Share

CHAPTER III

     “AND by the way, kasama natin ngayon ang celebrity-writer and painter na si Mr. Elijah dela Torre!”

Malakas na palakpakan at hiyawan mula sa audience ang sumalubong kay Elijah nang makita ito ni Celeste sa screen ng kanilang napakalaking telebisyon. Katabi niyang nakaupo sa sofa at nanonood si Madel. Hindi maiwasang mapangiti nang malaki ni Celeste nang makita niya sa TV sa Elijah. Walang kaba sa mukha nito at halatang sanay na sa mga ganoong pagkakataon. Maraming beses na kasi itong lumabas sa iba’t ibang TV show kaya hindi na bago para rito iyon.

“Elijah, ano ang bago sa iyo?” tanong ng host na isang kilalang sexy actress—si Layla Rodriguez.

“Thank you, Layla! I am here to promote my newest book—My Wife! Available na ito sa lahat ng leading bookstores for only 799 pesos. Kaya please, grab your copies, guys!”

Kinuha ni Layla ang copy ng My Wife na hawak ni Elijah. “Wow! The cover is so intruiging! Can I have this copy for myself, Elijah?” Nagpa-cute pa si Layla.

“Sure!”

“You have to signed this book sa backstage, ha!”

“No problem!”

“By the way, before we let you go. I have one question left. What is your inspiration in writing this book—My Wife?”

“Of course, by the title itself, obviously ang inspiration ko ay ang aking asawa na si Celeste. This book is all about her. Fictional but the main character is based on her. She’s my inspiration and the only love of my life. She brought the best in me kaya naisipan kong magsulat ng isang novel to honor her love for me. I love you, Celeste! I know you’re watching and happy anniversary to us!” Diretsong nakatingin sa camera si Elijah nang bitawan nito ang mga salitang iyon kaya pakiramdam ni Celeste ay nasa harapan niya ito habang sinasabi iyon sa kaniya.

“Your wife is a one lucky woman!” pakli ni Layla.

“I am lucky too to have her!”

Kinikilig na tumili si Madel. Nagulat siya. “Grabe naman talaga si kuya, ate! Nakakakilig! Nasa iyo na talaga ang korona!” Umakto pa ito na nilalagyan siya ng korona sa ibabaw ng kaniyang ulo.

“Puro ka talaga kalokohan, Madel!” Natatawa niyang wika.

“Totoo naman, ate. Pero imbyerna ako sa Layla na `yan. Halatang nagpapa-cute kay kuya. Naku! Ang sarap sabunutan!”

Napansin nga rin iyon ni Celeste. Panay ang hawak ni Layla sa braso ni Elijah kanina habang magkausap ang dalawa. Iba rin ang tingin ng babae sa kaniyang asawa. Pero wala siyang pagseselos na naramdaman. Buo ang tiwala niya kay Elijah dahil alam niya na mapagkakatiwalaan ito. Hindi ito tumitingin sa ibang babae kahit anong ganda pa nito. Alam niya na mahal na mahal siya ni Elijah to the point na hindi ito magtataksil sa kaniya.

“Okay lang. Hindi naman siya papatulan ng asawa ko kahit anong gawin niya.” Confident na sabi ni Celeste.

“Ay, tama ka riyan, ate! Kung bibigyan ng award si kuya, iyon ay Mr. Faithful kasi faithful siya sa iyo. Saka laking ganda at sexy mo naman sa Layla na iyon, ate. Ikaw, wala kang make up pero dyosa na. E, si Layla, isang kilo yata ng make up ang nasa mukha pero hindi pa rin maganda!”

Natawa na naman siya kay Madel. “Ikaw ba, Madel, ay mag-a-advance kaya panay ang puri mo sa akin?” biro niya.

“Hindi ako mag-a-advance, ate. Nagsasabi lang ako ng katotohanan!”

“Oo na, naniniwala na ako sa iyo.”

Natigil ang pag-uusap nila ni Madel nang may mag-doorbell. Lumabas muna si Madel para tingnan kung sino ang tao sa labas. Pagbalik nito ay may kasama itong isang maliit na babae na may maikling buhok. Si Jessabelle. Nakatira rin ito sa Solaris Village at nasa kabilang block lamang ito. Asawa ito ng kaibigan ni Elijah na si Rupert. Kaya naging kaibigan na rin niya si Jessabelle. Ninang siya ng panganay nitong anak.

