Wala nang oras si Seojun para tumingin sa salamin kaya hindi niya alam na magulo pa ang kaniyang buhok. Pero noong mga oras na iyon, si Marion ang focus niya kaya napansin niyang manipis lang ang sweater na suot nito. “Kaya mo pa bang maglakad? O gusto mong buhatin na kita?” “Hala… Pwede po bang mamaya na ko mag-flirt? Namumutla na po si Tita Marion…” Hindi napigilan ni Hae won ang pagiging mahadera nito. Napabungisngis si Marion ngunit muli rin itong napangiwi nang makaramdam ulit sa sakit. “Magulo pa ang buhok ng Tito Seojun mo, sandali lang…” Hinawi ng kaniyang asawa papunta sa kanan ang mga hibla ng kaniyang buhok, bahagya pa siyang yumuko para maabot nito ang bandang likuran ng ulo niya. “Diyos ko po… Oo na po. Kayo na po ang happy married couple. Pwede na po ba tayong umalis? Text na po kasi nang text si Eclaire, baka sumabog na po ang phone ko –” Biglang tumunog ang cellphone ni Hae won. Hindi na nila kailangan itanong kung sino iyon dahil mukhang lalong
Alas-otso y’ medya nang makarating si Peterson sa Seoul, sa mismong presidential suite na binayaran nito para kay Marion. May baon itong isang bouquet ng mga pink na rosas at isang basket ng iba’t ibang mga prutas. Hindi niya alam kung paano nagawa iyon ng Daddy niya sa maiksing panahon pero nandito na ito ngayon sa kaniyang tabi. Gusto sana niyang ngumiti nang husto sa pagdating nito pero ramdam niya ang kaba ng kaniyang asawa. “Welcome back sa Seoul, Dad. Kamusta ang flight niyo?” Pinakuha niya kay Seojun ang mga bulaklak na nasa mga bisig niya. “Pakilagay na lang ito sa vase, love.” “Sure. Sinabi ko nga pala kina Eclaire na pumunta muna sila sandali sa palengke para bumili ng mga ingredients na kailangan kapag nagluto ako mamaya.” Kapag nasiguro nila na walang sakit ang bata, makakaalis na sila mamayang hapon at makakauwi sa kanilang apartment. “No need. Mas maganda siguro kung sama-sama muna tayong kumain sa restaurant –” “Dad…” pagputol ni Marion
Tinapos nila ang hapunan nang halos hindi nag-uusap-usap. Inilagay na lang nila sa lababo ang mga platong ginamit nila bago umalis papunta sa kabilang unit ang mga bata. Bago umalis ang kaniyang Daddy, inaya niya ito sa kaniyang silid upang masabi ang lahat ng gusto niya na hindi kailangan intindihin ang kaniyang asawa na abala sa paglilinis ng pinagkainan nila kasama si Romeo. Dinala niya rin sa loob ng kuwarto ang baby niya, magbabakasakali siyang mapawi nang kaunti ang sama ng loob ni Peterson. “Dad… Alam ko naman na ikaw ‘yong tipo ng tao na gustong maging maayos ang lahat sa lalong madaling panahon. Pero sa ngayon, hindi lang ito basta tungkol sa amin ni Seojun… Damay na rin dito sina Eclaire at EJ, ang buhay ng mga anak namin.” Hinawakan niya ang pisngi ng sanggol. Sa mga oras na iyon, bumubuhos sa kaniya ang pagsisisi sa mga padalos-dalos niyang desisyon. Hindi niya inakala na ganoon kahirap magdesisyon, lalo na at lalaki nang walang ama ang baby niya kapag sinunod nila ang na
“Anong kailangan niyo sa ‘kin?” matapang na tanong ni Marion. Alam na ni Seojun ang tungkol sa bagay na iyon pero hindi niya iyon ipinagmamalaki. At isa pa, hindi niya kasalanan ang kahit na anong ginawa ng mga magulang niya kaya wala siyang dapat na ikahiya. Biglang lumapit si Diana sa kaniya. Sinubukan niyang iiwas ang hawak niyang sanggol pero nahatak nito ang bonnet ng bata. Napansin kaagad nilang lahat ang mumunting hibla ng buhok ng bata kaya naman nakumpirma ni Diana ang hinala nito. “I see… Kaya naman pala bigla kang nawala. Nakikipaglaro ka ng bahay-bahayan dito sa Seoul.” “Kung wala kayong importanteng sasabihin, aalis na kami –” “Sandali!” Maglalakad sana siya paalis pero hinawakan ni Diana ang braso. “Anong akala mo? Hindi ko alam ang balak niyong mag-ama? Nandito ako ngayon para pigilan kayo!” “Miss… O kung sino man kayo… Bitawan niyo ang asawa ko.” Malumanay ang tinig ni Seojun ngunit may diin. Tinampal nito ang kamay ni Diana kaya walang
