“Kumusta ka na, Gretel? Angtagal na nating hindi nagkita. Hindi mo ba ako na-miss?” Maraming beses ng nakakatanggap ng mga anonymous message ang babae ngunit hindi niya ito pinapansin.“May sorpresa ako sa iyo! SURPRISE!” Ilang minuto lang ay nagkaroon na ng alarma ng sunog.Nagsagawa ng arson investigation sa GK-Clinic. Lahat ay nasimula sa bodega ng mga basura. Imposibleng magkaroon ng short circuit or any faulty wiring dahil kagagawa lang nito. Besides, mahigpit si Don Ador at mga kalidad na inhenyero ang kanyang inupahan upang masigurong maiiwasan ang ganitong mga klase ng problema sa hinaharap.Walang makita sa CCTV ng mismong building na iyon kaya humingi ng tulong ang mga pulis sa mga katabing building na mayroong CCTV para sa mga footages sa pagitan ng oras na naganap ang sunog. Mabilis na pinakilos ang mga imbestigador upang malutas kaagad ang kaso.Wala namang taong kahina-hinala ng araw na iyon. Tiningnan isa-isa ang attendance nila ngunit may absent pala. Iyon ang kanilang
Tahimik na ang sitwasyon ng dumating si Clementine. Naka-lock ang pinto ng opisina ni Anton at walang nakapasok sa loob kahit anong katok nito.“May nangyari ba kanina?” Nakatalikod ang boss’ chair ni Anton at makalat sa loob. Nagkibit-balikat lang ang staff.Busy ito sa kanyang ginagawa. Hindi rin sila naglalakas ng loob na sabihin nito ang nangyari kanina dahil alam sa buong department na may gusto siya sa boss nila. Wala siyang narinig na alingasngas. Kahit si Margaux ay busy sa kanyang ginagawa ng silipin niya ito.Maagang umalis si Anton at hindi man lang niya ito nakausap. Nadatnan niyang konti pa lang ang tao sa club ng oras na iyon. Kenny G ang musikang pumailanlang sa buong lugar.Pag-upo niya ay inabutan siya kaagad ng bartender ng martini. Tinungga niya kaagad ang laman ng shotglass. Nakailang inom ay niluwagan na niya ang kanyang necktie. Napailing siya sa tuwing maaalala ang pagsugod ni Gretchen.“Anglakas ng loob! Ako pa ang susugurin na parang ako ang may kasalanan!” Na
Isa pang hindi inaasahang bisita ang pumasok sa loob kasama ang ilang mga alalay nito. Nahintakutan ang lahat dahil pakiramdam nila ay may giyerang magaganap.“SINO DITO SA MR. ANTHONY ENRIQUEZ?” tanong ng matanda. May tungkod na ito ngunit buo ang boses at hindi halata ang katandaan sa kanyang boses. Maginoo ngunit astig ang dating.“Tatawagin ko lang po.” Mabilis itong pumasok at sinundan ang lalaki sa loob ng opisina ni Anton.Tumayo kaagad si Anton at sinalubong ang matanda. Iniabot nito ang kanyang kamay ngunit hinawi ito gamit ang tungkod. Inilapit ang kanyang mukha nang malapitan.“Hmmm, ikaw si Anton.” Sinipat-sipat niya ang lalaki. Inikutan niya ito at tiningnan mula ulo hanggang paa kahit paika-ika na itong maglakad habang nakatungkod.“Kilala mo ba ako?”“Yes, Sir. Kayo po ang may – ari ng buong building na ito.” Tumango-tango ang matandang don.“Good! But there is one thing I want to warn you about.” Nakinig mabuti ang binata.Si Mr. Esteban ang may-ari ng Skycraper Tower.
