Share

GUNS

Vreihya' P.O.V

"Weak!" malamig na saad sa akin ni Mino habang nakaamba na muli ang kaniyang punyal. Hawak ko ang aking balikat na siyang nasugatan habang ramdam ko ang pag-agos ng dugo sa aking tagiliran. Iilang sugat na ang aking natamo dahil sa kaniyang pag-atake.

Kanina pa niya ako inaatake ngunit panay pag-iwas lamang ang aking ginagawa. Kung dati kapag nag-aaway kami ay talagang nanlalaban ako sa kaniya ngunit ngayon ay wala akong lakas. Hindi pa din maproseso ng utak ko ang ganitong katauhan ni Mino.

Sa lugar na ito ay hindi ang pisikal na lakas ang basehan upang tumagal. Ang lakas ng iyong isip at diwa ang siyang sinusubok sa sangtwaryo dahil kung ang pisikal na lakas lamang ang kailangan ay marami na sana ang magtatangkang pumasok.

Mas lalo akong natigilan dahil may kinuha pa siya sa kaniyang likuran na panibagong punyal. Bahagya niyang pinunas sa kaniyang t-shirt ang punyal na may bahid ng aking dugo. Mabilis siyang sumugod sa akin at kahit wala siyang bilis na katulad ng mga
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status