"Jacob," bulong ni Ivana nang marinig niya ang sigaw ni Diana. Hindi niya mawari kung bakit kusang humakbang ang mga paa niya para sundan ito. Nilingon niya muna si Jackson. Nang makita niyang nasagip na nito si Yael ay saka siya kumaripas ng takbo para sundan si Jacob. Biglang nagtago si Ivana sa isa sa mga poste ng gusali nang biglang lumingon sa likuran si Jacob. "May sumusunod ba sa akin?" bulong ni Jacob. Nang wala siyang nakita ay nagpatuloy siya sa pagtakbo patungo sa kinaroroonan ng elevator. Tinitigan na lamang ni Ivana ang likod ni Jacob dahil hindi naman siya puwedeng sumunod dito hanggang sa elevator. Mag-aaway lang sila kapag nakita siya nito. Dumaan muna siya sa buffet area dahil bigla siyang nagutom. "Since today is cheat day, I'm going to eat my favorite sweet foods! Mamaya na kita babalikan, Jackson," ani Ivana. Samantala, maingat namang ibinaba ni Jackson si Freya matapos niya itong maiahon sa pool. Lahat ng tao sa pool area ay nakatingin sa kaniya lalo na ang mg
"Kung makatingin ka parang gusto mo na akong patayin ah," bungad ni Diana sa kaniyang Kuya Jacob nang puntahan siya nito sa may pool area."Bakit ka nagsinungaling? Hindi naman nawawala ang laptop ko! Pinagod mo lang akong magtatakbo pabalik sa silid ko! Sa halip na nakapag-relax ako ay hindi! Parte ba 'yon ng mga kagaguhan mo ha Diana?" nagngangalit na tanong ni Jacob. Pikon na pikon siya sa ginawang iyon ng kaniyang kapatid. It's not a good joke too."I just want to see if you still have that amazing strength in your feet. Hindi ba't panlaban ka ng university niyo noon sa takbuhan?" mapang-asar na sagot ni Diana habang umiinom ng smoothie. Hindi niya naman puwedeng sabihin na iniiwas niya ang Kuya Jacob niya sa pamilyang inabandona nito! Besides, hindi nito alam na nagka-anak sila ni Freya.Namula bigla ang tainga ni Jacob. Mabilis siyang humakbang palapit sa kaniyang kapatid. Binuhat niya ito at inihagis sa pool. Nabasag ang glass na hawak ni Diana. Halos mapasinghap siya nang umul
Dumiretso sa restroom si Freya matapos ang komprontasyon nila ni Jacob para magbihis. Nang makapagpalit na siya ng damit ay tiningnan niya ang kaniyang sarili sa salamin. Hinihingal pa rin siya habang sapo-sapo ang kaniyang dibdib. Tumakbo kasi siya kanina nang mabilis sa takot na sundan siya ni Jacob. Hanggang ngayon ay kinakabahan pa rin siya."Good thing hindi ko kasama si Yael kanina," ani Freya. Marahan niyang inalis ang contact lenses sa kaniyang mga mata para mas maging komportable siya."Freya," tawag ni Diana.Aksidenteng natuunan ni Freya ang isa sa mga contact lenses niya dahil sa pagkagulat. Akala niya ay kung sino ang tumawag sa pangalan niya."Ma'am, nasaan po si Yael?" tanong ni Freya."Hinatid ko na muna siya sa room niyo kasi inaantok na raw siya. Don't worry nakabantay naman sa labas ng room niyo ang bodyguard ko. Anyway, naglunch ka na ba?" ani Diana."Hindi pa po.""Ano ka ba Freya, huwag mo na akong i-po. Mas matanda ka pa nga sa akin eh," natatawang sambit ni Dia
"Freya, I have a favor." Napakamot sa kaniyang ulo si Jacob dahil nahihiya siya sa dati niyang kasintahan."Maraming salamat sa pagtatanggol mo sa akin kanina sa EX-GIRLFRIEND mo. Kung alam ko lang na may kapalit pala iyon, umalis na lang sana agad ako." Tiningnan niya si Jacob na ngayon ay parang hindi mapakali sa kinatatayuan nito. "Pero sige, pagbibigyan kita para quits na tayo. Ano ba'ng hihingin mong pabor?Tumikhim si Jacob at bumuntong hininga. Kailangan niya ng partner na maihaharap kay Mr. Clinton kinabukasan. Alam niyang mas lamang si Ivana pagdating sa lahat pero susugal pa rin siya kay Freya. Maganda rin naman ito, simple nga lang kung manamit at walang kahit anong kolorete sa mukha."Be my girlfriend for a day," sambit ni Jacob sabay iwas ng tingin.Napanganga si Freya sa kaniyang narinig. "Mali ba ang dinig ko o talagang nais mo akong magpanggap na girlfriend mo sa loob ng isang araw?" pagkaklaro niya."The second one," Jacob replied."Huh! Nagpapatawa ka ba Jacob? Ayoko
