"Chanel, come here. Kuya has a surprise for you."
"Really, Kuya? What's that?"
"Come here and see it for yourself."
Tinakpan niya ang mga mata ng kapatid gamit ang mga maliliit niyang kamay. Inakay niya ito palabas ng kanilang bahay at huminto na nang marating nila ang lugar na inihanda niya.
"Kuya, bakit ang tagal? I'm so excited na, oh."
"Okay. Open your eyes, Princess."
Dahan-dahang iminulat ng batang babae ang kaniyang mga mata at tiningnan ang nasa kaniyang harapan. Noong una ay tanging malabong rebulto lang ng isang tao ang kaniyang nakikita kaya kinusot niya ang kaniyang mga mata hanggang sa luminaw na ito.
Muli siyang tumingin sa taong nasa kaniyang harapan at nakita ng kaniyang mga mata ang mukha ng isang batang lalaki. Ngumiti siya rito at kumaway pa ngunit nakat
After a week na pag stay ko sa hospital, finally ay nakalabas na rin ako. Noong una ay napa-paranoid pa ang mga kaibigan ko at ayaw akong palabasin ngunit nang doctor na ang nagsabi, pumayag na rin sila.Kasalukuyan akong nakahiga sa aking kama kasama si Dior. Nakahiga ako sa kaniyang braso habang pareho kaming abala sa pagpindot ng kaniya-kaniya naming mga cellphone.Ilang sandali lamang, pareho kaming napaiktad nang biglang tumunog ang cellphone ko. Sinagot ko ang tumatawag doon ngunit bago pa man ako makapagsalita ay biglang may sumigaw mula sa kabilang linya dahilan upang ilayo ko sa aking tainga ang cellphone ko."Hello, Chanel. Nandyan ka pa ba?" tanong ni Zari. Muli kong nilapit sa aking tainga ang cellphone ko at sumagot sa kaniya. "Magkita-kita tayo rito sa mall bago mag sembreak.""Bakit naman ako sasama sa inyo?" taas-kilay na tanong ko. As if naman na makikita nila ako through voice
"Chanel, dalian mo na riyan. Naghihintay na sina Tita sa baba. May ibibigay pa raw sa 'yo bago tayo umalis," ani Dior mula sa labas ng aking kwarto habang patuloy pa rin sa pagkatok.Inis ko namang kinuha ang kwintas ko at isinuot iyon. Nang matapos ako roon ay agad ko nang inayos ang mga gamit kong nakakalat pa at inilagay iyon sa loob ng aking maleta. Kahit one week lang ako roon, marami pa rin akong dinalang damit para palagi akong may extra. Wala kasi akong mauutusan doon para ipaglaba ako. Ayaw kasi akong pagsamahin ng mga katulong ni Mommy.Nang matapos akong mag-ayos ng mga gamit at sarili ko, binitbit ko na iyon palabas. Paglabas ko, naabutan ko si Dior sa harap ng pinto ng kwarto niya at bored na nakatingin sa akin. Naglakad naman siya palapit sa akin at kinuha ang mga gamit ko. Ipinaiwan ko lang ang hand bag ko dahil naroon ang mga pangunahing mga gamit ko.Pagkababa namin, naabutan namin sina Mommy at Daddy sa
"Heather?" sambit ng isang tinig. Nang lingunin ko iyon, nakita ko ang isang pamilyar na tao. "Ano'ng ginagawa mo rito?" nagtatakang tanong ko habang nakatingin sa lalaking nasa harapan ko. "Danielle, right?" "Oo! Mabuti na lang at natatandaan mo pa ako," nakangiting aniya. "Dito kami nakatira at dito na ulit ako nagtatrabaho." "Nagtatrabaho?" takang tanong ko at tumango naman siya. "Oo. Mula bata pa lamang ako, dito na nakatira sa Alemanya Leona ang pamilya namin. Dito na ako lumaki at dito na rin ako nagbinata. Dating tauhan ang mga magulang namin sa bahay na ito at nang mamatay sila ay kami na ang pumalit sa kanilang dalawa," pagkukwento niya. "Aalis na kami, Ate." Tumango naman sa kaniya 'yung babaeng mataray. Iginaya niya ako pasakay roon sa golf cart at sumakay ako roon. Nang makasakay ako roon, pinaandar na niya ang golf cart at sinimulan na niyang patakbuh
"Ito na 'yung picture ng first love ko. Ito lang ang tanging litratong nasa akin. Ito na lang ang pinanghahawakan ko para mahanap siya. Umaasa ako na kahit malayo na ang mukha niya rito sa picture na ito ngayon dahil malaki na siya, sana ay makita ko pa rin siya kahit sa malayo lamang," ani Danielle at mababakas sa kaniyang tono ng boses ang lungkot. "Heather, this is Chanel Ganza." Mas nagulat ako nang banggitin niya ang pangalan ko. So, alam na pala talaga niya ang pangalan ko mula dati pa? Ngayong nagkita ulit kami, ang pagkakakilala niya sa akin ay si Heather at hindi niya alam kung ano ang surname ko. Ang alam niya ay anak ako ng business partner nina Daddy, without knowing na ako na 'yung matagal niyang inaasam-asam na makita at makasama. Hindi ko alam kung maaawa ba ako sa kalagayan niya o hindi. Gusto ko siyang tulungan para mahanap ang first love niya, pero paano ko magagawa iyon kung mismong ako ang hinahanap niya? Kung kanina,
