Hindi siya pinansin ni Hae won na halatang nag-e-enjoy sa paglalaro. Sa kanilang magkakaibigan, ito naman talaga ang mahilig sa sports. Siya naman ‘yong tipong masaya na sa pagbabasa ng libro sa sulok. Medyo chubby lang talaga ang katawan nito dahil hindi ito mabilis pagpawisan kahit active itong nilalang. Noon pa nito gustong maglaro ng tennis pero hindi nito magawa sa kanilang eskwelahan dahil palaging nakatambay roon ang mga tennis players. “O! Eclaire, buhay ka pa ba?” biro pa ni Hae won. “Manahimik ka! Kapag nanalo ako ng isang set, kailangan mo kong ilibre ng miryenda pagbalik natin sa school bukas!” Hinihingal na siya sa pagod pero pilit pa rin siyang nagpo-focus. Second set na. Sa awa ng Diyos, hindi pa rin siya nananalo kahit isang game. Fifteen-love ang score nila at si Hae won pa ang magsi-serve ng bola. “Sige ba… Basta kapag nanalo ako, ikaw ang gagawa ng english essay ko, okay?” “Oo na… Bilisan mo na!” Hinawakan niya nang mahigpit ang racket
May 17, 2022. Araw ng martes. Nakahiga si Marion sa kaniyang kama at halos hindi makagalaw. Pakiramdam niya, wala siyang enerhiya para tumayo man lang. Ilang beses siyang nagsuka kaninang umaga at naiihi siya kada trenta minuto. Wala siyang ganang kumain at kahit juice na kanina pa niya tinimpla, nagsisimula nang langgamin sa side table kung saan niya iyon inilagay. “Okay ka lang? Nilalagnat ka ba?” Sinalat ni Seojun ang kaniyang noo para tingnan ang kaniyang temperatura. “Anong nararamdaman mo ngayon?” “Medyo… Masakit ang ulo ko… Saka wala akong ganang kumain.” “Ang mabuti pa, kumain ka pa rin kahit lugaw lang. Sandali… Ipagluluto kita –” Tatayo na sana ito nang bigla niyang hinawakan ang kamay nito. “Anong ginagawa mo rito? Dapat nasa hotel ka… May VIP guest tayong dadating sa susunid na araw…” Masakit ang kaniyang lalamunan kaya halos hindi lumalabas ang kaniyang tinig. “Tumawag sa ‘kin si Eclaire kanina. Nag-aalala sa kalagayan mo. Kung wala lan
June 18, 2022. Araw ng sabado. Naayos na ni Seojun ang lahat para sa magiging pagbisita ng byenan niya sa kanilang resort. Nalaman niya mula kay Marion na allergic ito sa hipon kaya hindi niya hinayaan ang kahit na anong pagkain na may hipon para sa tatlong araw na pagbisita nito. Gustuhin man ni Marion na makatulong sa kaniya, halatang nahihirapan din ito sa sarili nitong sitwasyon. Halata na talaga ang baby bump nito kaya palagi na itong nakasuot ng dress. Palagi itong nahihilo, naiihi, masakit ang tagiliran ng tiyan, nasusuka, at masakit na tila namamaga ang dibdib nito. Wala naman siyang alam sa pag-aalaga ng buntis dahil ang nanay niya ang tumitingin noon sa ex-girlfriend niya. Abala kasi siya noon palagi sa trabaho. “Hmmm… Mukhang maayos naman ang lahat. Good job, Andrew,” papuri ni Peterson. Bahagyang yumukod si Andrew na tila nahihiya. “Ayoko naman pong nakawin ang credits, Sir. Ang design ng buong resort ay idea ni Miss Marion. Hands on naman si Sir Se
Dahil sa papalapit na examinations, hindi pa rin natutulog si Eclaire. Magkasama sila ni Hae won sa kuwarto nito, nakasalampak sa sahig na nilatagan lang ng manipis na kutyon. Nakadapa siya habang nagbabasa ng notes. Nakatihaya naman si Hae won, halatang pinaglalabanan ang antok kahit alas-siete pa lang ng gabi. Kakatapos lang nilang kumain ng hapunan kaya nahihikab na rin siya. “Ugh… Ang tagal naman… Gusto ko nang magbakasyon…” Kinusot-kusot niya ang kaniyang mata dahil naluluha-luha na siya. “Mag-review ka nang maayos kung ayaw mong magkaroon ng summer class.” “Oo na… Oo na…” Ngumuso si Hae won, halatang nagtatampo. Sasagot pa sana siya nang biglang tumunog ang cellphone niya. Mabilis siyang bumangon nang mapansin ang pangalan ng daddy niya. Sinagot niya muna iyon bago siya lumabas ng bahay ng mga ito. May lamesa at mga upuan doon dahil may ilang customer na gustong kumain doon. Dumarami ang mga tao sa paligid kaya pinili na lang na pumunta sa likod-bahay. Hindi niya kasi marin
