"Magz, pinapapunta ka ni Boss sa office niya," boses ni Ellen ang umalingawngaw sa kabuuan ng operation department.
Napatingin siya sa direksyon ni Ellen na siyang kakapasok lamang ng kanilang opisina. Unlike other departments, where each one has a dedicated cubicle, their department office is different.
Pagkapasok mo ay isang malaking round table meeting na good for 20 persons ang bubungad sa'yo. Nasa kanang bahagi ng pinto naman ang malaking organizer shelves na nakalaan sa bawat district team. Sa kabilang bahagi naman ay ang mga office supplies na nakalaan sa department nila at iba pang office equipment. At sa kaliwang bahagi ang malaking TV LED screen na nagsisilbing stage para sa presentation.
Sinadya ang design dahil ang department nila ay hindi naman madalas sa opisina. Nasa field, nasa branch sila sa buong limang araw ng isang linggo. Napapadpad lamang sila ng kanilang opisina sa tuwing monthly or urgent meeting, product rollout or training, contract signing or franchise meeting, opening of new branch conference, liquidation submission and or worst makakatanggap ng summon.
“May restricted bonus siguro matatanggap ang isang ito,” nagbibirong saad ni Shaira.
Napangiti ang dalaga sa tinuran ng kapwa district manager. “Si OM ba andun din?” tanong niya kay Ellen na humahakbang na patungo sa napag-iwanan nitong upuan.
Malapad ang ngiti na gumuhit sa labi nito saka mariin na tumango. “Nandun din iyong gwapong best friend ni Boss,” kinikilig nitong sabi.
Napangiti na lamang si Magz habang napapailing sa narinig. Sa isang buwan halos dalawang beses lang sila nagkakasama-samang apat na district manager kaya hindi talaga nila maiwasan na ma-miss ang isa’t-isa.
“Kinikilig ang buntis! Behave yourself, Ell!” si Desiree ang sumita kay Ellen.
Napasimagot si Ellen at pinakatitigan ng masama si Desiree. “Hoy, Des! Normal iyan sa’tin na mga babae kapag nakakakita ng vitamin sa mga mata. Eh, kahit kayo! Talagang malo-loose thread ang panty pag makakita ng ganung kagwapo, ano!” kastigo nito sa kasama.
“Wow! Talagang malo-loose thread iyong panty ko?” pang-aasar na turan ni Desiree. Nasa mukha nito ang matiniding pagpipigil na hindi matawa sa reaksyon ng buntis.
Napailing na lamang si Magz habang inaayos ang mga documents na kaka-print niya lang at dadalhin sa 10th floor sa opisina ng kanilang CEO.
Malakas na tawanan na ang humari sa kabuuan ng kanilang opisina.
“Believe me mga madam, super hot at gwapo talaga ng best friend ni Boss. Ang chikka sakin ni Rhea kababalik lang daw nun last monday from States at halos araw-araw daw iyon dito. Pinauwi ng pamilya dahil ikakasal sa alam niyo na, isa din sa mga anak ng bilyonaryo dito sa Pilipinas,” kwento ni Ellen.
“Kaya pala ang tagal mo bago nakabalik. Naki-tsismis ka pa pala roon,” komento ni Shaira.
“Hindi pa kasi agad ako pinapasok ‘no! At isa pa, si Rhea ang nag-open up tungkol dun sa best friend ni Boss. Kaya nga bothered at curious na curious ako na makita iyong gwapong iyon nung pinapasok na ako,” depensa ni Ellen.
Ang Rhea na tinutukoy ni Ellen ay ang sekretarya ng kanilang binatang Boss.
“Magz, baka magka-chance ka mamaya na makunan iyon ng picture, ipakita mo samin agad,” bungad ni Desiree nang makalapit siya ng kanilang round table.
Napatingin ang dalaga sa kinaroroonan ni Desiree saka umiling ng ikatatlong beses. “Huwag niyo na nga ako idamay sa kung anumang kalokohan ang naglalaro dyan sa isip niyo,” nakangiti niyang angal sa mga ito.
“Hoy, Marga! Masyado kang seryoso sa life! Tigilan mo iyang bisyo na iyan, hindi iyan nakakabuti! Lalo na sa’yo na dalaga pa. Dapat hindi ka lang parate nasa mundo ng trabaho natin. Habang single ka pa, enjoy your life, dai!” pangaral ni Shaira.
