Share

Chapter 73

Hindi kaagad nakakibo si Marion sa kaniyang narinig. Sa unang pagkakataon, tinawag siyang ‘eomma’ o ‘mother’ ni Eclaire. Noon pa man, alam niyang magaan ang loob nito sa kaniya pero hindi niya naisip na dadating sila sa punto na bubuksan nito ang puso para sa kaniya. Para siyang hinehele sa alapaap at napayakap na lang sa dalagita. Walang salita ang pumapasok sa utak niya para ihambing ang kaniyang nararamdaman.

“Tutal, tapos na tayong kumain… Bakit hindi tayo manood muna ng pelikula? Bonding lang nating tatlo bago matulog,” suhestiyon ni Seojun.

“Gusto ko iyan… Saka simula bukas, sasabihin ko kay Andrew na hindi ako papayag na hindi ako uuwi ng alas-singko ng hapon. Ang dami na naming korean drama na napalagpas ni Eclaire. Hindi na kami updated sa mga bago.” Hindi siya ganoon kagaling sa pag-aaral ng bagong lenggwahe kaya ginagamit niya ang mga drama para matuto ng korean.

“Sige po! Game po ako riyan,” segunda ni Eclaire.

“Sandali… Alam kong busog na kay
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status