Share

Chapter Twenty One: Hospitalized

"Hindi pa rin ba siya nagigising hanggang ngayon?" narinig kong tanong ng isang tinig at base sa narinig ko, boses iyon ng isang babae.

"Magigising na rin siya mayamaya. Nakasinghot kasi siya ng chloroform kaya unconscious pa rin siya hanggang ngayon," sagot naman ng isa pa. 

Chloroform? Hindi ba iyon 'yung ginagamit ng mga kidnappers kapag papatulugin nila ang mga biktima nila? Teka, hindi ba panaginip 'yung na-kidnap ako?

Agad kong minulat ang aking mga mata at puting kisame ang bumungad sa paningin ko. Nang nilibot ko ang aking paningin, nakita ko si Mommy na nakaupo sa sofa na narito sa kwarto habang kausap ang isang babaeng doktor. Hays, nasa hospital na naman ako. Suki na lang talaga ng hospital at infirmary ngayon. Hindi pa nga magaling 'yung paa ko, pero ilang beses na akong napunta rito.

"Mommy..." mahina at namamaos na sambit ko. Agad namang napatingin sa akin ang doctor at si Mommy. U

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status