Share

Chapter 65

Unti-unting lumitaw ang mapuputi at pantay-pantay na mga ngipin ni Seojun dahil sa luwag ng kaniyang ngiti. “Ewan. Para kasing… Nakakonekta sa wakas ang ningning ng mga mata mo, sa tamis ng mga ngiti mo. Basta! Hayaan mo na…”

Napahawak naman si Marion sa pisngi nito, halatang hindi maintindihan ang ibig niyang sabihin. “Hay, naku… Gutom lang iyan. Kumain na lang tayo.”

“Opo… Ito na nga…” Inilagay niya ang malaking plato kung saan sila kumukuha ng kanin sa gitna ng lamesa. Pagkatapos noon, nagsandok siya ng ulam sa mangkok at sinigurong kumpleto ng karne, gulay at sabaw ang laman no’n.

Umupo na si Marion sa puwesto nito, sa may kanan niya. Sumandok na rin ito ng kanin at naglagay sa plato niya. Bahagya pa nitong binuhaghag ang kanin para madaling lumamig. Iyon daw kasi ang nakasanayan nito sa Pilipinas. Inilapag niya ang ulam sa bandang kaliwa ni Marion. Inilapit niya iyon para hindi matapon ang sabaw kapag kumuha ito.

“Mukhang mapaparami na naman ang ma
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status