Hindi na inintindi ni Eclaire ang pamimili ng mga damit at gamit na pang-baby. Dumiretso siya sa google para maghanap ng mga unique names para sa mga lalaki. English name ang ginagamit niya sa eskwela dahil iyon ang nakalagay sa birth certificate niya. Hindi na rin nag-abala pa ang Daddy at lola niya na baguhin pa ang pangalan na ibinigay ng Mommy niya dahil iyon na lang daw ang nag-iisang nakuha niya mula rito. Dahil kakaiba ang pangalan niya, masuwerte siya sa mga biglaang recitation. Madalas siyang hindi tinatawag ng mga teacher dahil nabubulol ang mga ito sa pronounciation ng pangalan niya. Kahit ‘yong mga estudyante na malakas mam-bully ng iba, hinahayaan lang siya. Noong minsan, isa sa mga ito ang napahiya nang bigla siya tumawa dahil tinawag siya nitong ‘I-kler’ na narinig pa naman ng mga kaklase nila. Gusto sana niyang isunod sa pangalan niya ang unang letra ng pangalan ng baby. Pero sa dami ng pwedeng pagpilian, nalilito siya kung ano ba ang magandang i-sug
Napailing si Marion sa sinabi ng kaniyang anak. Kahit ilang beses na nagulo ang buhay nito dahil sa mga naghahabol na scout at agents ng mga entertainment company, hindi pa rin nito nari-realize kung gaano ito ka-ganda. Nakataas ang buhok ni Eclaire, itinirintas muna nito ang buhok bago ipinulupot para maging pugong. Nilagyan nito ng white gold na hairpin ang dulo noon para hindi iyon matanggal. Pero kahit ilang oras na silang nasa labas, lumaylay na ang ilang hibla ng buhok nito sa mukha, hindi nababawasan ang ganda nito. “Anak, kapag tumitingin ka sa salamin, anong nakikita mo?” Inayos niya ang towel na nakalagay sa likuran nito dahil bahagyang nahila paibaba ang kanang bahagi no’n. “Uh… Mukha ko po. Bakit?” Nakakunot pa ang noo nito na tila nagtataka sa kaniyang tanong. Muli na naman siyang napailing. Hindi niya alam kung nakikipagbiruan ito o sadyang naive lang talaga ito. Hindi niya rin alam kung normal na sa mag-ama ang ganoong klaseng atensyon kaya hindi
Ginugol nila ang buo nilang maghapon sa pagkukwentuhan. Bukod sa naiintindihan niya ang hirap ng buhay na pinagdaanan noon, natutuwa si Marion dahil nagkaroon pa sila ng bagong topic – ang mga kuwentong isinulat niya. Nagulat siya dahil kung tutuusin, wala naman siyang alam na mayroong mga foreign readers sa kaniyang platform. Ang gusto lang niya, magsulat ng mga masasayang bagay – malayo sa boring na cycle ng araw-araw niyang pag-exist sa mundo. “Ano po palang balak niyo sa deadline niyo? Buti po, hindi nagagalit ang editor niyo?” “Alam mo… Wala naman siyang magagawa kung hindi ang maghintay. Hindi niya ko pwedeng obligahin at kulitin dahil nagpaalam na ko sa kaniya noon pa man. Hiatus muna ako habang nagdadalang-tao ako at maraming inaasikaso.” Kinagatan niya ang piraso ng mansanas na hiniwa-hiwa ni Eclaire para sa kaniya. Kasama pa ang balat, kagaya ng nakasanayan niya. “Saka… Ka-close ko na rin naman siya. Tuwang-tuwa nga siya nang malaman na magkakaroon na ko ng
September 21, 2022. Araw ng myerkules. Mabilis na nakapag-adjust sina Marion at Eclaire sa bago nilang set up. Kapag pumasok si Eclaire sa school, naiiwan si Marion sa apartment kasama ang isang nanny. Paglilinis ng bahay, pamamalengke, at paglalaba ng mga damit ang trabaho nito. Si Marion naman ang nagluluto dahil mapili ito sa kinakain. Bago sila umalis sa isla, nag-celebrate muna roon si Marion ng 31st birthday nito. September 9, ang birthday ni Seojun at ngayong araw naman ang sa kaniya. Katorse na siya at kasalukuyang nasa ikalawang taon sa middle school. Tatlong linggo na simula nang magsimula ang klase nila pero ramdam niyang tinatamad pa rin siyang pumasok – kagaya ng iba niyang mga kaklase. Alas-otso ng umaga hanggang alas-kuwatro ng hapon ang klase ni Eclaire. Pagkatapos noon, balak sana niyang umuwi kaagad sa apartment pero kinukulit siya ni Hae won na gumala muna sandali kasama nito. Ayos lang sana sa kaniya iyon pero nang mapansin niyang nagbabadya ang m