Share

ONE-NIGHT STAND WITH A THOUSAND MISTAKES
ONE-NIGHT STAND WITH A THOUSAND MISTAKES
Author: Zhyllous

SIMULA

Tanginang lalaking iyun pinagpalit ako sa babaeng malaki ang dibdib? napatingin ako sa sarili ko. Kahit maliit to kaya kong paligayahin ang lalaki.

Inis kong kinuha ang susi sa sasakyan ko para pumunta sa bar. Hindi ako nasasaktan, naiinis lang ako dahil kaya niya akong ipaglit sa babaeng dibdib lang ang panglaban. Ayaw niya sa akin? kagandahan ang dala.

Tsk!

Maraming nag chat sa akin noong naghihiwalay kami, puro mukhang babaero. Okay na rin iyun, pinagtitiisan ko lang naman ang mukha ng gagong iyun.

Nakarating ako sa bar, tumawag ang kaibigan kong daig pa ang angel sa kabaitan. Magkaiba kami ng ugali kaya hindi ko madala ito sa ganitong lugar. Ayaw ko rin siyang dalhin, makapatay ako ng lalaki pag may lalapit sa kanya o mahawakan man lang ang kamay niya.

Hindi muna ako lumabas sa sasakyan at sinagot muna ang tawag niya. Maingay na sa loob kong doon ko pa siya sasagutin.

"Oh?"

"[Hinanap ka ng boyfriend mo,]" mahinhin nitong balita sa akin. Napairap ako sa kawalan.

"Ex boyfriend." Napasinghap siya.

"[Anong nangyari? okay ka lang ba?]" nag-alala nitong tanong.

"Yuck! paano ako hindi maging okay sa lalaking iyun!" hindi makapaniwalang sabi ko sa kanya. Hindi pa ito sanay sa akin? Narinig ko ang halakhak niya sa kabilang linya.

"[May panahon ring magbago ka Lay, hindi pa siguro ngayon,]" mahinahong sabi nito. Ngumisi ako sa sinabi niya.

"Hindi mo na ako pipiliting seryosohin ang boyfriend ko?" nakangising tanong ko kahit hindi niya ako makita. Narinig kong bumugtong hininga siya sa kabila kaya natawa ako. Mas problemado pa siya sa buhay na pinasok ko. Palagi niya akong sinabihang subukan kong seryosohin ang boyfriend ko, so ginawa ko naman para naman, pero anong nangyari? pinagpalit lang ako, tss.

"[Whatever Lay. Btw nasaan ka ngayon?]" tanong niya.

"Secret. Papatayin ko na ang tawag ioff ko yung cellphone ko."

"[What!? nasa bar ka?]" Kilala na talaga ako sa babaeng to, basta off yung cellphone ko nasa bar ako. Ayoko ng istorbo sa pamumuhay.

"Yeah," maangas kong sagot.

"[Baka malasing ka Lay, gusto mong puntahan kita?]" nag-alalang tanong nito. Kaya minsan hindi ko sasabihin sa kanya ang lakad ko, lalo na sa ganito kasi mag-alala lang siya. Daig pa ang nanay ko sa pag-alala. Tsaka na sa kinabukasan ikwento ko sa kanya. Ngayon sinabi ko kasi tinanong niya ako, ayaw ko namang magsinungaling sa kanya.

"Argh! hindi ako makakainom pag nandito ka!" reklamo ko. Narinig kong humahalakhak siya.

"[Fine, basta mangako kang mag ingat ka.]" Ngumisi ako sa sinabi niya.

"Nag-iingat ako Ven, kaya nga hanggang ngayong virgin pa ako," nakakalokong sabi ko.

"[Layviel Fhie Cruz!]" sigaw niya sa buong pangalan ko. Malakas akong tumawa sa kanyang reaction. "[Hindi ka pa nakainom pero parang lasing kana! ibaba ko na!]" inis niyang sabi at pinatay na nga ang tawag. Ayaw niyang makarinig ng mga malaswa. Conservative rin kaya ganun ang reaction niya.

Hinayaan ko na siya at lumabas na sa sasakyan. Finally back! sa sobrang pilit kong seneryoso ang ex boyfriend kong pangit, ngayon lang ako nakabalik dito.

Pumasok agad ako. Nakilala ako ng guard kaya agad itong ngumisi sa akin kaya ngumisi ako pabalik.

"Ngayon lang kita nakita ulit ma'am!" sabi nito sabay hampas sa pwet ko. Napataas ako ng kilay sa ginawa niya pero ngumisi rin agad at kinindatan siya.

Btch! may asawa ka na.

Agad akong dumeritso sa harap ng bartender at sinabi sa kanya ang gusto. Nakabukas ang pulo niya kaya kitang kita ko ang kanyang abs kaya napatitig ako ng ilang sandali doon bago nag-angat ng tingin sa kanyang mukha ang ngumisi.

"Nice," puri ko at kinindatan siya. Ininom ko ang kanyang binigay. Ito ang alak na mabilis akong matamaan. Gusto kong malasing agad.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status