Share

Chapter 79

Dahil sa papalapit na examinations, hindi pa rin natutulog si Eclaire. Magkasama sila ni Hae won sa kuwarto nito, nakasalampak sa sahig na nilatagan lang ng manipis na kutyon. Nakadapa siya habang nagbabasa ng notes. Nakatihaya naman si Hae won, halatang pinaglalabanan ang antok kahit alas-siete pa lang ng gabi. Kakatapos lang nilang kumain ng hapunan kaya nahihikab na rin siya.

“Ugh… Ang tagal naman… Gusto ko nang magbakasyon…”

Kinusot-kusot niya ang kaniyang mata dahil naluluha-luha na siya. “Mag-review ka nang maayos kung ayaw mong magkaroon ng summer class.”

“Oo na… Oo na…” Ngumuso si Hae won, halatang nagtatampo.

Sasagot pa sana siya nang biglang tumunog ang cellphone niya. Mabilis siyang bumangon nang mapansin ang pangalan ng daddy niya. Sinagot niya muna iyon bago siya lumabas ng bahay ng mga ito. May lamesa at mga upuan doon dahil may ilang customer na gustong kumain doon. Dumarami ang mga tao sa paligid kaya pinili na lang na pumunta sa likod-bahay. Hindi niya kasi marin
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Corazon
maraming salamat po sa update
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status