunyarian siyang hindi siya nakikinig sa usapan nila. Alam niyang sinasadya ni Ringgo na sabihin iyon sa harapan niya at napa
CHAPTER FOURTY-EIGHT"More! More Jokes!" sigaw ng Daddy niya na noon ay nakaakbay na kay Ringgo. Bagay na hindi ginawa ng Daddy niya sa kanya. Hindi siya gano'n. Mahina siya sa pakikipag-usap at pagbibigay aliw sa mga kaedad ng Daddy niya. Ngunit, itong si Diane, hindi kilala, walang mataas na designation pero siya nga pinalilibutan at pinakikinggan ng lahat."Joe, Mike, Mary and Tom were talking about their dream jobs." pagsisimula muli ni Diane sa isa na namang joke.Ang ikinabilib ni Gerald ay ang straight nitong pagsasalita ng English sa pag-jojoke niya. Mahusay ang pagdadala niya sa kanyang sarili na para bang hindi siya iba sa mga kaharap niya. Sosyal, mukhang dignified and expensive at hindi puwedeng hindi ka makikinig sa lahat ng lumalabas sa kanyang labi. May kung anong magnetong humihila para tapunan siya ng sapat na atensiyon. Huminga siya nang malalim. Ito ba ang Diane na minaliit niya? Ang kakaibang side ni Diane na hindi niya kinilala muna?''I want to be a lawyer,'' Joe
CHAPTER FOURTY-NINE"Oh, anong ginagawa mo dito? Are you following us?" tanong ni Ringgo.Halatang nang-aasar."Why should I? Ikaw lang ba ang may pera para makakain sa ganitong restaurant?""That's not what I meant. Mag-isa kang magdinner? Nakakakaawa ka lang. Baka lalo kang mainggit sa amin niyan?" Pahabol ni Ringgo.Nauna nang naupo si Diane.Ayaw na niyang tapunan pa ng tingin si Gerald.Bakit pa?"Well, enjoy your date." Kibit-balikat na sagot ni Gerald. Wala siyang balak patulan ang pasaring ni Ringgo.Umupo si Ringgo sa harap ni Diane.Nakangiti.Mukhang panalong-panalo na sa laro niya laban kay Gerald."Ano sa tingin mong ginagawa niya dito? Hurting himself? Di ba, nakakaawa lang siya?" bulong ni Ringgo."Baka naman kasi kakain lang.""No Diane, I think he is here spying us.""With those boquet of flowers in front of him?”“Iyon rin ang ipinagtataka ko. But I am sure, he is indeed hurting.”“Why?""He likes you! I know, he likes you. Ayaw lang niya'n umamin."Sasagot palang sa
CHAPTER FIFTY"Diane, okey lang?" tanong ni Ringgo. Nakita niya kasi ang biglang pananahimik nito. "Look, I don't wanna oblige you. Just tell me the truth. I surely understand kahit ano ang desisyon mo. Kaya ko namang maghintay.""Bahala na nga." Naisip ni Diane. Ang nagtutulak sa kanya para gawin iyon ay ang makita si Gerald na mukhang masaya at kuntento na sa kambal ng matalik niyang kaibigan. Ayaw niya yung pakiramdam na para bang mas masaya pa yung taong nag-reject sa kanya, na hanggang ngayon, natatalo pa rin siya ni Gerald."Yes." Tumitig siya kay Ringgo nang inihayag niya iyon."Yes? Anong ibig mong sabihin?" Pinigilan muna ni Ringgo ang sariling sumabog sa saya."Yes Ringgo. I think it's time na hindi na lang "ako" ngayon ang iisipin ko kundi "tayo" na.""Tayo na? Oh my God! Mahal mo na rin ako? Ibig sabihin sinasagot mo na ako?" Malakas na sinabi iyon ni Ringgo.Napalingon pa ang isang babae sa di kalayuan at higit sa lahat ay sina Britney at Gerald.Tumayo pa si Ringgo at ni
CHAPTER FIFTY-ONEMaagang nagising si Gerald sa araw na iyon. Kailangan niya munang dumaan sa gym bago sunduin si Britney at ihatid ito sa kanilang campus kung saan din siya noon nagtapos ng pag-aaral. Maraming mga masasayang sandali ang University na iyon sa kanya ngunit matagal na niya iyong ibinaon sa limot. Hindi na kasi kailangan pang balikan pa niya ng nakaraan.Nagsabi siya kay Britney na siya na lang ang maghahatid at magsusundo kaya huwag na niyang gamitin pa ang sasakyan nito. Mabuti at napapayag niya ang kakambal nitong si Sackey na mahimik. Kailangang pulido ang plano. Hindi siya kailangang magkamali. Kagabi, matagal siyang dinalaw ng antok lalo pa't alam niyang sinagot na ni Diane si Ringgo ngunit alam niyang lalabas at lalabas din kung ano ang totoo. Masakit sa kanya iyon ngunit alam niya kasing darating din sa ganoong pagkakataon. Inunahan lang niya kaya nagawa niyang kontrolin ang emosyon. Hindi pa tapos ang laban. Kung hindi niya magawang ilayo si Diane sa mundo nila
CHAPTER 52Pagkatapos ni Diane na sagutan ang exam nila ay ipinasa na niya ang papel. Nakita niyang abala pa si Sackey. Gusto niyang kausapin ang kaibigan ngunit hindi naman niya alam ang kanyang sasabihin. Paano ba niya sisimulan ang pakikipag-usap? Sa anong dahilan at kailangan niya pa itong kausapin e kambal naman niya ito ang kasangkot at hindi siya mismo?Idinaan na muna niya ang kanyang mga hiniram na books sa library. Naglalakad na siya papunta ng gate nang tumunog ang kanyang cellphone.Si Ringgo ang tumatawag.Bakit hindi siya excited na sagutin iyon?"Don't push yourself Diane, matutunan mo rin siyang mahalin. Just give him a chance to prove himself at darating din yung tamang panahon na maramdaman mong mahal mo na rin siya," bulong niya sa sarili."Hello, Babe!" Masaya ang boses ni Ringgo."Hello po." Pilit niyang pinasaya ang boses."Nasa'n ka?""School pa po. Why?""Are you done there? Puwede na ba kitang daanan?"Nag-isip siya. Gusto niyang umuwi na at magpahinga. Wala s