“What the hell are you doing here? Kasing tigas na ba talaga ng bakal ’yang pagmumukha mo?”“Hindi ikaw ang ipinunta ko rito Philip kundi si Jessy.”Literal akong napanganga sa narinig. Ano naman kaya ang sadya niya sa akin? Unti-unti kong inangat ang aking paningin sa kanya. Napailing ako. Masama ang kutob ko na may mangyaring ’di maganda ngayon. Napalunok ako at mabilis na pumagitna sa kanila. Hinawakan ko sa braso si Philip saka bahagya siyang hinila palayo sa kaharap. Pansin ko kasing medyo mainit na ang titigan nilang dalawa. Parang walang gustong magpapatalo sa kanila.“Hon, pumasok ka na sa kuwarto natin. Ako nang bahala rito,” mahinahong turan sa akin ni Philip. Hindi na ako nag-abala pang sumagot. Tumalikod na ako ngunit mabilis nahaklit ni Noah ang braso ko. Napaigik ako nang maramdamang tila may matigas na bagay akong nasagi sa tagiliran niya. Napalunok ako. Hindi ako puwedeng magkamali. Matigas at parang…baril. Sa gulat ay mabilis ko siyang itinulak at walang pasabing
Tanging tunog lamang ng kutsara’t tinidor ang naririnig mula sa hapag. Hindi ako kumibo kahit nakaramdam na ako ng inis sa taong kaharap ko ngayon. Ang lakas ng loob magpakita sa amin pagkatapos niyang lasunin ang sariling anak. Ang kapal ng mukha.Napapailing ako bago binilisan ang pagsubo. Ayaw kong makikipagplastikan sa kanya. Sa totoo lang, ang sarap sapakin ng mukha niya kung wala lang sa harap si Princess. Kumukulo ang dugo ko hanggang ngayon nang dahil sa ginawa niya sa bata. Buong buhay ko, ngayon pa ako nakaka-encounter ng ina na sinubukang patayin ang sariling anak. Para siyang hindi tao sa ginawa niya.“Mag-usap tayong tatlo pagkatapos kumain,” walang buhay na sambit ni Philip.Mabilis akong napatingin sa kanya. Blangko ang mukha niya at gumagalaw pa ang panga habang nakatingin kay Alma. Hindi pa rin ako kumikibo sa halip, binilisan ko na lamang ang pagkain. Nang matapos, nauna na akong lumabas ng kusina at dumiretso ako sa sala. “Where’s Philip?”Mabilis akong napalingon
Hindi ako nakatulog kaagad kinagabihan dahil sa misteryosong lalaking iyun. Huminga ako nang malalim. Umupo sa kama saka nag-isip ng paraan kung paano ko mahuhuli sa akto ang lalaking ’yun. Kailangan ko rin sabihin kay Philip ang tungkol doon para hindi siya mag-isip nang masama o ’di kaya’y mag-alala sa akin. Bumangon ako saka nagpasyang magtungo sa kusina. Baka sakaling dalawin na ako ng antok kapag uminom ako ng gatas. ’Yun kasi ang parating sinasabi sa akin ni Mama noon. Madali raw makatulog kapag gatas ang iniinom. Binuksan ko ang switch. Pagkatapos, dali-dali kong tinungo ang thermos saka kumuha ng baso. Habang hinahalo ko ang gatas, bigla na namang sumagi sa isip ko ang lalaking iyon. Ano kaya ang pakay niya? Bakit palagi siyang nagpapakita sa akin? Huminga ako nang malalim bago humakbang palabas ng kusina. Pagdating ko sa silid ni Philip, mabilis kong dinampot ang cellphone na nakapatong sa mini table. Hinanap ko ang numero niya. Ilang oras na siyang umalis pero hindi pa si
Nanginginig ang mga kamay ko habang mahigpit kong hawak ang cellphone. Mayamaya pa ay narinig kong huminga nang malalim ang taong nasa kabilang linya. Lalong kumunot ang noo ko dahil hindi naman siya nagsasalita. Ilang saglit pa, biglang na lang namatay ang tawag sa kabilang linya. Napahawak ako sa aking dibdib. Bigla na lang tinambol nang matinding kaba ang dibdib ko sa hindi malamang dahilan. Hindi ako mapalagay habang tinititigan ko ang cellphone na kasalukuyan kong hawak-hawak. Sandali akong natigilan saka nag-isip kung paano nakuha ng estrangherong lalaking iyon ang numero ko. Sino kaya siya? Saan kaya niya nakuha ang phone number ko? Pumikit ako at nagpasyang hindi na tutuloy sa paglabas. Pinapaintindi ko na lamang kay Princess kung bakit hindi kami makaalis ng bahay. “Wow! May baby na ulit tayo, Mommy?” excited niyang tanong habang hinahaplos-haplos ang aking tiyan.Tumango ako. “Oo, Princess. Kaya hindi na muna tayo tutuloy kasi biglang sumakit ang tiyan ni Mommy, ha?” Ala
