Share

Chapter 80

Mabilis kong ibinalik ang sulat sa loob ng puting envelope kasama ang cheque bago tumakbo palabas ng opisina. Napapatingin ang ibang empleyado sa akin habang luminga-linga ako sa paligid, hinahanap si Miguel.

"Ma'am Caroline, tapos ko na po kayong ipagtimpla ng -"

"Sino ang nagbigay nito sa 'yo?" tanong ko kay Lena.

"Ibinigay lang po kasi 'yan sa guard, Ma'am. Hindi ko po alam kung sino ang -"

Dali-dali akong tumakbo patungong elevator. Halos mabangga ko na ang ibang empleyadong nakakasalubong ko. Napamura ako nang nakitang puno ang unang elevator na huminto. Wala akong ibang choice kundi dumaan sa hagdanaan.

Hinahabol ko ang aking paghinga nang nakarating ako sa ground floor. Luminga-linga ako sa paligid pero kahit anino niya ay hindi ko nakita. Kinapa ko ang cellphone ko nang naramdaman ang pag-vibrate nito. Dali-dali kong tiningnan kung sino ang nag-text.

From: 0910****011

I'm sorry for tarnishing your image. I never realized that loving you would be so challenging. I believ
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status