" Ano? Magkasama kayo ni Sir Joaquin? " Inilayo ko nang bahagya sa tainga ko ang cellphone ko dahil sa lakas ng boses ni Jana mula sa kabialng linya. " Anong...paanong nangyari 'yon? Okay na kayo? Bakit ang bilis naman ng pagkakaayos niyo? " " Jana, kalma, okay? Hayaan mo muna akong magsalita, " saad ko habang pinagmasdan ang dalampasigan kung saan naliligo ang mag-ama. Nasa pinaka-ibabaw lang sila kung saan hanggang tuhod lang ni Joaquin ang taas ng tubig, habang si Phoebe naman ay kailangan ng masasakyang salbabida upang lumutang siya. " Paano ko magagawang kumalma, ginulat mo ako sa binalita mo?! " ani Jana, " So kaya pala absent ngayon si Sir Joaquin, ha? Alam mo bang nagpunta dito kanina 'yong assistant ni Sir Nicolas? Hinahanap si Sir Joaquin, pero hindi naman namin alam ang isasagot dahil wala naman kahit na sino saamin ang may alam kung bakit hindi siya ngayon pumasok. Mabuti na lang tumawag ka, at least ngayon, alam ko na. Dapat na ba kaming mag expect ng baby number two?
Napabuga ako sa hangin matapos kong ibalik sa client ko ang down payment niya dahil hindi ko nagawang tapusin 'yong ipinagawa niya. Alam kong disappointed siya saakin dahil sa halos isang taon naming magka-trabaho, ngayon lang ako pumalpak ng ganito. Ni wala akong dalang laptop, paano ko matatapos 'yong task na 'yon? Hindi rin stable ang internet connection dito sa lugar kaya alas kuwatro y medya nang hapon na ako nakasagot sa email ng client ko na dapat maaga pa lang ay nasabihan ko na siya. Nakakahiya. " Bakit ganiyan ang hitsura mo? " mula sa pagkakaupo sa sopa, napaangat ang tingin ko nang marinig ang boses ni Joaquin. Hawak niya sa kamay si Phoebe na may iniinom na buko shake. Mabuti pa sila, nagagawang mag chill, samantalang ako, problemado sa nangyari. " Wala, tungkol lang sa trabaho, " sagot ko saka ibinaba ang cellphone ko sa gilid para tawagin si Phoebe na binitawan ang kamay ng ama niya para lumapit saakin. " Huwag ka na mag trabaho. " Bahagyang bumilog ang mata ko s
Nagising ako bandang alas siyete ng umaga. Wala na si Phoebe sa kama kaya bumangon agad ako at lumabas ng kuwarto. Walang tao sa salas at nang sumilip ako sa dining area, may pagkain ng nakalatag sa mesa at isang baso ng gatas na mainit-init pa nang hawakan ko ito. Lumakad ako patungo sa balkonahe at nakita ko agad sa 'di kalayuan sina Joaquin at Phoebe na naglalakad-lakad sa dalampasigan. Saktong lumingon sa gawi ko si Phoebe, kinawayan ako at sumenyas na lumabas para puntahan sila. Umalis ako sa balkonahe at huminto saglit sa mesa para inumin 'yong gatas bago ako tuluyang lumabas ng cottage at puntahan sila. " Mama! " Patakbo akong nilapitan ni Phoebe para yumakap sa binti ko. Tumalungko ako sa harap niya para magpantay ang tingin naming dalawa. " Good morning, baby. Mukhang maganda ang gising mo, ah? " saad ko dahil ngiting-ngiti siya ngayon na para bang bago ako makarating sa puwesto nila ay may maganda silang pinag-uusapang mag-ama. Inangat ko ang tingin kay Joaquin, balak ko
" Happy birthday, Phoebe! " Sabay-sabay naming bati kasabay ng paghipan ni Phoebe sa candle na nasa ibabaw ng cake niya. Nagpalakpakan ang lahat, ganoon rin si Phoebe na mababakas ang kaligayahan sa mukha. Ibinaba ko ang cake sa mesa kasama ng mag regalong natanggap ni Phoebe mula sa mga bisita. " Baby, palitan muna kita ng damit, ah? " Kinuha ko siya mula kay Joaquin. " Ikaw muna bahala sa mga bisita. Saglit lang kami." Tumango si Joaquin at kinuha ang mikropono para muling kuhanin ang atensyon ng mga bisita. Wala kaming kinuhang mga tao para mag organize ng birthday party ni Phoebe. Kami mismo ni Joaquin ang nag asikaso ng lahat mula sa mga dekorasyon at sa mga pagkain. Kami rin dalawa ang nag emcee na hindi na rin mahirap gawin dahil sa prospesyon namin. Akala ko nga nong una, hindi niya ako sasang-ayunan tungkol sa simpleng handaan kung saan kami lang dalawa ang mag-aasikaso ng lahat, pero nagkamali ako dahil sa aming dalawa, siya ang tutok na tutok sa pag-aasikaso dito. " Hap
