Hi! This is Docky and I want to thank all of you for your unwavering support for this story. Gray Series 1, One Night Love (Tagalog) is now signing off. See you sa Gray Series 2 [One Night Darker (Tagalog)] at sa Gray Series 3 (Longing for my Ex-Wife's Return). Muwah.
I'm closing Jacob and Freya's lovestory today. Medyo naiiyak pa ako kasi ayoko pang tapusin pero kailangan na haha. Nagulat ba kayo sa ending? Haha.Anyway, magkakaroon po ng sariling story si Jackson Gray entitled ONE NIGHT DARKER. I hope you will support it too. Hindi niyo naman mamimiss sina Freya, Jacob at Yael dahil nandoon din sila sa story, 'yon nga lang...hindi na sila ang bida. Ang opening chapter lang ng One Night Darker ay scene mula sa kasal nina Jacob at Freya. Ayan, ini-spoil ko na kayo haha.Ang tagal din bago ko natapos ang librong ito at aaminin kong hindi naging madali ang journey dahil sa samut-saring problemang dumating - lack of ideas, too much workloads, personal problems etc. - but I'm glad na natapos ko na FINALLY! HAHAHAHA.AGAIN, MARAMING MARAMING SALAMAT PO SA PAGSUBAYBAY NG KUWENTO NINA JACOB AT FREYA. ASAHAN NIYO PONG IBUBUHOS KO ULIT ANG LAHAT NG MAKAKAYA KO SA MGA BAGONG LIBRONG GAGAWIN KO. Walang Docky kung wala po kayong mga readers ko. Salamat sa pagsuporta sa pangarap kong ito. Sana soon, magkaroon din ako ng best seller na libro.Masyado ng mahaba haha, drama ko eh. Mahal ko po kayo! Hanggang sa susunod na mga libro.ONE NIGHT LOVE (TAGALOG) NOW SIGNING OFF.DATE STARTED: SEPTEMBER 11, 2022DATE FINISHED: JUNE 03, 2023Nagmamahal,DockyEXPLICIT CONTENT AHEAD. PLEASE BE GUIDED! *** "ANG BABABOY NIYO!" malakas na sigaw ni Freya nang maabutan niyang magkapatong ang boyfriend niyang si Feever at ang former classmate niyang si Elle, sa loob mismo ng apartment na tinutuluyan nilang magkasintahan! Agad na nagtakip ng kumot si Elle habang si Feever naman ay dali-daling lumapit sa kaniya. "Freya…akala ko ba mag-o-overtime ka sa work mo ngayon?" Sinulyapan ni Feever si Elle na ngayon ay natatawa dahil sa sinabi nito. "Ang arte-arte mo kasi. May pangangailangan ang boyfriend mo. Hindi na uso ngayon ang mga mala-Maria Clara na babae. Naghanap tuloy ng iba si Feever." Inabot ni Elle ang bag nito sa ibabaw ng mesa at kinuha ang red lipstick. "Good thing, nahuli mo kami. Hindi na namin kailangan pang itago kung ano ang real score sa aming dalawa," anito. Pilit niyang ikinalma ang kaniyang sarili. Pumikit siya nang mariin, huminga nang malalim at saka ngumiti kina Feever at Elle na siyang ipinagtaka ng mga ito. "Hindi ka man
"Mom! I have some good news for you!" seven-year old Yael screamed as he entered the door.Dali-daling sinalubong ni Freya ang kaniyang anak na si Yael Anderson Gray. Kinamumuhian niya si Jacob pero nagawa pa rin niyang isunod sa pangalan nito ang kanilang anak. She gave him a warm hug before she kissed him on his cheeks. Hinawakan niya sa balikat si Yael at tumitig sa mga mata nito. His eyes, it always reminds her of him. Actually, his son is like a carbon copy of his father."Did Tita Rian fetch you?" Tumango si Yael bilang tugon. "Teka, ano pala 'yong good news ng smart boy ko?" Freya asked with excitement on her face."We are going to have a grand vacation, mom!" This time, si Yael naman ang yumakap sa kaniyang ina."G-grand vacation? Anong ibig mong sabihin anak?""I won the regional quiz bee today and my generous teacher rewarded me with these!" Kinuha ni Yael sa kaniyang backpack ang dalawang vouchers at dalawang plane tickets. "Look mom!"Nakangiting tiningnan at kinuha ni Fre
"What took you too long?" inis na bungad ni Ivana sa kaniyang long-time boyfriend."I'm sorry. I got stuck in the heavy traffic," tugon ni Jacob. He kissed Ivana on her cheeks before he sat down."Kumusta 'yong pinapagawa ko sa'yo? Pumayag na ba ang mga taga-baryo?" Napansin ni Jacob na tahimik sa paligid. Luminga-linga siya. "Nasaan ang mga empleyado mo rito? Bakit walang waiters na nagse-serve? I want some wine," aniya.Bumuntong hininga si Ivana habang pinagmamasdan ang bagong linis niyang mga kuko. "Pinauwi ko na sila. Ang tagal mo kasing dumating," walang emosyong turan niya.Jacob sighed before he got the elegant red dress out of the paper bag. Lumakad siya patungo sa likuran ni Ivana. He hugged and kissed her like he used to."Jacob, ano ba? I'm not in the mood. Pwede ba, bumalik ka na lang sa upuan mo?" sambit ni Ivana habang umiirap."Babe, please don't get mad at me. Look. I bought something for you." Nakangiting ipinakita ni Jacob ang pulang dress kay Ivana. His girlfriend