Sa kanilang apat si Shaira ang senior district manager nila, at ang pinakamatagal na rin sa kompanya. Assistant manager pa ito nang magsimula sa kanilang kompanya na pinagtatrabahuan hanggang sa na promote.
Lahat naman silang apat ay parehong na-promote. Si Elle ay mahigit fifteen years na rin. Habang sila ni Desiree ay halos batchmate lang nang magsimula sa kompanya ngunit galing sila sa iba’t-ibang district.
Ang kaibahan nga lang niya sa tatlong kasama, maliban siya ang pinakabata, maaga siyang na-promote, hindi nagsimula sa assistant manager na position. Hired siya as branch manager, at tatlong taon pa lamang siya sa kompanya ay na-promote agad siya sa pagiging area manager. At pagkatapos ng tatlong taon mula nung una siyang na-promote ay nag-level up din agad siya sa position niya ngayon.
“Naku, ate Des, this way ko nae-enjoy ang single life ko, okay?” sagot niya habang hinahanda ang dadalhing laptop.
“Iyong ganitong usapan niyo ha, alam na alam ko na talaga saan ang punta nito,” natatawa niyang banta sa mga ito.
Napahagikgik naman ang tatlo sa sinabi niya. Aside na siya ang pinakabata sa kanilang apat ay siya na lang din ang single. Kaya sa tuwing nagkikita silang apat, siya ang madalas na topic ng mga ito para ma-chill sa heavy pressure ng kanilang trabaho.
“Lambingin niyo na lang si IT sa 8th floor para masilip iyang lalaking pinag-uusapan niyong iyan,” suhestiyon niya bago tinahak ang distansya palabas ng kanilang opisina.
Nahagip pa ng kanyang peripheral vision na nagkapalitan ng tingin ang tatlo. Tila na-realize ng mga ito ang sinabi niya bago siya tuluyang lumubas ng pinto.
Mahigit walong taon na siya sa kompanya. Ang assigned district or region niya ay ang buong region ng Mindanao. Si Desiree naman sa Visayas samantala pinaghatian nina Shaira at Ellen ang Luzon.
Depende sa ilang branch meron sa isang lungsod o region ang handle nilang Area Manager. Ang ginawa niya sa kanyang district, ang twelve branch nila sa Davao ay hinati niya sa kanyang anim na area manager, at binigyan ng assign region ang bawat isa.
“Hello, Madam Marga! I miss you so much!” bati sa kanya ni Rhea nang mapatingin ito sa kanyang direksyon.
She pouted her lips in hesitation. Hindi na bago sa kanya ang makatanggap ng iba’t-ibang compliment mula sa mga katrabaho. Kung hindi tungkol sa kanyang performance ay mas madalas sa taglay niyang physical appearance.
“Miss you din, Madam. Pwede na ba akong pumasok?” direkta niyang tanong dito.
Kahit ilang beses niya ng nakaka-face-to-face meeting ng solo ang binata nilang CEO ay kinakabahan pa rin siya sa tuwing nakakaharap ito. Maliban kasi sa kaba ay pinagsisikapan niyang hindi mahalata na kinikilig siya sa tuwing nakikita ito.
“Sandali, Ganda. Itatanong ko muna. Nasa conference iyon ngayon kasama ang OM niyo, training at marketing head. Iyong hot niyang best friend ang una mong makikita pagkapasok mo sa pintong iyan,” nakangiti nitong pahayag sabay turo sa pinto ng opisina ng kanilang CEO saka nag-dial sa intercom phone nito.
