“SORRY am I late?” usal ko nang makapasok ako sa classroom ko.Iginala ko muna ang paningin ko at nahigip ng mga mata ko ang isang babae na uupo sana pero tumayo ulit siya. Pamilyar ka sakin ah?“Ikaw na naman?” gulat naming sambit.Siya! Siya yung sinusubukang umagaw ng notebook ko kahapon sa bookstore namin! Siya rin ‘yong muntik ko nang masagasaan kanina sa daan. Akalain mo ‘yon naging kaklase ko pa siya?“Do you know him, Miss Magtrano?” tanong ni Ma’am sa kaniya.“Naku hindi po” umiiling sa sagot niya at saka siya umupo. Nakita ko naman siyang nakikipag-uusap sa katabi niya.“Come in and introduce yourself,” sabi ni Ma’am Angeles.Sinimulan ko nang maglakad papunta sa gitna at ang mga babae naman dito ay biglang nag-ingay dahil sa kakatili nila.“Keep quiet!” sita ni Ma’m na siyang nakapagpatahimik ng mga babae rito sa loob.“Good morning everyone, I’m Phillip Rosier and I’m 18 years old,” pagpapakilala ko.“What is your motto in life?” tanong ni Ma’am. Motto? Wala akong alam sa
PHILLIP'S P.O.V.NANG nakalabas ako ng classroom ay pumunta ako sa kabilang classroom kung saan ang classroom nila Drake at iba pang kaibigan namin. Habang naghihintay na makalabas sila ay napasandal na lang ako sa sementadong pader. Tumitingin lang sa relos ko at titingin ulit sa classroom nila. Ganyan lang ang ginagawa ko dito. Hindi rin nakaiwas sa pandinig ko ang mga tilian at bulungan ng mga babae rito sa paligid.Hindi ko na sila pinansin at pumunta na roon sa may bintana ng classroom nila Drake at nakita ko siyang nagkakamot ng ulo. May quiz siguro. At tama nga ako dahil sa ngayon ay nag-q-quiz sila at hirap na hirap na si Drake pati ang mga kasama niya. Napailing na lang ako.Matapos ko silang tignan ay bumalik ako sa pwesto ko kanina. Nakaramdam ako na may nag-vibrate kaya kinuha ko sa bulsa ko ang cellphone ko at tumatawag si Daddy.“Phillip?” pambubungad niya nang sinagot ko ang tawag.“Yes, dad?”“I have a good news,” masayang sabi niya.“What is it?” nagtatakang tanong ko
INIS akong lumabas ng cafeteria at nagdiretso ako papuntang locker para kumuha ng bagong isusuot na uniform. Habang naglalakad ako ay napapansin kong napapatingin ang mga kapwa ko estudyante sa akin. Wala akong pakialam sa mga sinasabi nila sa akin ngayon.“Hala! Anong nangyari sa uniform niya?”“Coke yata ‘yan e.”“Sino naman kaya ang gumawa n’yan?”“Ewan ko, tanong mo sa kaniya.”“Suplado raw ‘yan e!”“Kaya nga! Manahimik ka na lang!”Nagtuloy-tuloy lang ako sa paglalakad at narating ko rin ang locker ko. Inis kong binuksan ‘yon at hinahanap ang extra’ng uniform ko. Halungkat ako ng halungkat pero walang uniform ang nagpakita sa akin. Nasaan naman kaya ‘yon? Nagpatuloy pa rin ako sa paghalungkat nang may biglang nagsalita sa likod ko.“Phillip nandyan ka pala?” Hindi ko siya pinansin at naghalungkat pa rin ako. “Anong ginagawa mo riyan? Parang may hinahanap ka a?” tanong ni Nicole.“Hindi ba halata?” inis na tanong ko. Humarap ako sa kaniya at nakita ko ang gulat sa mukha niya.“Eas
Phillip's P.O.VPagkauwi ko ng bahay ay diretso kong inihiga ang sarili ko sa sofa at umidlip. Kailangan kong magpahinga.Kahit wala namang ginawa kanina! Engot!Naalala ko pa rin ang nangyari sa aming dalawa ni Leslie kanina. Pagsisihan niya talaga ang ginawa niya sa akin.Alam kong simpleng mantsa lang 'yon pero iba kasi ang impact sa loob-loob ko eh.Parang sinadya niya o aksidente lang talaga?Bakit kinalabit ko pa siya kung sinabi ko na lang sa kanya, tutal may bibig naman ako ah?Bobo ko rin, ano?Hindi ko nagawang gawin 'yon dahil sa 'di masabing dahilan.Hindi kaya—?"Bro?""Bro?" "Bro?" May boses akong naririnig. Sino ba 'to?"Gising."Napabalikwas ako ng bangon at nakita ko si kuya na nakangiting pinagmasdan ako."Oh?" tanong ko."Bro!" sabi nito at niyakap ako."Huk!" "I miss you bro!" masayang wika niya."K-Kuya, I-I c-can't b-breath.." nauutal na sagot ko at agad niya namang inalis ang kanyang mga bruskong braso."Sorry bro hahahaha!"Pumeke ako ng tawa."Oh? What happe
