Share

OIAL 8

"Were you always a piece of trash?" His cold voice welcomed me.

Mahigpit ang kapit nito sa magkabilang braso ko at madiin ang pagkakapinid niya sa akin sa pader.

Malapit ang kanyang mukha sa akin at matalim ang tingin habang naka-igting ang panga.

I winced, my arms hurts because of his tight grip.

"Bitaw, Cosmo Klaus." Malamig na boses na utos ko.

Matalim man ang tingin, ay binitiwan niya ang braso ko. Tumayo ako ng maayos, inirapan ko siya at nilagpasan upang balikan ang comfort room.

Long sleeves ang uniform namin  kaya kailangan pang tanggalin ang butones upang makita ang braso at balikat kung namumula ba ito.

Walang tao sa comfort room, inalis ko ang ribbon, and I unbottoned my blouse. It showed my white spaghetti strap undies, nasa pangatlong butones na ako nang bumukas ang pinto at nilock ito.

It was Cosmo. Ang kanyang malamig na tingin ay nawala at namula ang kanyang tenga.

"What? Do you wanna watch me strip?" Tanong ko. I didn't mind his presence at tinuloy ang pag bukas sa pangatlong butones.

I put my hair into a messy bun para makita nang maayos ang balikat at braso.

Umiwas ito ng tingin, at naiilang na tinanggal ang lock ng pinto at akmang aalis. Bago siya umalis ay nagsalita na ako.

"See what you did to me?"

Inilihis ko ang blouse upang makita kung namumula ang braso. Gaya ng inaasahan ay hindi lang ito namumula kung hindi magiging pasa din ito.

"I apologize for that, but let's just talk later." Naiilang ang kanyang mukha, ngunit ang boses ay sing lamig pa rin ng yelo.

Umirap ako at hindi siya pinansin. Maputi ang balat ko kaya kahit hindi gaano kahigpit ang kapit mo dito ay mamumula agad.

Lalo na kanina na mahigpit ang kapit ni Cosmo sa aking balikat ay tiyak na bukas ay maging pasa ito, I should treat this later to lessen the pain.

Inayos ko ang blouse at isinara ang butones nito. Kinapa ko ulit ang bulsa ng aking skirt upang hanapin ang cellphone ngunit wala ito dito.

Baka naiwan ko lang sa cafeteria sa table namin nila Andie. Pag sagot sa akin ng isip ko.

Binuksan ko ang comfort room at naandon nag aabang si Cosmo. Naka-sandal siya sa pader at ang magkabilang kamay ay naka-pasok sa kaniyang slacks.

Kung sa babae ay blue collar brooch ang dekorasyon sa blouse, sa lalaki naman ay necktie na maroon.

Nilagpasan ko siya sa paglalakad at naramdaman ko ang pag sunod niya sa akin.

"Do you have any idea what she had gone through?" Pag tatanong ni Cosmo gamit ang kanyang malamig na boses.

Nag kibit balikat ako habang nag lalakad. "Hindi ko alam. Wala rin akong balak alamin."

Nag bubulungan ang mga estudyante kapag nakaka-salubong namin.

They might be thinking why are we together lalo na't alam nang lahat na sinigawan ako ni Cosmo kanina.

"Kagaya mo rin, the man that she like fooled her. Pinaniwala siya na, siya ang gusto pero may gusto pa lang iba."

I laugh, "Since when did you two become bestfriends?"

I never thought that Amanda and Cosmo are friends para mag sabihan ng ganiyang kalalim na sikreto.

Huminto siya sa paglalakad. Nauuna ako sa kanya ng isang hakbang tsaka ako huminto sa paglakad.

"I thought you might side her this time because you also experience the pain of being fooled by someone you love. Nag kamali ako, Devyn. I'm so disappointed at myself for thinking so highly of you." Halata ang pagiging dismayado sa kanyang boses.

Sarkastiko akong natawa. Ganito pa nga lang ang nakita niya ay dismayado na siya sa akin? Paano pa kaya kapag nalaman niya na ako ang may pakana kung bakit nasasaktan si Amanda?

I heard his footsteps away from me. Sinigaw ko ang pangalan niya.

"Cosmo!" Nilingon ko siya. All students stopped from what they are doing at inabangan ang susunod na sasabihin ko.

"You're about to learn so many things about me. Disappoinment is not enough." Ngumiti ako ng matamis at maarteng ikinaway ang kamay.

"Err, I can't understand what are they talking about."

"Devyn won't just stop pestering Cosmo!"

"Gosh! Devyn is so papansin talaga!"

Malamig lamang ang tingin ni Cosmo sa akin at umiling, tinalikuran niya ako at nag lakad siya palayo.

I'm curious on Cosmo's reaction when he know that I'm the one behind Amanda's heartbreak. I smiled wickedly.