Ang apartment niya ay may mumunting sala na para sa apat na tao, may isa ding CR at kusina. Ngunit isa lang ang kanyang kwarto. Hindi niya alam kung ilang square meter ang kabuuan nu’n pero sigurado siya na times three ng laki ng apartment niya ang opisina ng kanyang CEO. Pagkapasok niya sa opisina ay hindi agad makikita ang CEO’s office table, kung hindi ang good for five person na hallway. Ang nasa kanang bahagi niya ay ang glass panel ng sariling conference room ng CEO. Mahigit sampung metro din ang haba nu’n, saka iluluwa ang munting sofa ng opisina, at sa pinakadulo ang office desk ng kanilang CEO. Natigil siya sa paghakbang nang magtama ang kanilang paningin ng lalaki na marahil ang best friend ng kanilang CEO. Naka-dekwarto itong nakaupo sa swivel chair ng kanyang CEO habang hawak-hawak ang phone nito. Kitang-kita niya kung paano siya nito pasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa, saka muli siyang pinakatitigan sa kanyang mukha. Daig pa niya pa ang walang saplot sa paraan n
Agad niyang naitulak ang lalaki ngunit hindi niya kayang pantayan ang lakas nito sa pagpigil sa kanya na kumawala mula rito.“Xander! Let go of Margarette at once!” pasigaw na sita ni Miguel sa kaibigan nito, bumabahid pa rin sa boses nito ang pagiging authoritative.Napigil ng dalaga ang paghinga sa tinuran ng kanyang Boss. Ramdam niya ang galit sa boses nito. Nang lumuwag ang pagkakahawak ng preskong lalaki sa kanya, agad siyang kumawala rito saka tinalikuran, at naging mabilis ang kanyang hakbang papunta sa conference room.Nahagip pa ng kanyang pandinig ang malakas na pagtawa ng preskong lalaki, bago tuluyang nakapasok ng conference room.Malalim na paghinga ang kanyang pinakawalan matapos mainom ang isang basong tubig. Napahawak siya sa sariling dibdib. Daig niya pa ang nakipag-paligsahan sa isang athletic sports habang sila ay nagme-meeting. Hindi niya alam kung bakit hinayaan ng kanyang Boss, na mag-sit in sa kanilang meeting ang presko nitong kaibigan. Sa mahigit dalawang ora
Napigil niya ang kanyang paghinga at dagli’y sangkaterba na mga question marks ang lumukob sa kanyang diwa.Ganun ba ako ka-obvious sa nararamdaman ko sa boss ko? “Why don't you give me at least one chance, Marga? Even if it's just one night, so I can prove to you how good I am at giving a one-of-a-kind pleasure to a woman,?” he said seriously looking at her eyes intensely.Nakusot ang kanyang noo. Kahit mahigit anim na taon na siyang walang boyfriend ay sigurado siyang naiitindihan niya ang tinutukoy nito.“Talaga bang nasa matino kang pag-iisip? O talagang manyak ka lang?” she asked unconsciously. Huli na para bawiin ang mga salitang binitawan niya. Unti-unting nagising ang kaba sa kanyang dibdib sa nasabi niya ngunit dagli iyon naglaho nang mapansin ang kakaibang reaksyon sa gwapo nitong mukha.Kitang-kita niya ang amusement sa mga mata nito saka ito ulit nagpakawala ng malakas na pagtawa. Dahil mahigit dalawa o tatlong dangkal lang ang layo ng mukha nito sa kanya ay nagkaroon si
Nagpakawala siya ng malalim na paghinga, matapos niyang ma-win back ang customer na nag-complaint. Mas nastri-stress pa siya sa complaint kaysa sa sangkaterbang daily task niya. Nagkataon na kararating niya lamang sa branch ay complaint agad ang sumalubong sa kanya. Hindi niya rin ma-blame ang manager-on-duty na hindi agad na-attend ang nag-complaint dahil nasa stock receiving area pa. Kaya kahit bitbit niya pa ang mga gamit ay hinarap niya na agad ang customer at ni-resolve ang complaint nito. Napatitig siya sa kanyang laptop. Kahit dalawang araw na ang lumipas mula nung narinig niya ang pinag-uusapan ng kanyang boss at kaibigan nito ay sumasagi pa rin sa isip niya iyon, lalo na kapag nagkakaroon ng slack time ang kanyang diwa. Two years ago nang nag-take over sa kompanya ang binata niyang boss na si Miguel at mula nung araw na iyon ay kabilang na siya sa secret fans club nito. Hanggang sa isang araw ay na-realize niya na hindi isang simpleng paghanga lamang ang nararamdaman niya