Maaga akong nagising dahil sa sumisilaw na liwanag ng araw na nagmumula rito sa bintana ng kwarto namin. Inis ko iyong tiningnan dahil kulang pa ako sa tulog at gusto ko pang magpahinga. Nang tingnan ko iyon, nakita kong humahangin sa labas kaya hinahangin din ang kurtina at lumilipad-lipad ito na nagiging dahilan upang pumasok ang sinag ng araw rito sa loob ng kwarto. Inis akong tumayo sa kama at hinarangan ng mabigat na bagay ang kurtina kaya hindi na ito muling lumipad pa. Naglakad na ulit ako papunta sa kama ngunit nang akma na sana akong hihiga ay naudlot iyon nang may kumatok sa pinto ng aming kwarto. Muli, naiinis ulit akong naglakad palapit sa pinto ng kwarto namin. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko rito at napakaraming istorbo. Hindi ko naman pwedeng hindi pagbuksan dahil hindi ko naman sila ka-close para hindi pansinin. Nang makarating ako sa harap ng pinto, dahan-dahan kong binukasan ang pinto at
Maaga akong nagising dahil sa sumisilaw na liwanag ng araw na nag mumula rito sa bintana ng kwarto namin. Inis ko iyong tiningnan dahil kulang pa ako sa tulog at gusto ko pang magpahinga. Nang tingnan ko iyon, nakita kong humahangin sa labas kaya hinahangin din ang kurtina at lumilipad-lipad ito na nagiging dahilan upang pumasok ang sinag ng araw rito sa loob ng kwarto. Inis akong tumayo sa kama at hinarangan ng mabigat na bagay ang kurtina kaya hindi na ito muling lumipad pa. Naglakad na ulit ako papunta sa kama ngunit nang akma na sana akong hihiga ay naudlot iyon nang may kumatok sa pinto ng aming kwarto. Muli, naiinis ulit akong naglakad palapit sa pinto ng kwarto namin. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko rito at napakaraming istorbo. Hindi ko naman pwedeng hindi pagbuksan dahil hindi ko naman sila ka-close para hindi pansinin. Nang makarating ako sa harap ng pinto, dahan-dahan kong binukasan ang pinto at
"Babe!" sigaw ng isang tinig dahilan upang maagaw ang atensiyon ko. Agad naman akong napatingin sa direksiyon ni Dior na kasalukuyang tumatakbo papunta sa akin. "Saan ka ba nanggaling? Pagkagising ko kanina ay wala ka na."Napakagat na lamang ako sa aking labi dahil nakalimutan ko na kasama ko nga pala siya rito. Tapos hindi pa ako nag paalam na aalis ako."Umm... naglibot-libot muna ako kanina. Hindi ko naman alam na aabutin kami ng gabi sa pag-uwi," nakokonsensiyang sambit ko habang hindi makatingin kay Dior.Napakinggan ko naman na bumuntong hininga na lang siya at narinig ko rin ang pag gulo niya sa kaniyang buhok. Pasimple naman akong tumingin sa kaniya at nakita ko ang masamang pagtitig niya kay Danielle."Tara na sa loob para makapagpahinga ka na rin. Alam ko naman na pagod ka," pangyayaya niya at inakay na ako papasok sa loob ng bahay.Nang makarating kami sa loob, umupo
"Tara na! Nakaka-relax magpahinga rito!" pangyayaya niya sa amin at nauna na sa paglalakad.Sumunod naman kami sa kaniya hanggang sa makarating kami sa mismong lugar na tinutukoy niya. Napabuka na lamang ang aking bibig dahil sa pagkamangha habang pinagmamasdan ang lugar na ito. Sinasabi ko na nga ba, tama ang hinala ko."Bakit dito mo naman kami naisipang dalhin sa hot spring? E hindi ba't naiinitan kami kaya gusto naming ma-refresh?" takang tanong ni Dior habang sumusunod kami sa paglalakad kay Danielle papunta sa cottage rito."Kaya nga. Kailangan niyong mag relax. Hindi ba't nakaka relax naman ang init nito?" sagot ni Danielle bago huminto sa isang cottage na nahanap namin.Ibinaba ko naman sa lamesa niyon ang bucket hat na kanina ko pa suot para hindi mainitan ang mukha ko. Nilibot ko rin ang aking paningin sa kabuohan nito at hanggang ngayon ay namamangha pa rin ako sa paligid.