"Ibalik mo sa akin ang singsing kung sino ka man! Shit! This day really sucks!" inis na sabi ni Jacob habang mabilis na minamaneho ang kaniyang kotse. "I'll put you behind bars kapag nahuli kita! Thief!" Lalo pang binilisan ni Jacob ang pagpapatakbo ng kaniyang kotse pero lalo ring bumilis ang takbo ng tricycle na hinahabol niya. "Damn! You're dead when I catch you!" nagngingitngit na sambit ni Jacob. Biglang bumagal ang pagpapatakbo niya nang maalala niya ang repleksyon sa glass door ng babaeng nakakuha ng kaniyang singsing. "F-Freya?" Napatigil siya sa pagsasalita at umiling. "Is there something wrong with me? Nakita ko rin siya kanina sa Supermalls. Shit! Minumulto na yata ako ng konsensya ko! Pa-dalawang beses ko na siyang nakita ngayong araw!" Inalala ni Jacob ang gabing iyon kung saan pareho silang nag-init ni Freya. Hindi niya namalayan na nakangiti na pala siya. "I need to confirm kung si Freya ba talaga ang nakita ko today." Muli niyang binilisan ang pagpapatakbo ng kan
"Good morning po ma'am and sir. Welcome to Escueza Luxury Hotel. If you need something, please don't hesitate to call us for assistance," bati ng magandang staff ng hotel kina Jacob at Diana. Pulang-pula ang pisngi nito dahil sa blush on. Nginitian ni Diana ang staff ng hotel. "Thank you. We will call you if we need something," she said. Her eyes were smiling too. Siniko ni Diana si Jacob pero talagang dedma lang ito. "Welcome to Escueza Miss and Mr. Gray," bati ng manager ng hotel. "Where's Mr. Clinton?" Jacob asked. Hindi man lamang niya binati ang manager ng hotel. "He's still attending a meeting but he will arrive later, Sir Jacob. For now, let me take you to your respective rooms. After that, I can tour you around if you want to," sambit ng manager habang pilit na ngumingiti. "Give us our room cards. Kaya na naming hanapin ang aming mga rooms. We have here our bodyguards to assist us. Another thing, we are exhausted. We need to take a rest first," prangkang sagot ni Jacob.
"So this is Escueza! Kaya naman pala kating-kati ang mga kamay ni papa na makuha ito," manghang turan ni Jackson, ang stepbrother ni Jacob, habang inililibot ang kaniyang mga mata sa labas ng hotel. "Babe, do you really need my presence tomorrow? Tumawag kasi sa akin si daddy. We need to make a surprise for mom's birthday," sambit ni Ivana habang hinahaplos ang dibdib ni Jackson. "Babe, iniiwasan mo ba si Jacob? Mahal mo pa ba siya?" seryosong tanong ni Jackson. "O-of course not! Wala ako ngayon sa tabi mo kung siya ang mahal ko. Ano ka ba Jackson? Nakakatampo ka naman eh! Nag-effort na nga akong samahan ka rito. Mas pinili kita kaysa sa mga business meetings ko tapos babanatan mo ako ng gan'yan," nag-iinarteng wika ni Ivana sabay talikod kay Jackson. Napangiti siya nang bigla siyang yakapin nito mula sa likuran. "I'm sorry. Alam mo namang kalaban ko si Jacob sa bidding 'di ba? Alam mo ring gustong-gusto ka ni Mr. Clinton. Wala ka namang gagawin bukas kung hindi titigan 'yong matan
"Mom, bakit po tayo nagtatago? Gusto ko pa pong magswimming," nakatungong sambit ni Yael."Anak, sorry." Iyon lang ang naitugon ni Freya kay Yael. Ayaw na niyang dagdagan ang kaniyang kasalanan dito.Nang makita ni Freya na umalis na si Jacob ay saka sila lumabas sa kanilang pinagtataguan. Nakahawak siya sa kamay ni Yael. Bumagsak ang mga balikat niya nang biglang bumitiw si Yael sa kaniya."Yael," ani Freya."May itinatago ka po ba sa akin, mommy? Lately, napansin ko pong para kang laging balisa. May tinataguan ka po ba? May malaki po ba kayong pagkaka-utang gaya noong mga napapanood ko sa TV?" nakasimangot na tanong ni Yael.Magsasalita na sana si Freya nang biglang may nagsalita sa kaniyang likuran."Is he your child?" tanong ng lalaki.Pumihit si Freya at inakbayan si Yael."Yes. And you are?"Kuminang ang mga mata ng lalaki at ngumiti nang nakakaloko. "Have we met before?" aniya.Kumunot ang noo ni Freya. 'Bakit ba ako nakikipag-usap sa isang taong hindi ko naman kilala?' ani ng
"Jacob," bulong ni Ivana nang marinig niya ang sigaw ni Diana. Hindi niya mawari kung bakit kusang humakbang ang mga paa niya para sundan ito. Nilingon niya muna si Jackson. Nang makita niyang nasagip na nito si Yael ay saka siya kumaripas ng takbo para sundan si Jacob. Biglang nagtago si Ivana sa isa sa mga poste ng gusali nang biglang lumingon sa likuran si Jacob. "May sumusunod ba sa akin?" bulong ni Jacob. Nang wala siyang nakita ay nagpatuloy siya sa pagtakbo patungo sa kinaroroonan ng elevator. Tinitigan na lamang ni Ivana ang likod ni Jacob dahil hindi naman siya puwedeng sumunod dito hanggang sa elevator. Mag-aaway lang sila kapag nakita siya nito. Dumaan muna siya sa buffet area dahil bigla siyang nagutom. "Since today is cheat day, I'm going to eat my favorite sweet foods! Mamaya na kita babalikan, Jackson," ani Ivana. Samantala, maingat namang ibinaba ni Jackson si Freya matapos niya itong maiahon sa pool. Lahat ng tao sa pool area ay nakatingin sa kaniya lalo na ang mg