“Hello, Celeste!” bati nito sa kaniya at nakipag-beso sa kaniya ito.

“Hi. Kumusta ka na?”

“`Eto. Still happy! Anyway, hindi na ako magtatagal. Ibibigay ko lang sa iyo itong invitation para sa party sa mga homeowners dito sa Solaris.” Isang white envelope ang inabot ni Jessabelle sa kaniya.

“Kailan pala ito?”

“Mamayang gabi na. Isama mo si Elijah, ha?”

“Kapag walang lakad si Elijah, isasama ko siya. Pero ano palang meron at may party?”

“Birthday kasi ni Guada. Alam mo naman iyon, gusto laging pabida! Narinig ko nga na nangutang pa siya para sa party niya at magpasikat sa ating lahat. Pero iyon ay hindi ko pa sure. Narinig ko lang!” Ganoon talaga si Jessabelle. Palagi itong may hatid na tsismis. “Anyway, I have to go na. Ako kasi ang abala sa pagbibigay ng invitation sa mga invited na homeowners. Bye, Celeste!”

“Okay. Mag-iingat ka,” aniya rito. Inutusan niya si Madel na ihatid si Jessabelle sa gate.

Binuksan ni Celester ang invitation at nakita niya roon na evening gown ang dapat na isuot ng mga babae. Gaganapin ang birthday party ni Guada sa Solaris Hotel. Isa iyong luxury hotel kaya hindi talaga biro ang magiging party nito kaya dapat ay paghandaan niya iyon. May mga gowns naman siya kaya hindi na niya kailangang bumili pa.

Sa loob ng dalawang taon na nasa Solaris Village siya ay natuto siyang makipagkaibigan sa mayayamang tao. Lahat kasi ng nakatira sa lugar na iyon ay masasabi na mayaman. Lahat ay nagmamay-ari ng malaking bahay. Isa na sina Jessabelle at Guada sa mga naging kaibigan niya roon. Meron pang dalawa. Sina Armie at Soleen. Sa apat ay si Armie ang pinaka close niya. Lahat sila ay meron nang mga asawa.

Nang nakabalik na si Madel mula sa paghatid kay Jessabelle sa gate ay nagpatulong siya rito na pumili ng gown na susuotin niya para sa party mamayang gabi.

“Ate, `eto kayang gold na gown ang isuot. For sure, lulutang lalo ang ganda mo. Bubula ang bibig nilang lahat sa inggit!” ani Madel habang hawak ang isang napakagandang gold gown na may malalim na hakab sa dibdib.

“Masyadong revealing naman iyan. Hindi bagay sa event mamaya. Saka hindi ko naman gusto na maging pinaka maganda. Birthday party iyon ni Guada. Baka isipin pa niya na inaagawan ko siya ng spotlight.”

“May point ka, ate. Baka awayin ka ni Ma’am Guada. `Di ba, number one na inggitera iyon?”

“Madel. Hindi ka dapat nagsasalita ng ganiyan sa isang tao…” Mahinahon niyang saway sa kasambahay.

“Sorry, ate. Nagsasabi lang naman ako ng totoo,” anito.

Ipinagpatuloy niya ang paghahanap ng gown. Hanggang sa isang white gown na mermaid ang design ang pumukaw sa kaniyang atensiyon. Hindi ganoon ka-revealing at may mahaba iyong sleeves. Kinuha niya iyon at idinikit sa kaniyang katawan. Sa pagkakatanda niya ay hindi pa niya naisusuot ang gown na iyon. Binili iyon ni Elijah sa kaniya para sa isang event pero hindi siya nakasama sa naturang event dahil nagkasakit siya.

“Sa tingin mo, ito kaya?” tanong niya kay Madel.

“Wow! Ang ganda niyan, ate! Kung ako sa iyo, iyan ang isusuot ko mamayang gabi!” Napapalakpak pa si Madel sa sobrang tuwa.

