Leslie's POVMabilis lumipas ang mga araw at kahit ngayon ay hindi ko pa rin makakalimutan 'yong nangyari noong paghalik sa akin ni Rey. Kahit palagi niya akong nakakasalubong, ngingiti 'yon at para bang walang nangyaring paghalik sa akin 'yong tao. Palagi ring bumabagabag sa isip ko ang katanungang, may gusto rin kaya siya sa akin? Hindi mawala-wala sa isipan ko ang tanong na 'yan. Hindi na nga ako nakakatulog sa gabi sa kakaisip nun. Sinong hindi magugulat na bigla ka na lang hinalikan nung tao at first kiss ko pa siya ah. "Leslie, ano pang ilalagay namin dito?" Tanong ng kagrupo kong si Ivan.Linggo ngayon at wala akong pasok sa trabaho ngayon at kasalukuyan kaming nagdedesign sa assigned project namin dito sa bench ng school. At bilang leader nila (bobong leader to be exact haha), ako 'yong nagmamanage ng mga gagawin namin."Marami pa, hintayin muna natin si Phillip nasa kasi kanya 'yong pinapabili natin eh." Sagot ko. "Ang tagal naman ni Phillip," naiinip na tugon ni Jane, k
Leslie's POVARAW ang lumipas mula nang pumunta sa bahay namin si Phillip. Nasauli ko na rin ang jacket niya pero agad niya ring binalik sa akin. Nagtaka nga ako kung bakit pero sabi niya akin na lang daw 'yon.Kahit kailan talaga 'yong lalaking 'yon.At araw rin ang lumipas nang naging busy ako sa trabaho ko sa Golden Empire. Ngayong linggo ata naging abala ako sa trabaho. Madaling araw na akong nakakauwi sa bahay at pagdating sa school ay puyat ako. Natutulog lang ako sa classroom at hindi na rin ako nakikinig sa mga tinuturo nila sa amin. Ngayon nga ay pasado alas diyes na ng gabi at nandito pa rin kami sa opisina. Todo xerox ako sa mga binibigay sa aking dokumento at mas dinoblehan ko na ang bilis ko kompara sa dati.Hindi pala madali ito.Sa ilang linggo kong pananalagi dito ay ngayon ko lang na-realize na hindi pala madali ang ginagawa dito sa kompanya. Kahit 'yong matataas na rango sa akin ay sobrang abala rin sa kanya-kanyang ginagawa. Sina Aira at Maecah ay hindi na bumibisi
“MA, ALIS na po ako!” sigaw ko kay Mama.“Sige mag-iingat ka!”Lumabas na ako ng bahay at pumunta sa waiting shed kung saan maghihintay ako ng jeep. Pupunta kasi ako ng mall para bumili ng mga gamit para sa eskwela. Magpapasukan na kasi e.“Hi, Miss.” Napalingon ako sa nagsalita. Sino naman 'tong isang 'to? “Ah, hi.” Pilit akong ngumiti sa kaniya kahit hindi ko siya kilala. Baka isang budol ‘to. Iba pa naman ang mga tao ngayon. Kaya hindi ako basta-basta nagtitiwala sa kanila e.Nang may dumating na jeep ay umakay na ako agad dahil baka sundan pa ako ng lalaki. Nang makaupo na ako ay may nakita akong magjowa na wagas kung maglambing. Tumaas ang kilay ko sa kanilang dalawa na kaharap ko lamang.Ayaw na ayaw ko ‘yong makakita ako ng magjowa na wagas kung maka-PDA o maglambing lalo na sa matataong lugar kagaya nito.“Walang forever, maghihiwalay rin kayo,” sabi ko sa isip ko. Napairap na lamang ako.I hate couples!Naniningkit na ang mga mata ko sa kanilang dalawa. Bakit ang tagal kong
UNTI-UNTI nang lumalapit ang mukha niya sa mukha ko. This is it pancit! Mahahalikan ko na siya.“Leslie, bangon na tanghali na!” Isang malakas na pagsabog ang narinig ko. Pagsabog nga ba? “Leslie, tanghali na!”Parang umaalog ako. Lumilindol ba?“Ayaw mong gumising a.” Bakit parang may nagsasalita?“Ma naman!” hiyaw ko. Binusuhan lang naman ako ng malamig na tubig sa mukha ko. Ang lamig!“Ayaw mong gumising e. Teka, bakit ngumunguso ka kanina?”Wait, panaginip lang ba ‘yon? Sayang!“W-wala. Bakit mo ‘ko ginising, Ma?” tanong ko. Natutulog pa ako e,” dagdag ko ulit.“May pasok ka ngayon, hindi mo ba alam?” pabalang na tanong ni Mama sa akin.“Sh*t!” bulalas ko. Dali-dali akong bumangon at pumunta sa CR para maligo. Hindi ko alam na ngayon na pala ang unang pagpasok namin sa eskwela. Bakit parang nahihilo ako? Anong nangyari kahapon? After kong maligo ay dali-dali akong nagbihis. Ayoko ma-late sa first day of school ngayon. Paglabas ko ng kwarto pagkatapos kong magbihis ay tumambad na
