Share

MERCHANT

Ilang beses ko ng pinakatitigan ang mapa na hawak ko na iniligay ni Calix sa bulsa ng ibinigay niyang kasuotan sa amin. It is a long cloak that covers our entire body and a large hood to hide our head and cover our faces. Naglagay na lamang ako ng pulang panyo sa aking mukha upang panapal dito. Hindi man sila magkatulad ng kulay ng aking kasuotan ay sapat na ito upang maitago ang aking katauhan.

Ganoon din naman ang ayos ng mortal na nasa aking likuran. Sa muli kong pagtitig sa mapa ay batid kong kailangan lamang namin diretsuhin ang nagyeyelong landas na kasalukuyan naming tinatahak. Nagsisimula ng magreynang muli ang Dyosa sa kalangitan at wala akong balak na abutan ng dilim sa kagubatan na ito. Kitang-kita ko ang malalaking puno na balot na balot ng yelo, maging ang mga damo at bulaklak namumuti dahil sa nyebe.

Kahit nakakaawa silang tignan ay mga punot halaman sila na talagang nabuhay para sa ganitong klima. Without this cold they will perish. Natatanaw ko na ang mga kabahayan na
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status