     MATAPOS ang mabilis na TV appearance ni Elijah sa isang sikat na noontime show ay dumiretso na siya sa dressing room na inilaan sa kaniya sa studio na iyon upang kunin ang kaniyang mga gamit. Wala siyang assistant sa araw na iyon dahil sandali lang naman ang gagawin niya.

Habang inaayos niya ang mga gamit niya ay isang tawag mula sa boss niya sa publishing company kung saan siya nagtatrabaho ang kaniyang natanggap. Anito, magkakaroon sila ng isang dinner meeting sa isang movie producer na interesadong gawing pelikula ang isa sa aklat na isinulat niya.

Labis ang saya ni Elijah sa napakagandang balita na iyon. Kung magkakaayos kasi ang meeting mamayang gabi ay iyon na ang pangalawang beses na magkakaroon ng movie adaptation ang kaniyang isinulat na nobela. Excited na tuloy siyang makauwi para sabihin kay Celeste ang magandang balita. Sigurado siya na matutuwa rin ang kaniyang asawa.

Isinukbit na ni Elijah ang duffle bag sa balikat. Palabas na sana siya ng dressing room nang biglang pumasok si Layla habang dala ang kopya ng libro niya na hiningi nito noong on air sila kanina.

“You’re leaving? Akala ko ba ay pipirmahan mo pa itong book mo?” turan nito. Isinarado nito ang pinto at naglakad papunta sa kaniya. Kapansin-pansin ang pamumungay ng mata nito at ang pagkagat nito sa labi na para bang inaakit siya.

“Oo nga pala. Sorry, nagmamadali kasi akong umuwi. My wife is waiting. May ballpen ka ba?”

Inabot ni Layla sa kaniya ang aklat at ballpen.

Medyo nakaramdam siya ng pagkailang dahil habang pinipirmahan niya ang aklat ay titig na titig si Layla sa kaniya.

“Napakaswerte talaga ng asawa mo sa iyo, Elijah. You’re hot. Artist. Smart. Rich. Lahat na yata ng hihilingin ng isang babae sa asawa ay nasa iyo na.”

Ngiti lamang ang isinagot niya sa babae. Alam niya na nakikipag-flirt ito sa kaniya. Hindi iyon ang unang beses na may babaeng gumano’n sa kaniya.

“Here.” Inabot niya ang aklat kay Layla.

Ngunit imbes na kunin nito iyon ay kinabig siya nito sa batok at inilapit nito ang labi sa labi niya. Mabuti at naging maagap niya na mahawakan sa magkabilang balikat si Layla at nailayo niya ito sa kaniya.

“Hey! Anong ginagawa mo?” Kunot-noong tanong ni Elijah.

“I just want to kiss you… Oh! Hindi lang pala kiss. I want you to fuck me, Elijah! Let’s do it here. Walang makakahuli sa atin. Quickie. Don’t worry, gusto ko lang ma-experience ang isang Elijah dela Torre.” Muling lumapit si Layla at nagulat siya nang dinakma nito ang kaniyang pagkalalaki.

Mabilis na tinabig ni Elijah ang kamay ni Layla. Ipinakita niya rito ang wedding ring na suot niya. “See this? May asawa ako, Layla.” Hindi siya makapaniwala sa pagiging agresibo nito.

“Alam ko. Iyan nga ang gusto ko, e. Married men. Mas exciting! Hindi naman malalaman ng asawa mo.”

“Sorry pero hindi ako kagaya ng iniisip mo. Faithful ako sa asawa ko.”

Malandi itong tumawa. “You can’t fool me. Pare-parehas kayong mga lalaki. Iisa lang ang kahinaan ninyo.” Mabilis na hinubad ni Layla ang blouse nito at isinunod ang bra. Ibinuyangyang nito ang malaki nitong dibdib.

Naiiling na napangisi si Elijah. Akala yata ni Layla ay madali siyang matukso sa mga ganoong bagay. “My wife’s breast is nicer. Hindi ako mate-tempt sa pinapakita mo. Magkaroon ka sana ng self-respect. And don’t worry, alam ko kung gaano mo kailangan ang trabaho mo sa noontime show na ito kaya hindi makakarating sa management ninyo ang pambabastos mo sa akin. I have to go.” Pagkasabi niya niyon ay nilagpasan niya si Layla at dire-diretsong lumabas ng dressing room.