“SORRY am I late?" Parang uusok na ang ilong ko sa inis dahil sa nakita ko. Hanggang kailan niya ba ako lulubayan? Nakakainis na siya a!“Ikaw na naman?” magkasabay naming tanong.“Do you know him, Miss Magtrano?” Ms. Angeles asked me.“Naku hindi po!” Umiiling sa sagot ko. Bumalik na ako sa sarili kong upuan at ang best friend kong si Daphne ay binigyan ako ng malisyosong ngiti.“Girl, kilala mo siya?”“Siya ‘yong nakipag-agawan sa akin ng notebook kahapon at siya rin ‘yong muntik nang makasagasa sa akin kanina," usal ko.“Siya? Ang gwapo naman!” mahinang sigaw niya. Pinalo pa niya ako sa braso. Ang sakit no’n a!“Gwapo nga pero ang sama naman ng ugali.”“Naku, Girl, destiny na ‘yan.” Sinusundot pa ako sa tagiliran.“Anong destiny ka riyan? Nagkataon lang,” sambit pero ang magaling kong best friend mukhang hindi naniwala. Natigil ang pag-uusap namin ni Daphne nang magsalita si Ma’am“Come in and introduce yourself.”Lumapit na ‘yong lalaking sa harap. Ang mga kababaihan naman dito
NANG MATAPOS ang aming klase sa naunang dalawang subject ay tumunog na ang bell, hudyat na recess time na. “Girl tara na,” pag-aayaya ni Daphne sakin. “Saan?” “Naku! Edi sa cafeteria.” “Alam ko naman pero bakit mag-aayaya ka pa e pupunta naman tayo doon. Tsk!” Hindi na siya nagsalita subalit hinila na niya ako papuntang cafeteria. Ang hilig niya talagang manghila. Dahil sa tindi ng paghihila niya ay nakarating kami agad sa cafeteria. As usual maraming tao kaya pinili na lang naming umupo sa bakanteng table na ‘di kalayuan sa counter. “Girl, wait lang tatawagan ko lang si Drake,” masiglang sabi niya. Hindi ko na nagawang magsalita nang nawala na siya ng parang bula. Saan naman kaya ‘yon susuot? Si Drake ay boyfriend ni Daphne. Kahit nagtitimpi ako sa mga couples, siyempre exempted na sila Daphne kasi alam niyo na best friend ko siya ‘di ba? Pero tutol talaga ako noon sa relasyon nilang dalawa, bakit? Kasi alam kong sasaktan lang niya si Daphne in the near future. Nangako naman
LUMAKI AKO na may paniniwalang, ang mga lalaki ay isa lamamg instrumento para saktan ang mga babae. Paano ko nasabi? Simple lang. Bitter lang akong tao.Lahat kasi ng nakikita kong babae ay palagi silang umiiyak nang dahil lang sa isang lalaki. Kaya tutol ako sa mga nagmamahalan kasi naaawa na ako sa mga babaeng umiiyak. Hindi ko man na-experience ang magmahal sa isang lalaki pero nakikita ko kasi kung paano nila saktan ang mga babae.Hindi ko makakalimutan ‘yong babaeng umiiyak sa isang food chain. Lalo no’ng sinabi niya ang dahilan ng pag-iyak niya. Doon na ako naging bitter. Hindi ko na rin pinaniniwalaan ang salitang forever mula no’ng araw na iyon.[FLASHBACK]Naglalakad ako pauwi ng bahay kasi ginabi na ako ng uwi. Habang naglalakad ako sa tapat ng isang food chain ay may nakita akong babaeng umiiyak sa labas ng food chain. Wala nang tao food chain kasi sarado na ito.Nakaupo siya sa sahig habang umiiyak. Anong nangyari sa kanya? Nanakawan? Naglayas?Kaya hindi ko na mapigilang
“CHOLO?” tanong ko pagkarating ko sa bahay. Nasaan naman kaya ang asungot na ‘yon?“Ate, nandyan ka na pala,” bati niya sa akin. Kakalabas niya lang galing sa kwarto.“Nandoon na ba sila sa palengke?” tanong ko. Tinutukoy ko sina Mama at Papa.“Opo. Ate, may assignment pala ako tungkol sa division.”“Cholo, pwede bang mamayang gabi na lang ‘yan kasi alam mo naman na busy ako sa palengke ‘di ba?”“Oo naman ate pero ‘wag mo lang kakalimutan ha?”“Oo na.” Ginulo ko ang buhaghag niyang buhok at umakyat na ako sa ikalawang palapag ng bahay namin para magbihis. “Cholo, alis na ako!” paalam ko. “Ikaw na ang bahala sa bahay ha?”“Oo naman ate makakaasa ka.” Nag-thumbs-up pa siya.Umalis na ako ng bahay at naglakad na naman papunta sa palengke. Ito ang routine ko pagkauwi ko galing eskwela. Nakakapagod din minsan pero kapag pamilya ang pag-uusapan, gagawin ko. May tumawag sa akin pagkalabas ko ng gate. “Leslie!”Lumingon ako at nakita ko ang pinsan ko na tila nag-aabang sa akin. “Oh bakit?”