Ilang beses akong nagpabaling-baling ng higa sa kama para hanapin ang puwesto ko pero kahit na anong gawin ko, hindi ko pa rin magawang makatulog. Ayaw akong dalawin ng antok kahit na anong pikit ko dahil patuloy akong binubulabog ng mga nalaman ko. Maingat akong bumangon sa kama at binuksan ang lampshade na nakapatong sa lamesitang na sa gilid ko. Nilingon ko si Joaquin, nakatalikod siya ng higa mula saakin. Paano niya nagawang makatulog agad matapos ikuwento saakin ang lahat? Hindi ako mapakali. Pakiramdam ko, mayroon akong kailangang gawin para tulungan siyng buhatin ang bagay na pilit pinabubuhat sa kaniya. Kinuha ko ang cellphone ko na nakapatong sa lamesitang nasa gilid ko. Sumandal ako sa headboard ng kama dahil kailangan kong mag research tungkol sa sitwasyon ni Dawn. Obsessive love disorder. Isang psychological condition na kung saan ang taong nakararanas nito ay tila ba wala ng kontrol sa emosyon at nararamdaman niyang pagkahumaling sa isang tao. " Ilang beses siyang na
" Joaquin, 'wag na. Hindi na kailangan, " kinailangan ko ng umentrada. Ayokong lumaki ang gulo, hindi naman iyon ang pinunta namin rito. " Huwag mong pilitin ang hindi niya kayang gawin. " Kita ko ang pagka-insulto sa mukha ni Sir Nicolas dahil sa sinabi ko. Alam kong magiging dalawa ang kahulugan ng katagang 'yon pero wala akong intensyon na insultuhin ang kalagayan niya. Nasasakaniya na lang kung paano niya ito iintindihin. " Sir Nicolas, hindi ako nagpunta rito para gumawa ng gulo. Gusto ko sana kayong makausap, pero sapat na ang mga narinig ko para ma-realized na wala talaga akong dapat asahan sainyo. " Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Gusto ko sanang maawa sa kalagayan niya, pero hindi ko magawa. Nakita ko kung paano niya ipaglaban ang ibang tao sa halip na unawain at intindihin ang sarili niyang anak. Nakakadismaya. Nakakagalit. " Hindi niyo pinaiiral ang mga isip niyo. Masyado kayong nagpapadala sa bugso ng damdamin niyo. " Dismayado niyang binalikan ng tingin si Jo
Maingat kong ibinaba ang dalawang tasa ng kape sa lamesita at lihim na tinapunan ng tingin ang magulang ni Dawn na nakaupo sa sopa. Ang dating aktres na si Pauline Bermudez ay pamilyar na ang mukha saakin dahil sikat siyang aktres noong araw. Madalas kasing subaybayan ni Mama ang isang teleserye na siya ang bida kaya namukhaan ko agad siya kanina. Edad singkuwenta, pero hindi mo makikita sa mukha niya dahil ang bata ng hitsura niya. Magkamukhang-magkamukha sila ni Dawn, hindi 'yon mapagkakaila dahil parehas silang may mala-anghel na hitsura sa kabila ng pamamaga ng pareho niyang mga mata. Mukhang galing siya sa magdamag na iyak. Sunod kong tinapunan ng tingin ang padre de pamilya nila, si Benjie Bermudez. Isa siyang congressman at kung pagbabasehan ang kaniyang tindig at hitsura, para siyang isang maamong tupa. Mataas na lalaki, payat at halos puti na ang kaniyang mga buhok. Bagsak ang kaniyang mga mata, malamang dahil sa puyat at stress. " Pasensya na kung binulabog namin kayo nan
" Baka naman matunaw na kamay mo katititig mo? " Natatawang hayag ni ate Zekainah saka ibinaba ang miryenda na binili niyang tuhog-tuhog sa naglalako. " Para kang teenager na kinikilig dahil binigyan ka ng crush mo ng regalo. Zenaida, ipapaalala ko lang sa'yo na may anak ka na. "" Bakit ate? Hindi na ba puwedeng kiligin ang mga Nanay? " tanong ko saka umayos ng pagkakaupo sa sopa. " Parang siya hindi kinikilig kapag nagdadala ng bulaklak si James, ah? Maya't maya mo pa nga inaamoy 'yong rosas, eh. "Halos lumuwa ang mata niya. Akala niya siguro wala akong alam pero sorry siya dahil madalas ikuwento saakin ni Colleen 'yong reaksyon ng Mama niya kapag nakakatanggap ito ng regalo mula kay James.Tumikhim si ate Zekainah at tumusok ng eggball sa plastic cups niya. " So, anong feeling na nasuotan ng engagement ring? "Bumalik ang ngiti sa labi ko. " Hindi ko ma-describe, eh. Basta, masaya na nakakaiyak na nakaka-excite? Para kang nakalutang sa alapaap, ganoon. Ah, basta, ma-g-gets mo sina