Leslie's P.O.VKung makadiin sa miss akala mo lalaki ako? Eh kung pektusin ko kaya siya?Inis akong lumabas sa botika at tinahak ang daan papunta sa matalik kong kaibigan. Ang pagkain! Dala-dala ng isang kamay ko ang supot ng binili kong gamot sa botika habang naglalakad ako.Mabilis lang akong nakarating sa sa kwek-kwekan at bumili."Kuya isa nga." sabi ko at binigay niya naman sa akin ang kwek-kwek tsaka ko binigay ang bayad.Sinawsaw ko sa maangahang na sauce ang kwek-kwek at nilamon iyon. Kumuha pa ako ng isa, ng isa pa ulit, ng isa pa ulit at hanggang sa nagsawa na ako ay binayaran ko na ang kinain ko at saka umalis na.Hawak-hawak ko pa ang tiyan ko habang nakangiting naglalakad ako pabalik sa palengke.---"Pa, ito na po oh," bigay ko sa kanya ang pinamili ko."Aba'y salamat anak.." aniya at nginitian ko lang siya at saka naupo.Patingin-tingin lang ako sa dumadaang tao at sasakyan at may sumagi sa isip ko. Tinext ko si Daphne.Leslie:Sabay tayong papasok bukas ah?Nakahinga a
Phillip's P.O.VPapasok na ako ng gate nang madatnan ko si Drake na nasa loob na ng school. Nagmamadali akong pumasok at nang makapasok na ako ay bigla siyang umakbay sa akin at saka ko naman inalis ang kamay niya."Oh?""Psh!""Anong nangyare sayo?" natatawang tanong niya.Ano bang nakakatawa?"Wala kang pakialam.""Aba'y.. Hahahahaha! Alam ko na 'yan!""H-Ha?""Alam ko na 'yan!" pag-uulit niya."Ano?""Hindi ka pa kumakain, ano?""H-Hindi pa.""Ayun! Hahahaha busangot ang mukha mo eh!" napahawak pa siya sa tiyan niya sa kakatawa.Baliw.I wonder kung paano napasagot ni Drake si Daphne kung ganyan naman ang ugali niya."Psh!""Ay, pre, balak ko na bang sabihin sa kanila?" tanong niya at agad namang kumunot ang noo ko."Ano bang sasabihin mo?""Yung alam mo na?" may isinenyas pa siya at agad ko naman 'yon nakuha."Sabihin mo, wala akong paki-alam.""Kasi mukhang marami pang hindi alam yun kaya ayon!""Ewan ko sayo!""At parang may isa pa na hindi niya talaga alam!""Sino ba yan?" nawa
Leslie's P.O.VHabang nasa byahe kami ni Daphne ay napapaisip na naman ako.Bakit ang tagal namin makarating sa school eh malapit lang naman ito?Batid kong binagalan ni Daphne ang pagmamaneho niya at hindi ko alam kung bakit niya ginawa iyon."Oh, anong sasabihin mo sa akin?" tanong niya at natuliro naman ako."Ano bang sasabihin ko?" maang-maangan na tanong ko. Ayoko na yatang banggitin sa kanya ang dahilan kung bakit ako nakikipagsabay sa kanya eh. Ang talas talaga ng memorya nito."Hay nako! Wag mo sabihing nakalimutan mo na agad? Ito ang bayad mo sa paggising mo sa akin.""Psh!" napairap ako. "Oo na, ito na." napilitang sagot ko."Ayun naman pala eh.""Paano ko ba sisimulan?" tanong ko kunyari sa sarili ko pero rinig niya naman."Hay nako," iling-iling na sambit niya."Eh kasi kaya ako nakikipagsabay sayo dahil natatakot ako.""Saan?""N-Natatakot kasi ako na baka bumalik ang m-mala-delubyo kong buhay sa school dahil lang sa nangyari k-kahapon. B-Baka pagdating natin sa parking l
Leslie's P.O.VNAKAHALUMBABA ako ngayon sa aking armrest at nakangiwi. Hinihintay ko ngayon ang pagdating ni Daphne at naiinip na ako sa kakahintay sa kanya.Napalingon ako sa gawing kaliwa at nakita ko si Phillip na nakatingin na sa akin. Agad naman akong nag-iwas ng tingin. Nagtataka pa rin ako kung ano ba talaga ang ipaparusa kuno daw niya sa akin.Nagsisimula nang magrambol ang puso at utak ko sa kakaisip. Napairap na lang ako. Naging matunog ang paghinga ko at pati rin siya ay nakarinig nun.Iidlip na sana ako kasi wala naman akong gagawin dito nang umalingawngaw ang tinig ni Daphne. Napairap ulit ako."Leslie! Oy! Nakita mo ba si Leslie ha?" tanong niya sa kaklase kong tahimik na nag-aaral. "Girl! Nasaan ka ba? Ay! Andyan ka lang pala! Saan ka ba nanggaling ha? At katabi mo pa talaga si Phillip ah? Ay, oo nga pala magkatabi naman talaga kayo hehe.""Baliw," bulong ko."Ha? Sinong baliw? Wala namang baliw ah?" inosenteng tanong niya. Ngayon pa lang gusto ko ay na siyang singhalan