Chapter 1. “Happy wedding anniversary, hon. May gift —”“Ako rin may gift akong ibibigay!” matigas kong sambit. Hindi ko na siya pinatapos pang magsalita at mabilis na pinadapo ang isang palad sa kanyang pisngi. Kuyom ang mga kamao habang matalim ko siyang tinitigan. All this time ay niloloko na pala niya ako. Minahal at inaalagaan ko siya pero ’di ko alam kung saan ako nagkulang. Mapait akong ngumiti. May kulang pala na hindi ko naibigay sa kanya. Marahil iyon ang hinahanap niya sa iba na hindi niya makuha-kuha sa akin— ang magkaroon ng anak.“Hon, what's wrong with you? May problema ba?” Bakas sa mukha niya ang gulat habang hawak ang nasaktang pisngi. “Kailan mo pa ako niloko, Philip? Bakit hindi mo na lang sabihin sa akin kung nagsasawa ka na? Hindi iyong sinasaktan mo ako nang ganito. Bakit mo nagawa sa akin ito?” Hinampas ko siya sa balikat maging sa kanyang mukha. Humahagulhol ako habang walang tigil sa paghampas sa buo nitong katawan. Hindi ko alam kung saan dumapo ang mga
Chapter 2.“Niko?” bulalas ko. Mabilis kong ibinaba ang dalang maleta sa semento at sinalubong ko siya ng yakap. Ramdam ko rin ang pagkasabik nang gumanti siya ng yakap sa akin. “Gumanda ka pa lalo, ah. Kumusta ka na?” Natigilan ako. Kung puwede ko lang itago ang nararamdaman ko ginawa ko na pero nang titigan niya ako ay unti-unting pumatak ang aking mga luha. Pinahid ko iyon gamit ang likod ng aking palad at pilit na ngumiti. “Ayos lang ako. Ikaw ba?” balik kong tanong. Hindi siya kumibo bagkus kinuha na lamang niya ang maleta saka ako hinila papasok sa bahay ni Lola Esme. Marahas akong nagbuga ng hangin. Itabi ko muna ang problema ko at magkunwaring walang nangyari. “Lola Esme, kumusta na po kayo? Pasensiya na kung ngayon lang po ako nakadalaw,” bungad ko kay lola nang tuluyan na akong makaupo sa maliit na sofa. Nagmano ako at mabilis siyang niyakap. Matanda na siya. Bakas din sa mukha na may dinaramdam si lola. Nilibot ko ng tingin ang buong paligid. Nakita ko ang babae kani
Chapter 3:ISANG malakas na tili ang nagpagising sa akin mula sa mahimbing na pagkatulog. Hindi na ako nag-aba pang magsuot ng bra at basta na lamang akong lumabas ng silid saka dumiretso sa sala. Naabutan kong umiiyak si Aling Bebeng, siya iyong kasa-kasama namin ni Lola Esme rito sa bahay.“Ano’ng nangyari? Bakit ho kayo umiiyak?” taranta kong tanong. Nilapitan ko pa siya para pakalmahin.Itinuro naman ni Aling Bebeng ang kuwarto ni lola habang patuloy siyang umiiyak. Mabilis kumabog ang aking dibdib nang unti-unting nag-sink in sa utak ko ang dahilan kung bakit umiiyak si Aling Bebeng. Nanghihina kong inihakbang ang mga paa palapit sa silid ni lola at dito’y naabutan kong nakahiga siya sa manipis nitong kama habang wala nang buhay. Nanlumo akong napahawak sa malamig na bangkay ni Lola Esme habang walang patid ang pagtulo ng mga luha ko. “Lola Esme,” tanging nasambit ko. Napahagulhol ako nang iyak kasabay niyon ay ang pagyakap ko sa malamig niyang katawan. Isinubsob ko ang mukha
Parang kailan lang ay magkasintahan pa kami ni Niko. Pero ngayon magkahawak-kamay na kaming lumabas ng simbahan. Hindi ko akalain na sa mahabang panahong paghihintay ay nagkatuluyan din kaming dalawa. Sana wala nang balakid sa pagsasama namin. Sana lang ay hindi na mangyari sa kasalukuyan ang nangyari sa amin ng ex ko noon. Baka hindi ko na kakayanin.“MAHAL, may pupuntahan tayo,” bungad sa akin ni Niko. Katatapos lang namin kumain ng agahan at ngayon ay nagyaya na naman siyang umalis kami. Napangiti ako pero kaagad din napakunot ng noo nang mapansin ang butil-butil na pawis sa noo niya. Para din siyang kinakapos sa paghinga. “Mahal, may sakit ka ba?” takang tanong ko. Hindi siya sumagot. Nang makabawi ay mabilis niya akong nilapitan at ginanap ang aking dalawang kamay. Napalunok ako. Mataman niya akong tinitigan kapagkuwan ay kinintalan ako ng halik sa labi. Ramdam ko ang pananabik nito. Tinugunan ko naman ang bawat halik niya pero bago pa mauwi sa kung saan ang ginawa namin ay hi