Share

Chapter 95

Nagtatakang tumingin si Monica sa amin. Pilit akong ngumiti habang inaalis ang kamay ni Seb sa baywang ko. Tumikhim si Miguel kaya nakuha niya ulit ang atensiyon ko.

"Let's go, Mon. They're having their date. Let them be," malamig na sabi ni Miguel. Ngumiti siya at hinila si Monica paalis.

"Enjoy! May pupuntahan muna kami!" pahabol na sabi ni Monica habang kumakaway sa amin.

"Kaibigan mo ba talaga siya o -"

"Shut up! Kung hindi mo lang sana ako nilibre baka nasuntok na kita," iritableng sabi ko at umupo para ipagpatuloy ang pagkain.

Tinawanan lang ako ni Seb. Panay ang tingin niya sa akin habang kumakain kami. Tititigan niya ako at tatawanan. Pasalamat siya at kaya ko pang pigilan ang sarili kong manapak kahit kanina pa ako napipikon.

Pagkatapos namin kumain, niyaya ako ni Seb na pumunta sa bar ng isla. Gusto niya raw uminom. Sasama ako sa kaniya pero hindi ako iinom. Nilakad lang namin ang bar na sinasabi niya. Malapit lang kasi ito sa pinagkainan namin.

"Hindi ka ba talaga ii
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status