Natawa siya nang maalala ang naiinsultong mukha ni Layla sa huli niyang sinabi. Alam niya na masyadong rude ang binitiwan niyang salita ngunit sa tingin niya kasi ay hindi siya titigilan ng babae na iyon hanggang hindi ito sinasampal ng katotohanan.

Nagkakamali si Layla sa pagkilala sa kaniya. Kahit sinong babae ay walang makakatukso sa kaniya. Mahal na mahal niya si Celeste. Wala itong ginagawang mali para lokohin niya ito. Napakabuting babae at asawa nito sa kaniya kaya hindi niya ito kayang saktan. Kahit pa sabihin na hindi malalaman ni Celeste ay hindi pa rin niya kaya.

Nang makarating si Elijah sa bahay ay pinuntahan niya agad si Celeste sa garden nito na nasa likod ng kanilang tahanan. Nagdidilig ito ng mga tanim nitong halaman. Niyakap niya ito at h******n sa labi.

“Ang gwapo mo sa TV! Saka nakakakilig `yong sinabi mo, ha!” turan ni Celeste sa kaniya.

“Bakit? Hindi ba ako gwapo sa personal?”

“Mas gwapo ka sa personal!” anito. “Kumusta naman pala ang guesting mo kanina? Wala ka palang assistant. Dapat ay isinama mo ako.”

“Dapat talaga ay isinama kita para hindi nakalapit sa akin si Layla!”

“Iyong host no’ng noontime show?”

“Yes. After my appearance she went straight sa dressing room ko. She wants to have sex with me and even showed her boobs. Akala niya yata ay madadala niya ako sa ganoon. I rejected her. Kung makikita mo lang `yong mukha niya when I rejected her, matatawa siya. Hindi siya makapaniwala na tatanggihan ko siya!” Natatawang pagkukwento niya.

May lungkot na bumakas sa mukha ni Celeste. “Tama pala iyong napansin ni Madel kanina habang pinapanood ka namin sa TV. May gusto sa iyo si Layla,” turan nito.

“O, `wag kang malungkot. Alam mo naman na kahit sinong babae ang lumandi sa akin ay hindi ako papatol sa kanila. Napakatanga ko na lang kapag pumatol ako sa kanila. I have the best and most beautiful wife!”

Nagawa na niyang pangitiin si Celeste. “Alam ko rin naman. May tiwala naman ako sa iyo, Elijah. Nakakalungkot lang isipin na may mga babae na pinipiling landiin ang isang lalaki kahit aware sila na may asawa na ito o may girlfriend…”

“Ang mga babaeng ganoon ay mababa ang uri. Malayong-malayo sila sa iyo. You’re one of a kind!” Muli niyang ginawaran ng mabilis na halik sa labi ang asawa. “Oo nga pala, enough of that nonsense. I have a good news for you.”

“Ano `yon?” Banaag agad sa mata ni Celeste ang excitement.

“May isang movie producer na interesadong gawan ng movie adaptation ang isa sa mga book ko!”

“T-talaga?! Congratulations!” Masaya siyang niyakap ni Celeste. “Nakaka-proud talaga ang mister ko!”

“Thank you!” aniya matapos na humiwalay si Celeste sa pagkakayakap sa kaniya. “Pero depende pa rin sa mapag-uusapan namin. Mamaya ay magkakaroon kami ng dinner meeting at pag-uusapan ang project na iyon. Kapag gusto ko ang vision nila sa book ko ay ibibigay ko sa kanila ang book ko.”

“May lakad ka pala mamayang gabi. Invited kasi tayo mamaya sa birthday party ni Guada sa Solaris Hotel. So, hindi ka makaka-attend?”

“Pasensiya ka na, Celeste. Pero hindi ko kailangang palampasin ang dinner meeting na iyon. Sorry kung hindi ako makakapunta para samahan ka. Sabihin mo na lang kay Guada na may importante akong lakad.”

“Ano ka ba? Hindi mo kailangang mag-sorry. Okay lang. Ako na ang bahalang magpaliwanag kay Guada,” turan ni Celeste sabay ngiti.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status