Naka-rating na ako sa cafeteria at nandoon pa rin sa pwesto si Eulaliah at Andie. They are still talking to each other. They seems close now.

"What did I missed?"

Salubong na tanong ko sa kanila. Umupo akos a tabi ni Andie. I glanced at my golden analog wrist watch. We still have 10 minutes left.

I drank my strawberry shake.

"Ah, the comments on Thalia and Terrence's post on i*******m." Saad ni Andie at itinaas ang phone ko, naiwan iyon sa i*******m app ko at nandoon pa talaga sa post ni Terrence kanina.

Nanlaki ang mata ko at muntik nang maibuga ang iniinom.

"Siraulo ka, Anderson!" Nag mamadaling kinuha ko ang phone mula sa kanyang kamay.

Natatawa naman si Eulaliah sa amin. "Si kuya Terrence pala ang gusto mo, Devyn." Sabi niya habang may ngisi sa labi.

Ibinigay na ni Andie ang phone ko. Nagtataka kong tinignan si Eulaliah. Did I heard her right? Did she said kuya?

"Kuya?" Pag tatanong ko kay Eulaliah.

Si Andie ang tumango at sumagot. "Oo, girl. Isa pala si Terrence sa sponsor ng ampunan kung saan galing si Lia." Paliwanag ni Andie.

Sinangayunan iyon ni Eulaliah. May nickname na agad si Andie para kay Eulaliah. I smell something fishy here!

"Ahh, ganoon ba?"

Sinamaan ko ng tingin si Andie. Isang malaking ngiti lamang ang ibinigay sa akin nito.

"Let's go. Lunch's over." Pag aya ko.

"Ano nga pala ang strand mo, Eulaliah?" Tanong ko habang iniinom ang strawberry shake.

Andie was in between Eulaliah and I, his arms are hooked on our both arms.

"HUMSS." Sagot ni Eulaliah habang naka-ngiti nang pagka-laki-laki.

Eulaliah is tall, but I'm taller. Hanggang leeg ko lang siya, medyo morena siya, payat at mahaba ang maalon na buhok.

Our uniform is a checkered above knee skirt, fitted white blouse with a maroon blazer with a black lining in it. Naka-burda rin dito ang logo ng school. Dalawang espada ito at may 'R' sa gitna nito.

"Midterms is coming, want to study in our house?" Pag imbita ko sa kanila.

Nahinto si Andie sa paglalakad kaya maging kami ni Eulaliah ay nahinto din dahil naka angkla ang kanyang braso sa aming dalawa.

"Talaga?" I swear, I could see stars on Eulaliah's eyes. Di mapakaniwala niyang tanong.

Andie seems to have a lot of strange things going into his head. "Sure!" Pag tango niya.

I smiled widely, "Okay, pumunta nalang kayo sa bahay ng 1 PM."

Nasa labas na kami ng cafeteria at sa kabilang building ng HUMSS kaya humiwalay na si Eulaliah sa amin ni Andie.

"Hmm, why are you inviting us on your sanctuary?" Halata ang pagtataka sa kanitang magaspang na boses.

Hanggang balikat lang ako ni Andie at nangangawit na ang braso ko dahil ikinawit niya ang kanyang braso sa akin.

"I just really like Eulaliah to be our friend. Bakit? Ayaw mo ba sa kaniya?" Tanong ko.

Bumitiw ako sa kanya at itinapon ang carton ng strawberry shake sa basurahan na nadaanan.

"Hindi sa ganoon. But you've never welcomed anyone on your house. Nag tataka lang ako." Paliwanag niya sa maarteng boses.

Dati ay naiirita ako sa boses niya, ang boses niya kasi ay malalim at magaspang pero pilit niya iyong pinapaliit at maarte.

I rolled my eyes, "I don't know, I just want her to be my friend." kibit balikat ko.

The bell rang and we all stood up and bid our teacher goodbye. My black chanel leather bag pack was lazily hanging in my left shoulders.

Manong Isko opened the car's door for me. Tumunog ang aking phone na nasa bulsa ko. Pagod akong sumandal at inilagay aang seatbelt.

I fished out my phone from my pocket, it was a text from Andie.

From Andersonie

Did you told Eulaliah your address?

Napatuwid ako sa aking pagkaka-upo. Oo nga pala, I forgot to tell Eulaliah our address.

Dapat ko din ibilin iyon sa guard ng aming village dahil hindi nag papapasok ang security ng hindi resident, or walang pahintulot ng resident.

Immediately, I dialed Andie's number and called him.

"I'll just have one of our drivers fetch her from their house tomorrow." Bungad ko. I did not bother to say hello.

"Mabuti naman. I'm so excited bukas!" I heard his laugh, narinig ko ang mahinang pag singhal ni August sa kabilang linya.

"See you, bye." Tamad kong ibinaba ang tawag at tinignan ang mga kotse nadadaanan.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status