A month ago, “I’ll come home, Mama.” Ngunit si Gretchen ang nasorpresa. Pumasok ang sasakyang sumundo sa kanya mula sa airport at pumasok sa isang magara at kilalang subdivision. Nanlaki ang mga mata niya ng makita ang Baker’s Mansion.Taas – noo ang tatlong babaeng nasa harapan niya. Nakapameywang pa si Angelica. Nakahalukipkip pa si Angela at si Angel naman ay kukurap-kurap pa ang mga mata habang inaayos ang kanyang salamin upang makitang mabuti ang babaeng nasa harapan niya.Mahigpit siyang niyakap ni Gretel. Masaya niya itong sinalubong at binati. Humarap siya sa mga babae.“Girls, this is Gretchen. You’re Ate Gretchen.”And her life was turn upside down simula ng araw na iyon.Sabado ng umaga.“Gretchen!” malakas na sigaw ni Angelica mula sa kanyang kuwarto. “Nasaan na ang false eyelashes ko?” Halos himatayin si Gretchen pagpasok sa loob ng kanyang kuwarto. Kalilinis lang niya sa loob nito ngunit para na namang dinaanan ng ipu-ipo.“Gretchen, where are you?” malumanay ngunit nak
Walang ganang bumangon si Gretchen ng umagang iyon dahil sa nangyari sa pagitan nilang magkakapatid. Sinusunod lang niya ang sinasabi ng in ana siputin ang mga blind dates niya. “Anong nangyari sa date mo kay Philip? Sabi ni Angelo, pogi raw siya. Matangkad na lalaki at nakapagtapos sa Harvard. He majored in Economics.”“Mama, I am not interested in any of them.”“Kailan mo balak mag-asawa?”“Kailan ninyo balak umalis sa impiyernong ito?” Nakatikim din siya ng sampal sa ina.“Hindi mo kailangang tawaging impiyerno ang bahay na ito.”“Then, tell me… bakit po kayo nandito? Bakit ninyo pinagtitiyagaan si Tito Angelo? Mahal mo ba siya? Sino ba siya sa buhay ninyo? Sabihin ninyo sa akin ngayon, para maintindihan ko!” Hindi na nakatiis si Gretchen. Pasigaw niyang tanong sa ina.“This is not the right time, Iha!”“Tinitiis ko po ang lahat kahit apihin nila ako at magmukha akong basahan basta’t makasama ko lang po kayo.”Tinakasan ni Gretchen ang marangyang buhay sa kanyang lolo makasama lan
Tuwing magkakaharap-harap sila sa hapag-kainan, nagiging focus na siya ng atensyon. Maging ang kanyang ama-amahan ay nagpapakita ng concern.“Anong plano mo, Gretchen? Kailan mo balak ipakilala ang boyfriend mo dito? Baka naman sa labas ka na nagpapaligaw at sa mga eskinita ka na lang dalhin ng mga iyan,” panghuhusgang sabi ni Angelo. Lalo siyang pinagtawanan ng mga kapatid. “Mas masahol ka pa sa prostitute niyan, Sister. Kahit saan ka na lang abutan ng kalibugan doon ka na lang titihaya,” malakas ang loob na dagdag pa ni Angelica. “Hindi naman po kasi ako masyadong nagmamadali, Tito Angelo. Marami pa po akong gustong gawin sa buhay. Gusto ko pa pong makasama si Mama. Matagal din po kasi kaming nagkalayo.”“Yeah, marami ka pang gagawin dito sa mansion. That’s what you deserved. Gagamitin mo pa si Mama. Nagsisisi ka na ba kumbakit hindi ka nag-aral sa America? Sinayang mo lang ang magandang pagkakataon sa America. Kung ako ‘yan, mag-aasawa ako ng Kano,” tugon naman ni Angela.“Don’t
Kinabukasan ay namumugto ang mata ni Gretchen at kinatkatan siya ng sermon dahil sa pagtakas nito. Hiyang hiya daw ang kanyang tito dahil sa nangyari.“Bakit po kasi ninyo ako pinipilit na makipag-date sa kung kani-kanino? Hindi ko po planong mag-asawa ng mayaman.”Malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ni Gretchen na halos ikayanig ng kanyang buong katawan. Galit na galit si Angelo. “Angelo, ano ba?”“Alam mo bang ipinahiya ako ng anak mo? Tinakasan niya ako kagabi. Nakakahiya kay Mr. Cheng.”“Gretchen!”“Mama, listen to me. Hindi ko pa naman po balak mag-asawa, Mama. At saka, Mama…” Tinitigan ng masama ni Gretchen ang lalaki. Humagulgol ito. Nanginginig siya sa takot ngunit lakas-loob niyang sinabi ang nangyari ng nagdaang gabi.“What?”“Mama, pinasok ako kagabi ni Tito Angelo sa kuwarto ko. Mama, are you listening to me?” Hindi halos makakilos si Gretel sa kanyang kinatatayuan. “Uy, Gretchen, maghinay-hinay ka sa mga salita mo. Sinungaling ka!” Sinampal muli ni Angelo si Gretchen
Samantala, naging abala si Anton sa stag party na inihanda ng kanyang mga kaibigan. Dalawang araw na lang ay ikakasal na siya. Masayang masaya siya sa desisyon na iyon. Sa dinami-rami ng kanyang naging girlfriend, he found the one atlast.Ngunit para sa malapit niyang kaibigan na si Aldwin ay nakahanap daw siya ng katapat sa kapipili ng kapipili ng babae na papasa sa kanyang standard. Sa sobrang ganda ng kanyang girlfriend ay nagmumukha siyang alalay nito. Nagiging sunud-sunuran siya sa mga kagustuhan nito ngunit nilunok ni Anton ang kanyang pride.“Mahal na mahal ko kasi siya, Pare.” “Siguradong-sigurado ka na ba talaga sa kanya?” Tumango si Anton. He fell in- love at first sight with Pauline. Sa kanya niya nakita ang kanyang forever. Matagal kasing na-confine si Anton ng maaksidente siya sa drag racing. Malapit na sana siya sa finish line ng magloko ang kanyang makina at hindi na niya makontrol ang kanyang minamanehong sports car. Si Pauline ang nagtiyagang nag-alaga sa kanya ha