Marga shakes her head unbelievably, staring at him with annoyance. “Ayoko lang maging masaya ang mga tsismosa, Mr. Xander,” depensa niya saka ikinibit ang mga balikat. Lalo pang lumapad ang pilyong ngiti sa labi ni Xander habang humahakbang palapit sa kanya. “Ano ba’ng complaint mo ha?” naiinis niyang kastigo rito. “You know what I want, Baby,” maagap nitong sagot. Nagdikit ang mga kilay ng dalaga saka pilit na inaalala ang tinutukoy nito habang nakikipagsukatan ng tingin sa pilyong binata. “How about tonight? Would you like me to warm your bed?” he asked seductively. Halos mailuwa ni Marga ang kanyang mga mata sa di inaasahan na maririnig mula rito. She was dumbfounded. Napatingala siya rito nang tuluyan itong makalapit sa kanya. "No matter which angle I look at you, you're still very beautiful, baby," humahanga nitong sabi at bahagyang yumuko upang magpantay ang kanilang mga paningin. “Excuse me? Naglolokohan ba tayo rito?” seryoso niyang tanong. Hindi niya alam kung saan o
Nasabunutan niya ang sarili nang maalaala na naman ang huling eksena nila ni Xander kahapon. Naikuyom niya ang kanyang mga kamao saka pabalik-balik sa kanyang nilalakaran na para bang natatae. “Is that the only way to prove that your instinct was wrong?” she uttered unbelievably. Gustong-gusto niya na itong itulak pero batid niyang hindi pa rin siya magwawagi dahil hindi sapat ang kanyang lakas. Unang beses ito na hinayaan niya ang kanyang sarili na may lalaking makalapit sa kanya ng ganito. Hindi niya mawari kung bakit sa kabila ng mga sinasabi nito sa kanya, at hindi niya pa ito gaano kakilala ay tiwala siyang wala itong gagawing masama sa kanya. “Yes, baby,” maagap nitong sagot saka lalong idinikit ang pisngi sa kanya. Kusang naipikit ni Marga ang kanyang mga mata sanhi ng kakaibang sensasyon dulot ng pagkakadikit ng kanilang mga balat. Hindi niya maitindihan kung bakit biglang nagwala ang kanyang dibdib at binalot siya ng takot na dahil sa sobrang lakas ng pagtibok ng puso ni
Lalong nangusot ang kanyang noo sa narinig. “Ano kamo? Boyfriend ko?” nalilito niyang tanong at naituro pa ang sarili. Makapanabay na tumango ang dalawa na hindi pa rin naaalis ang kilig at saya sa mga mukha. Pagak na napatawa ang dalaga saka tumayo. “Hoy! Kayong dalawa ha, tigilan niyo ko!” wari nagbabanta niyang sabi. Subalit hindi natinag ang dalawa, lalo pa natuwa ang mga ito. “Madam, naman eh, kunwari ka pa…” tukso ni Eva sabay tinusok-tusok ang kanyang tagiliran. Napaigtad naman ang dalaga sa ginawang paglalambing ng kanyang assistant manager. “Is my, baby, in there? My golly! Ang sexy-sexy!” tila kinikiliting sabad ni Iya. Naiarko niya ang kanyang kilay sa familiar na salitang binitawan ni Iya. “Tapos sabay ngiti pa! Ang gwapo-gwapo talaga!” halos tumitiling turan ni Eva. Pinagsasapak niya sa braso ang dalawa para makausap niya ito ng matino. “Ano ba’ng pagmumukha ng loko-lokong iyan!” pabulyaw niyang sabi. Napasimangot naman ang dalawa at makapanabay na napahawak sa
Kitang-kita ni Marga na nagtagis ang mga panga ng binata sa sinabi niya. Marahan niyang ibinaba ang kanyang mukha na hindi iniiwas ang mga paningin mula rito. Batid niyang nagagalit ito dahil hindi nito makukuha ang gustong maka-date siya nito. Hindi naman siya kinakabahan, pero hindi niya maitindihan kung bakit nakaka-sense siya ng kakaibang vibes sa reaksyon na nakikita niya sa binata. "Well, I guess you have just proved to me that my intuition is right and you prefer that Miguel would know how you feel about him. Do you think if his girlfriend finds out about that, Miguel won't do anything?" kaswal nitong sabi. Napalunok si Marga sa narinig, somehow may punto ang binata. Ilang beses niya nang nakita ang girfriend ng amo, pero hindi niya alam kung ano ang attitude nito. At kahit sino naman sigurong babae mapapa-react kung malaman na may babaeng nagkakagusto sa boyfriend nito. Teka?! Pati ba ang empleyadong katulad ko, papatulan nu’n? “What if Miguel knew that you had heard what