"Freya are you there?" Diana said while knocking on the door.Bihis na si Freya. It's ten minutes before seven in the morning kaya dalas-dalas siya sa pag-aayos ng kaniyang sarili. She opened the door and saw Diana wearing her sleepwear."Do you have plans today? Ayain ko sana kayo ni Yael magshopping." Nang makita niyang bagong ligo si Freya at nakabihis, "looks like you're going somewhere.""Oo eh," tugon ni Freya.Napansin ni Diana na natutulog pa si Yael. "Hindi mo ba kasama si Yael?""Actually, that's my problem. May side hustle kasi ako today until 9P.M. kaso wala akong mapaghabilinan sa kaniya." Sinadya ni Freya na sumimangot. Umarte siyang problemado. Hindi niya puwedeng isama si Yael lalo na at si Jacob ang kasama niya buong araw."Aww, sobrang sipag mo naman. It's your vacation pero heto ka at humanap pa rin talaga ng way para magkaroon ng extra income. Hmmmm, you can leave Yael to me. Ako na ang bahala sa kaniya," nakangiting sambit ni Diana.Mabilis na hinawakan ni Freya a
"Freya, are you okay?" nagtatakang tanong ni Jacob. Pansin niya ang butil-butil na pawis nito sa noo. Ang mga mata nito ay hindi mapakali na tila ba palaging may hinahanap."P-punta lang akong restroom," pagpapalusot ni Freya.Tumango si Jacob at hindi na muling nagtanong pa. He made himself busy about business. Medyo sumakit ang ulo niya nang makatanggap siya ng sunod-sunod na email galing sa sekretarya ng kaniyang papa.Nililingon ni Freya si Jacob habang lumalakad siya. Kaunting hakbang na lang at malapit na siya sa restroom. Nang makita niyang tungong-tungo si Jacob sa cell phone nito ay agad siyang kumaripas ng takbo palabas ng restaurant."I need to find them before they find us first!" ani Freya habang mabilis na lumalakad. Halos lumuwa na ang mga eyeballs niya kaka-scan sa paligid. "Saan ba kayo nagsuot? Anak ng tipaklong!" sigaw niya nang may biglang kumulbit sa likod niya.Nanlambot ang mga tuhod ni Freya nang makita niya ang nakasimangot na mukha ni Jacob. Nakakrus ang mga
Tumalikod si Diana sa kinaroroonan nina Freya at Jacob. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ni Yael. "Tita, parang nakita ko po si mommy rito," sambit ni Yael. "No sweetie. Baka namamalik-mata ka lang. Siya nga pala, 'di ba you want to eat McDo's chicken joy?" nakangiting tanong ni Diana. "Yes po tita! Jabi po sana kaso sabi mo po walang Jabi rito kaya McDo na lang po," masiglang tugon ni Yael. "Tara! Puro seafoods at beef kasi rito sweetie. Lipat tayo ro'n," pangungumbinsi ni Diana. "Sure po tita! Thank you po," ani Yael. Pumihit na sina Diana para lumabas sa restaurant. Itutulak na niya ang pinto nang biglang … "Diana?" kunot-noong sabi ni Jacob. Napansin niya ang batang kasama nito. Hindi niya lang kita ang mukha dahil nakatalikod ito sa kaniya. Halata ang pagkagulat sa mukha ni Diana. 'Diana? Iyon ang babaeng nabanggit ni Jacob kanina ah! Si ma'am ba 'yong tinutukoy niyang brat kanina? Ay bahala na saka ko na lang itanong kay ma'am kung kilala niya ba si Jacob. Ang mas
"Jackson, where's your brother? He's five minutes late." 'Mukhang nabahag na ang buntot ng magaling kong kapatid! Tama ang naging desisyon niya tutal sa akin din naman mapupunta itong Escueza,' sigaw ng isip ni Jackson. "Ako na po ang humihingi ng pasensya para sa kapatid ko, Mr. Clinton. Maybe he forgot about this meeting? Anyway, can we start without him? I'm excited to discuss things with you," Jackson said while preparing his presentation and his check. Ngumiti sa kaniya si Mr. Clinton at binigyan siya ng pahintulot na magsimula na. Malagkit ang mga tingin ng matandang bilyonaro sa kaniyang girlfriend na si Ivana. Nang mapansin iyon ni Jackson ay agad siyang nagsalita. "Oh, I forgot to introduce my fiancée. Mr. Clinton, this is Ivana. Ivana, meet Mr. Clinton. I know that this is not the first time that you saw each other, right?" Mr. Clinton nodded. He bit his lower lip. Umiwas si Ivana nang mapansin niya iyon. "You look stunning tonight, my dear Ivana," sambit ni Mr. Clinton