December 24, 2022. Araw ng sabado. Hindi kagaya ng nakasanayan ni Eclaire, walang snow sa Pilipinas. Mainit ang klima kumpara sa Seoul kaya hindi na siya nagtataka kung bakit halos hindi na pinapatay ang air conditioner sa buong mansyon. Pero ang hindi niya talaga makasanayan, ang kakaibang sistema ng buhay niya ngayon. Isang buwan lang ang ginawang preparasyon pero nakahanda na ang halos lahat. Kung nagulat siya noon sa klase ng luho na naramdaman niya sa kasal ng mga magulang niya sa Seoul, walang-wala ito sa nakikita niya ngayon. Sa isang five star hotel sa Manila gaganapin ang kasal. Nasa isang libo ang mga bisita na inaasahang darating, karamihan sa mga iyon ay mayayamang negosyante at mga pulitiko. Ang kasal na iyon ang magiging ‘debut’ ng kaniyang ina bilang isang ‘tagapagmana’ kaya pinaghahandaan iyon nang husto. Halos hindi na sila nagkikita-kita sa mansyon dahil abala ang mga ito palagi. Mahigit isang linggo na siya sa Pilipinas at ang unang pinagawa sa kan
Simula nang bumalik sa Pilipinas si Marion, naging abala na siya sa nalalapit na kasal nila ni Seojun. Sa dami ng kailangan piliin, bilhin, at asikasuhin; hindi na niya maintindihan ang mga nangyayari. Hindi siya makapaniwala na suportado nina Peterson at Diana ang kasal na iyon. Ang ini-expect niya, pipigilan ng mga ito ang kasal… Kagaya sa mga palabas sa telebisyon. Pero ngayon na magpa-Pasko, siniguro niyang magkakaroon siya ng oras para sa kaniyang mga anak. Siguro… Ganoon talaga kapag nanganak… Literal na iikot sa isang tao ang mundo mo. Kahit nasa kung saan siya, halos oras-oras niyang tinatawagan ang nanny ng baby niya para makasiguro na okay lang ito. Matagal na rin niyang hindi nakakasama si Eclaire kaya nami-miss niya na rin ito. Nakaupo siya sa tapat ni Peterson. Pinaupo naman niya si Eclaire sa tapat ni Seojun. Medyo malayo ang pagitan nila kaya mukhang hindi naman masyadong awkward ang pakiramdam ng mag-ama kahit nandoon si Peterson. Bukod pa roon,
“Kumpadre, sigurado ka bang aalis ka na? Nagsisimula pa lang ang party…” tanong ni Oscar. “Oo. Tutal… Nakuha ko na ang gusto ko.” Bahagyang umismid si Peterson para lalong asarin ang kausap. “Ikaw? Hindi ka pa ba uuwi?” “A… Naisip kong mag-stay pa ng ilang oras. Ilang taon ko ring hindi nakita at nakasama ang mga kaibigan ko.” Itinaas nito ang baso na may laman na champagne. “Paano iyan? Ingat na lang…” “Sige… Sige…” Ikinumpas niya ang kaniyang mga kamay na tila hindi siya interesado. “Aalis na ko. Baka sakaling maabutan ko pang gising ang apo ko.” Nakatalikod siya sa kaniyang kausap dahil hinihintay niya sa may entrance ang sasakyan niya. Ilang sandali pa at dumating na ang itim na SUV, si Romeo mismo ang nagmamaneho. Nang huminto ito sa kaniyang harapan, pumasok na siya at hindi na hinayaan pang bumaba ang bodyguard niya. Bahagya niyang sinilip ang dati niyang puwesto pero wala na pala siyang kasama. Naglalakad na si Oscar pabalik sa loob ng pa
Kagaya ng nakagawian ni Diana, ginugugol niya ang kaniyang oras sa pagsa-shopping, pakikipagkita sa kaniyang mga kaibigan, o pagbabakasyon sa ibang lugar. Pero dahil sa board meeting na iyon, kinailangan niyang pumunta. Ang totoo, excited siya noong dumating dahil alam niya ang lahat ng mga plano ni Oscar. Pero sa pagtatapos ng pagpupulong, umalis na lang siya nang hindi man lang kinakausap ang kaniyang asawa. “Walang kuwenta… Hanggang ngayon, hindi pa rin kayang matalo ni Oscar si Peterson,” bulong niya habang naglalakad sa corridor papuntang elevator. “G-good morning, Maam,” bati ng isang empleyado. Hindi siya sumagot at nagpatuloy lang sa paglalakad. Kahit hindi naririnig ang bulungan ng ibang mga empleyado na nakapansin sa kaniya, alam niyang siya ang pinag-uusapan ng mga ito. Lalo tuloy sumasama ang timpla niya! Sino ba kasing mag-aakala na kayang baligtarin ng isang tao ang kaniyang mundo dahil lang sa simpleng existence nito? At ang kinaiinis pa n